Faye's POV
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan at dumiretso sa engrandeng dining room nila. 'Di man sa kalayuan ay rinig na rinig ko ang mga kalampang ng kanilang mga kubyertos at ilang mga tinig na nag-uusap at nagtatawanan.
Muli kong tiningnan ang aking sarili. Kapapalit ko lang ng damit, Orange na tshirt saka isang cargo pants at tsinelas. Ni-low ponytail ko ang buhok ko saka inayos ang aking salamin. Simpleng napakibit-balikat nalang ako sa damit ko at dumiretso papasok sa kanila.
May tatlong pigura ng tao mula sa peripheral vision ko, pero di ko sila inalintana. Dire-diretso lang ako papasok.
Agad naman nila akong napansin at biglang tumayo ang napakagandang babae saka lumapit sa akin. May kataasan ito at napakaganda ng kanyang kulay brow na buhok na naakaeleganteng nakaayos. Mula sa matangos nito at mapupulang labi ay nagmmistulang dalaga ang ginang.
Yinakap niya ako, subalit 'di ako gumanti. Napaka-sopistikada ng porma nito at napakahalimuyak ng mamahalin nitong pabango. Inakay niya ako paupo sa kanyang tabi. Tahimik lang akong sumunod ng walang emosyon sa aking mukha.
Nakaupo sa head chair ang kabiyak nito. Dahil sa clean cut hair nito at mamahaling damit ay mas naging prominente ang dating nito at mababakas sa mukha ang tindig na angking kagwapuhan. Sinuri niya lamang ako ng seryoso
Tila'y maihahambing mo siya sa isang agila. Nakakakilabot man ang kanyang mga tingin ngunit di ako nagpa-apekto. Tumango lamang ako ng bilang isang pagbati at sa 'di inaasahan ay ginantihan rin niya ako.
Doon ko lang napagtatnto na may babaeng kedad nila ang aking nasa harap. Maihahalintulad mo sa isang aktres ang hitsura nito at bakas na bakas ang kaputian ng kanyang ngipin habang ngumingiti sa akin. Sa buhok nito blonde, masasabi kong isa itong babae na hindi nagppahuli sa fashion.
Pero 'di siya pamilyar sa akin, katulad nang dalawang nauna.
" Alexandra," tipid na sabi niya. Nakuha ko rin naman ang ibig niya. Napatango lang ako ng mahina.
" Faye." ganti ko rin naman habang sumasandok na ng kanin at ulam sa harapan ko. Hindi ko lang sila pinakialaman dahil pawang kumakain rin naman sila. Saka isa pa, kanina pa ako gutom. 'Ni wala nga akong tulog. Pero alam kong tinititigan nila ako,
Pasensya na , pahirapan sa walang pakialaman.
"Kapatid niya 'ko" turo niya 'dun sa lalakeng nakaupo sa head chair habang ngumisi lang sa aking saka tinukod ang baba niya sa kanang mg kamay. Tila, pinapanood akong kumakain. Ngising-ngisi na para bang isa ako entertainment show.
![](https://img.wattpad.com/cover/128995549-288-k854565.jpg)
BINABASA MO ANG
Wicked Royalty [EDITED]
ActionIsa ka ba sa mga magaganda o isa ka sa mga nagmamaganda? Matalino ka ba? O nagmamatalino? Mabait ka nga ba? o isa ka sa mga nagbabait-baitan. Higit sa lahat... ( Check Prolouge) ALL RIGHTS RESERVED | 2017| MISSEWRITER Disclaimer: I would like to cl...