TRES

5 1 0
                                        


Faye's POV



Sa halos mag-aalauna na ng madaling araw. Limang siyudad na ang aming nadaanan at halos 'di parin ako dalawin ng antok dahil sa iniisip. Hindi ko aakalain na muli ko na naman silang makikita.



Muli kong tiningnan ang bintana at inaalala ang bawat eskinita at kalye na dinadaanan namin. Makulimlim ang kalangitan at halos nangitngit na ang kalye at ang tanging ilaw lang na silbi namin ay ang ilaw ng sasakyan na aming sinasakayan.



Halos hindi na maaninag ang mga bahay dahil sa kadiliman nang biglang huminto ang sasakyan sa isang opening gate. Sumanib ang kaba sa aking dibdib. Tumaas ang bilang ng aking paghinga. Pilit ko mang iwinawaksi, batid kong malapit na kami.

Kinausap ng driver ang guard sa gate ng isang prehistiyosong subdibisyon na ito, at may inabot na isang maliit bagay. Malamang, isang card at tuluyan na kaming ipinapasok rito. Pinakiramdaman ko ang aking sikmura, na walang tigil sa pagpapahayag ng kaba at tinitigan na lamang ang mga kabahayan na aking nakikita at dito itinuon ang aking pansin.



Hindi ito isang beses na aking pagpunta. Sa katunayan, ito'y pangalawa na. Ngunit hindi ko parin mapigilan na hindi humanga sa bawat pamamalagian na aking natatanaw. Bakas ang sopistikasyon sa bawat bahay----mansion na aking nakikita.


Pansin pansin ang mga mamahaling bato mula sa labas, at 'di biro ang bawat teknolohiya na makikita mo mula sa gate pa lamang. Kumakatwiran pa ang sukat nitong mga ilang hektarya. Halatang-halata mula sa labas, na may ibubuga sa bilyones na mga pera at mga taong namamalagi dito.



Subalit, kahanga-hanga man ang mga kabahayan, kumakaliwa naman ang mga taong nanarahan sa mga bahay rito. Batid kong ang mga mayayaman ay may mga tagong kalihiman. Bawat isa, kung hindi man nandadaya sa politika , ekonomiya at kaban ng mga taong bayan,

Isa lang din naman ang kanilang kinasasangkutan...



Ang mga Itim na Organisyon.



Lihim na lamang akong napangisi ng demonyo sa kaisipang ito. Ang kakapal ng kanilang mga tabas sa mukha. Namumuhay sila ng ipinagmamalaki ang kanilang mga pera na para bang, hindi alam ng mga mamamayan ang kanilang mga ginagawa.




tingin nila sa amin ay parang mga ignorante.

Hindi man sila masisi ng ibang tao, tagos hanggang buto ang pagkasuklam ko sa kanila. Paano hindi lalakas ang loob? Pinahihintulutan ng gobyerno ang mga maitim nilang balak. Nile-legalize nila ang isang Illegal.

Hindi man batid ng ibang mamamayan ng bansa at piling tao lang man ang nakakaalam. Subalit alam kong may isang tagong branch ang gobyerno. Ito nga ay ang tinatawag na Black Org o sa madaling salita BO.




Bawat tao ay pamilyar sa salitang BO. Ito lang naman kasi ang katipunan ng mga mayayamang tao ng bansa na may malaking ambag sa pulitika 'kuno'. Ngunit, taliwas at mas may malaking layunin pa ang organisasyong ito.

Wicked Royalty [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon