PROLOGUE

21.8K 305 0
                                    


"Let's all welcome Miss Amparo Naval, an eighteen-year old lady from Cebu City and the Philippines' representative to the Supermodel of the World competition in Beijing, China," buong kaismartehang pakilala sa kanya ng talk show-TV host na si Liz Santamaria bilang guest nito sa Tonight With Liz.

May kompiyansang ngumiti si Amparo sa harap ng camera. Kasama niya sa pag-guest sa naturang programa ang kanyang manager at sikat na fashion designer na si Emma Badeo.

"Good evening sa lahat ng mga manonood sa bansang Pilipinas," bati ni Emma, manager din ng Runway Production, ang agency na kinabibilangan ni Amparo.

"I heard, next month na ang Supermodel competition," kumpirma ni Liz kay Amparo.

"Yes," sagot niya. "This will be on the first week of November, and as you mentioned earlier, the competition will be held in Beijing, China."

Ngumiti si Liz at humarap sa audience. "May we request Miss Naval to do a catwalk in front of our televiewers."

Nagpaunlak naman si Amparo. Nakasuot siya ng Body Active gear, a combination of jacket and shorts.

"Miss Naval stands five feet and nine inches, and measures thirty-three, twenty-four, thirty-four. A statuesque and with dusky skin, I'm sure she's gonna make it in the international competition!" masiglang pagsasalita ng host habang nagsasagawa si Amparo ng catwalk sa harap ng live audience.

"But of course, Liz," sang-ayon ni Emma. "She stands a good chance. We believe that the time is ripe for a Filipina supermodel to shine in the international scene. We're confident because we've trained her to acquire the right professional attitude and discipline for an international modelling career."

Mataginting ang palakpakang narinig ni Amparo nang matapos siya sa pagrampa. Pagkuwa'y naupo na siya. Muling iniabot ni Emma kay Liz ang mikropono.

"Thank you so much, Miss Naval. Ladies and gentlemen, our very own, our Supermodel, Miss Amparo Naval."

Muling nagpalakpakan ang audience.

"Thank you," nagagalak na sambit niya at wala sa loob na napatingin sa kinaroroonan ng kanyang mama. Kasalukuyang nagpupunas ng panyo sa mga mata si Mrs. Naval.

Lihim siyang napangiti dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasanay ang kanyang ina sa tinatamasa niyang tagumpay.

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #4  - PICOLO aka PIOLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon