Faye's POV
Tumunog ang isang mahabang siren na naghudyat upang magtanghalian. Agad kong sinarado ang librong aking binabasa at agad na lumabas sa pintuan habang ang iba ay napatitig lang sa akin tulad ng inaasahan. Ilang taon na ito, ngunit para pa rin silang timang na nakanganga sa akin habang ilang beses ko na itong ginagawa.
Sa bawat pagtahak ko ng aking mga yapak. Batid kong agad na iniwas ng mga esudyante ang kanilang mga tinginan. Kung kaya't kusa ko na lamang iniyuko ang aking ulo.
'Di na ito bago. Sapagka't apat na taon na ako rito. Apat na taon ko na ring dinanas 'to. Apat na taong na rin akong nag-iisa. Tahimik ko na lamang itinuon ang aking pansin sa isang maliit na eskinita. Dali-dali akong pumasok dito.
Tulad nang nakasanayan, walang masyadong tao. 'Di rin naman kasi ito kalakihan. Humanap na ako ng puwesto sa pinakadulo, at tahimik na kumuha ng isang libro sa ilalim ng shelf na may nakalagay na '400-499' saka pumuwesto sa upuan.
Trenta minutos ang nagdaan tahimik lang ako na nagbabasa nang may narinig ako ng mga sigawan sa labas. Hindi ko na lamang ito binigyan ng pansin dahil 'di rin naman ako interesado. Dumaan ang ilang Segundo, naarinig kong mas lalong lumakas ang kaguluhan, ngunit sa muli, isinawalang bahala ko ito.
Isasarado ko na sana ang libro dahil ramdam ko na ang kumukulo kong tiyan subalit nagulat ako—pati na rin ang mga tao rito nang biglang kumalabog ng pintuan papasok. Bumuluga dito ang isang lalakeng may kapayatan na medyo matangkad.
Bakas sa mukha nito ang pag-alala at tagaktak ang pawis nito. Hinihingal na parang ilang daan kilometro ang itinakbo. Hula ko'y nasa first year high school ito. Agad na inilibot nito ang paningin sa paligid hanggang sa dumapo ang mata niya sa mga mata ko.
Biglang lumaki ang mga mata niya sabay napalunok. Lumapit siya sa akin habang nanginginig at pinagpapawisan. Nanatili lamang akong blanko at walang pakialam.
" I-kaw po yung P-peace and O-order , d-diba?" putol-putol na tanong niya. Lihim 'kong kinunot ang noo ko, habang dahan-dahang tumango. Muli siyang lumunok ng laway habang mahinang inilahad sa akin istorya ng buong pangyayari.
Agad itong nakuha ang aking atensyon at 'di na nagsayang ng oras. Dali-dali akong tumayo at tumakbo habang 'di binibigyan pansin ang aking mga natirang mga gamit. Agad kong tinungo ang madilim na pasilyo tungo sa likuran ng aming paaralan sumusunod sa akin ang freshman.
Lumiko ako ng isa pa hanggang naabot ko ang pinakadulo na parte ng paaralan. Tumambad agad sa akin ang lupon na mag-aaral na nagkakagulo sa pagra-rambol. Dalawang grupo ng mag-aaral na kapwa magkaiba ang suot na uniporme.
BINABASA MO ANG
Wicked Royalty [EDITED]
ActionIsa ka ba sa mga magaganda o isa ka sa mga nagmamaganda? Matalino ka ba? O nagmamatalino? Mabait ka nga ba? o isa ka sa mga nagbabait-baitan. Higit sa lahat... ( Check Prolouge) ALL RIGHTS RESERVED | 2017| MISSEWRITER Disclaimer: I would like to cl...