Kabanata 4

1K 56 28
                                    

Kabanata 4

"Chance who?" nanlalaki ang mata ni Twist nang ikwento ko sa kanya.

Kanina ay hindi nawawala ang ngiti sa labi niya habang nagkikwento ako. Ang sabi niya ay ang cute raw ng conversation namin pero para sa akin ay parang normal lang naman ang usapan namin. Totoo nga ang nakalagay sa bio niya.

Gentleman na bastos.

"Anong meron ba kay Chance?" kunot noong tanong ko.

"Fucker! Baka si Chance Jones iyan, ha? Sasabunutan talaga kita."

Pinabayaan ko siyang magsalita nang kung ano ano. Hindi ko siya maintindihan. Wala naman nakalagay na last name sa Tinder kaya malay ko ba kung Jones ba ang apilyedo noong Chance na iyon.

"Patingin nga ng pictures na sinend niya!" pilit niyang inagaw sa akin ang cellphone ko at binuksan ang Tinder.

Lalo siyang nagulat at parang hindi na siya makapagsalita sa pagkalaglag ng panga niya. Pumikit siya ng mariin at impit na tumili. Kinagat nalang niya ang kanyang kamao para hindi lumakas ang sigaw niya.

"Weirdo..." umiiling na sabi ko.

Marahas na inagaw ko sa kanya ang cellphone ko at tinago sa bulsa.

Iwan ko kaya si Twist ngayon, ano? Siguro aakalain ng iba na baliw siya. Ako nga lang na kaibigan niya ay nagdadalawang isip na kung normal pa ba siya o may problema na sa utak niya.

"Famous iyan!"

Hindi agad naproseso ng utak ko ang sinabi niya kaya nanatiling nakakunot ang noo ko. Siguro ay inabot ng 50 seconds bago nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko. Pinalo ko ang braso niya.

"Are you fucking serious?!"

Unti-unting tumango si Twist at ngayon, parehas na naming hindi maisarado ang bibig. Hindi ko na rin magawang kumurap dahil nanatiling nanlalaki ang mga mata ko.

"Chance Jones... a famous student from Likon High because of his loveteam. Nagsimula sila sa pagpost ng mga videos together at nagclick sa mga tao kaya sikat silang dalawa..."

Hanggang sa pagkain ng lunch ay puro si Chance lang ang pinaguusapan namin. Hindi ko matandaan kung kailan ako kuling naging interesado sa isang lalaki pagkatapos ni... nevermind.

"Talaga? Bakit hindi ko siya kilala?" ngumunguyang tanong ko.

"Isn't amazing?" ngumisi siya. "Isang famous na tao at isang nobody, nagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon?"

Umirap ako sa kanya at binato siya ng tissue. Simula kaninang umaga ay pinupush na talaga niya kaming dalawa ni Chance. Ang sabi niya ay magiging isang cute na couple raw kami kapag nagkataon.

"Kinikilig ka lang, Kismet, eh. Aminin!" sinundot niya ang tagiliran ko.

"Tigilan mo nga ako. Atsaka wala akong aasahan doon dahil alam ko kung saan ang lugar ko. Sa tinder kami nagkakilala, remember? Hindi rin magtatagal ang paguusap naming ito. He'll get bored..."

"Ang nega mo naman, girl."

Hindi ako nega, natuto lang.

Sa ilang beses ko ba namang naka-encounter ng mga lalaki, alam ko na kung ano ang galaw nila. Kakausapin ka nila ngayon, bukas, hindi na. Gusto ka nila ngayon, bukas, hindi na rin.

Paulit-ulit lang. Nakakasawa.

💎💎💎

Today 8:03 PM

Chance:

hi!

how's your day? 🙂

Today 8:05 PM

Kiss:

Tiring!

You?

Today 8:05 PM

Chance:

okay naman

may energy pa rin. :)

send me another pic

gusto kong makakita ng qt e

Today 8:09 PM

Kiss:

Haggard na ako

Ayako 😛

Today 8:11 PM

Chance:

hindi na balanse

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

hindi na balanse

i-balance mo 😜

Today 8:12 PM

Kiss:

😑

May tanong pala ako

Wag ka sana maoffend

Pero...

Today 8:13 PM

Chance:

pero?

Today 8:14 PM

Kiss:

Ikaw ba talaga yan?

I mean

Nagda-doubt talaga ako kung totoo ka

Alam mo na?

Sa panahon ngayon, puro poser na diba?

Today 8:15 PM

Chance:

ako nga to haha

di mo ba ako type?

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon