DOS

8 2 0
                                        



 Faye's POV


" Kicked-out?" pigil-hiningang pagkukumpirma ko kay Ms. Gomez. Halos nabanggit ko na ang lahat na mura sa aking isipan. Nakayuko si Ms. Gomez na nagpakumpirma sa aking katanungan.


Tngna.



Biglang nangmanhid ang aking mga paa at lumamig ang aking mga palad. Ramdam kong biglang uminit ang aking ulo, senyales na pinagpapawisan at ramdam ko ang pagkahilo ng aking mga mata. Gusto kong itungkod ang aking mga siko subalit , hindi ito pinapahintulutan ng aking sistema.



Wala sa sariling nabagsak ko ang aking mga balikat habang libo-libong mga katanungan ang bumuo mula sa aking isipan. Bakit? Paano? Kailan? Ano?! Hindi ko mawari kung saan i-fofocus ang aking iniisip. Unang pagkakataon sa aking buhay nangyari ito. Hindi ko alam kung ano ang tamang gawin.


Hindi ko lubusang mailubog sa aking kokote ang mga pangyayari at muling pagdudahan ang aking sarili. Wala naman akong may ginagawa. Active pa 'rin naman ako sa mga activities at wala akong nilabag na rules. Sa pagkakatanda ko.


Muli kong iniayos ang aking kompustura subalit may biglang sumagi sa akig isipan


Teka,


Wala nga ba?


"Alam mo 'ba kung ano ang tawag sa'yo?" ipinilig niya ang ulo niya sa kanan na parang nagtatanong ng 'Ano?' habang bakas ang angas mula sa mukha.


Ngumisi lang ako saka sabay sabing...


"Tarantado."



Muling bumalik sa aking isipan ang panyayaring 'to. Kaya napahinga ako ng napakalalim.


" You bullsh*t!" bigla siyang napatayo mula sa pagkakaupo at bigla akong hinawakan sa kuwelyo na sapilitang humila sa akin patayo.



Nagkagulo-gulo na. Halos himatay si Ms. Gomez at dalawang paksiyon na ang tumitigil sa kaguluhang.


Napangisi lang ako ng ganti at 'di nagpakita ng takot sa kanya. Ramdam kong mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kuwelyo ko inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nagti-tiim baga siya at mas lalong nginingitngit ang mga ngipin niya.


Hals 'di na ako makahinga kaya sinipa ko ang tuhod niya na nagpaatras sa kanya. Sa kabutihang palad, nasalo siya ng mga kasamahan iya.



Akmang tatayo sana at sumugod muli. Ngunit sa pagkakataong ito, ' di na nakatimpi si Ms. Gomez ang sumuway sa amin na nagpatindig-balahibo sa mga kasama ko.

Wicked Royalty [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon