SIMULA
THIRD YEAR. SECTION 1.
Ala-sais imedya ng umaga. Halos puno na ang isang silid. 'Yung iba nagr-review habang 'yung iba naman ang naglilinis. Dahil isang pampublikong paaralan, motibado ang bawat estudyanteng makapagtapos ng kanilang pag-aaral at maiahon sa kahirapan ang kani-kanilang buhay.
Habang palakad ng palakad ang bawat minuto, padami ng padami ang mga mag-aaral kung kaya't unti-unti ang pag-uugong ng mga bulungan. Nagkausapan, hanggang sa may ibang nagsisigawan at naghaharutan.
Datapwa't natigilan ang mga estudyante sa kani-kanilang mga ginagawa nung tumambad sa pintuan ang taong kanilang higit na na nirerespeto. Kinatatakutan.
Tila sa isang iglap. Tumigil ang mga bulungan at walang tao ang nagtangkang mag-ingay. Patuloy lang sa pagsingaw ang kanilang sirang electricfan habang unti-unti rin nagsisibalik sa kani-kanilang mga upuan ang bawat estudyante. Sarado ang mga bibig. Nakayuko. Tahimik.
Pumasok ang taong mula sa pintuan at tila'y um-echo ang yabag mula sa sapatos nito. Walang may umastang lumingon ito sa kanya. Wala. Diretso lang ito sa upuan hanggang sa marating ito at tahimik na pumunta sa upuan saka ito umupo. Binuklat ang isang libro at tahimik na nagbasa.
Dumaan ang ilang minuto. Unti-unti nang may nag-uusap. Ngunit hindi masyadong maingay sapagkat ang bawat isa, siga man o suplada, tahimik man o bungangero ay takot na makadistorbo ang nagbabasa.
May isang matangkad na pigura ng lalake ang pumasok. Agad na nagsitayuan nag mga estudyante upang batiin ito. Isang bihasang guro sa agham panlipunan, nakakuha ng Masterals Degree. Datapwa't pinili lamang nito na manilbihan sa isang pampublikong paaralan bagaman malapit ang puso nito sa mga estudyanteng nagsisikap
.
Pumasok ito at pumagitna sa klase, ngunit bago magsimula ay napalibot ito ng tingin hanggang sa dumapo ang tingin nito sa isang estudyanteng tahimik na nagbabasa sa likod.
Kung tutuusin ay napakasimple lamang ng postura ng estudyanteng ito. Isang lumang mahabang palda na angkop sa kanilang uniporme, at isang malaking pang-itaas na halos maging kulay dilaw na sa sobrang luma nito. Hindi kaitiman ngunit katamtaman ang balat nito, ngunit kung titigan mong mabuti, kaunting linis at alaga sa katawan ay magiging mestisa na ito.
Naka-ibabang ponytail ang buhok nito, na halos abot sa puwet ang haba. Halos natabunan ang lumang salamin ang singkit ngunit 'di gaano ang mga mata, hindi mo maaring titigan ng matagal sapagka't ika'y kikilabutan ng husto mula pa hanggang ulo. Nakakatindig balahibo.
Nakayuko ito, nagbabasa at tila'y walang pakialam sa paligid. Nasa sulok lamang ito, ni hinding nag-abalang lumingon o tumingala.
Biglang napangisi ang guro sa turan nito. Nagsimula na ang klase at pinabayaan lamang ang tahimik na dilag sa ginagawa. World history. Isang bagay na kina-iibigan ng gurong ito. Hindi mo maihahalintulad ang kaalaman nito sa iba , pagka't araw gabi ay wala itong ginawa maliban sa pag-tuunan pansin ang Kasaysayan ng Mundo.
Huminto ang klase ng may tinanong itong, ni isa man ay walang nakasagot.
"When was the Wars of Roses?"
Napanganga lamang ang mga estudyante at nagtitinginan. Tulala sa biglang pagtanong ng guro. Umugong ang pagtatanungan , kumukunot ang mga noo at bakas ang pagkagulat. Subalit patuloy lamang ang mga ito sa pagtataka 'di maiwari ang pagkalito.
Muling tinanong ng guro ang tanong, subalit hindi para linawin kundi param makuha ang tamang sagot sa kanya.
"Rodriguez."
Awtomatikong naestatwa ang bawat isa, nilingong ang dalagitang dahan-dahang napatingala. Bigla namang umiwas ang mga kaklase at pumihit paharap ngunit pinabuhay ang mga tenga sa tinding nais na marinig ang tamang sagot.
"The wars of the roses were civil wars fought between the Houses of Lancaster and York in England from 1445 to 1485."
Datapwa't walang may marinig na papuri bakas naman ang bawat pagkamangha sa mukha ng mga kaklase nito. Subalit napangisi lamang ang guro , tila'y 'di kuntento at muling tumapon ng isang katanungan
" A man got killed in his office. The suspects are Edison, Maxis, Jason, Janna, Sofia. A calendar near the man has blood, written 6, 4, 9, 10, 11. Who is the killer?"
Napanganga ang bawat isa. Maririnig ang pagkakasinghap at biglang kumawala ng pagkabigla. Hindi alam kung ano ang gagawin. Muli silang bumaling sa dalagita.
Mariin lang itong tumitig sa guro at kumawala ng isang mahina ngunit malamig na tinig
"Jason."
Tumambad sa mukha ang labis-labis na pagkamangha ng guro. Malakas ngunit mabagal itong pumalakpak. Tila'y hindi makpaniwala. Matagal niya kasing pinag-isipan ang sagot sa tanong na iyon. Halos umabot sa dalawang araw. Ngunit hetong estudyanteng nasa harap niya ang nakasagot ni hindi umabot sa isang minuto.
Tumalikod ang guro. Hindi parin makapaniwala. Bakas ang pagka-aliwalas sa mukha nito. Siya'y 'di na magtataka kung bakit halos lahat, estudyante man o guro ay halos tinatingala siya. Kinatatakutan.
Nakakataas ba naman kasi ang kanyang kaalaman.
Subalit... nakakapangilabot.
Tila parang walang nangyari. Muling yumuko ang dalagita at nagpatuloy sa kanyang pagbabasa...
![](https://img.wattpad.com/cover/128995549-288-k854565.jpg)
BINABASA MO ANG
Wicked Royalty [EDITED]
ActionIsa ka ba sa mga magaganda o isa ka sa mga nagmamaganda? Matalino ka ba? O nagmamatalino? Mabait ka nga ba? o isa ka sa mga nagbabait-baitan. Higit sa lahat... ( Check Prolouge) ALL RIGHTS RESERVED | 2017| MISSEWRITER Disclaimer: I would like to cl...