CINCO

5 0 0
                                    

Faye's POV


Agosto 20. Sampung araw mula ang first day of classes ng Bestia Intitute. Kadalasan, ang mga private schools dito sa bansa ay nagsisimula sa unang araw ng Setyembre habang ang mga pampublikong paaralan naman ay nagsisimula sa buwan ng Hunyo.



Agad na inasikaso ng mga Samfords ang enrollment ko at ngayon, napagpasiyahan ni Mrs. Samford na magshopping ng school requirements—Nang kasama ako.



Dahil wala nga akong maleta pagpunta dito, at pagmamay-ari ni Mrs. Samford ang Devereaux Clothing Line, nagulat nalang ako ng sumunod na araw na puno ang aking aparador ng mga naggagandahang damit. Na pawang, hindi ko naman mga style dahil sobrang pambabae nito.



Kaya hinanap ko naalng ang pinakasimple. Isang fitted grey t-shirt at white skinny jeans pinarisan ng sandals. Hindi ko na pinony-tail ang buhok ko, bagkus sinuot ko nalang ang salamin ko. Isa pa, hindi na ako nag-aksaya ng panahon, dire-diretso lang ako sa pagbaba at dumiretso sa lobby kung saan sila naghihintay.


Doon ako sinalubong ni Mrs. Samford at ag kanyang anak na lalaki. Si Vaughn. Si Mrs. Samford ay taliwas sa inaasahan ko, imbes na bestida na kanyang nakasanayan ang nakahigh-waist jeans ito at fitted blouse pinarisan rin ng heels.


Habang si Vaugn ay naka-tshirt at jeans habang nakasukbit sa kanyang balikat ang beats na headphones. Para lang silang magkapatid kung tingnan.

Lumapit sa akin si Mrs. Samford at sinalubong ako ng napakalawak na ngiti.

" Ang ganda mo , Faye. Saka parehas tayo ng suot. Para tuloy tayong magkapatid" tiningnan ko nga, tama nga siya. Kapareha nga kami ng suot. Patuloy lang siya ng pagkuwento sa aking nang kanyang excitement ng pumarada sa aming harap ang isang puting van.



Naunang pumasok si Vaughn saka sumunod naman si Mrs. Samford , pinauna niya ako ng pasok at kung susuwertehin nga naman, magkatabi pa kami ng lalakeng 'to. Hula ko na sa 14 lang 'to, medyo mas mataas siya sa akin.

Balewala lang siyang umupo habang may inaatupag sa Ipad niya. Panay lingon naman sa amin si Mrs. Samford.

" Vaughn, aren't you excited?" nakangiting tanong ni Mrs. Samford sa anak, nakakakilabot lang na ngisi ang iginanti nito sa ina at ibinalik ang tingin sa bintana.



"Oh well, he's excited. Ikaw ,Faye? Excited ka rin ba?" mahina lamang akong napatango saka napayuko. Sa katotohanan, nakakaramdam aako ng kaba at konting excitement. Naging palaisipan ko kasi na marami akong matututunan kapag nakapasok ako sa Bestia Institute. Saka, kauna-unahan na pagkakataon ko itong makakapamili ng mga gamit para sa eskwela sa isang mall.

Noon kasi, sa palengke lang kami namimili nina Mama at Kuya. Pero masaya rin naman dahil paunahan sa pagpili doon. Mas lalo ko tuloy nami-miss ang dati kong buhay.



Pagkatapos ng tatlumpung minuto tanaw ko na mula sa malayo ang napakalaking mall. Ang sikat na mall sa bansa, ang Stratos.

Lumiko ang van sa kaliwa, saka dumiretso, marami-raming sasakyan dito ngayon, dahil nga malapit na ang klase, siguro marami ring mga mamimili ngayon. Hindi ko akalain na ganito pala ang nagagawa ng mayayaman, may ibinigay ang driver sa isang guard saka pinapasok kami sa isang madilim na pasilyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wicked Royalty [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon