Nang mapagsolo sila ni Piolo sa loob ng silid ay walang gustong magsalita sa kanila.
Gamit nito ang saklay upang makapasok sa loob ng banyo.
Hindi naman malaman ni Amparo kung aasistehan ito. Pero alam niyang sa mga ganoong sitwasyon ay talagang hindi nagpapatulong si Piolo. Kahit paano ay kinakaya nito ang sarili kahit hirap sa kalagayan.
Pagkalipas ng mahigit isang oras ay lumabas ito mula sa banyo. Halatang presko na ang anyo ng binata.
Napaawang ang bibig niya nang makitang malinis na ang mukha nito. Nakapag-ahit na si Piolo. Nakadama siya ng awa nang makita ang munting sugat sa pisngi nito. Gayunpaman, hindi niya nais na may mahalata ito sa kanya.
Siya naman ang pumasok sa loob ng banyo para makapaglinis ng katawan. Paglabas niya ay nakasuot na siya ng ternong pajama.
Nakita niyang nakahiga na si Piolo sa queen-size bed. Sa isang bahagi ng silid ay naroon ang sofa bed.
Sinuklay-suklay niya ang mahabang buhok para matuyo.
"Nasaan na ang family mo?" basag ni Piolo sa katahimikan.
Natigilan si Amparo. Dapat nga ba niyang sabihin dito ang totoo? "Nasa Alabang," pagkuwa'y pagsisinungaling niya.
"Paano kung hanapin ka nila?"
"Tatawagan ko na lang sila," aniyang patuloy sa pagba-brush ng kanyang buhok. Tumayo siya para i-adjust ang air-con.
Naramdaman niyang nakatitig si Piolo sa kanyang likod. Bakat sa suot niyang manipis na pantulog ang hubog ng kanyang katawan. At nang humarap siya sa binata, kapuna-punang nakatutok ang mga mata nito sa kanyang dibdib.
Noon lang niya na-realize na nagtanggal siya ng bra.
Nasa anyo ni Piolo na tila nagkaroon ng bara sa lalamunan habang titig na titig sa namamakat niyang dibdib. Tila may init na lumukob sa buong pagkatao niya. Daig pa ni Amparo ang nahaplos sa bahaging iyon sa pamamagitan lamang ng makatagos-katawang tingin ng binata.
"Matulog ka na, Piolo," pormal ang mukhang sabi niya at saka lumapit sa cabinet para kumuha ng linen at pillow. Dama niyang nakasubaybay pa rin sa kanya ang mga mata nito.
"I won't allow you to sleep on that sofa," galit nitong sambit na nagawang ibangon ang sarili at sumandal sa headboard.
Nanunuya naman ang ngiti niya. "At saan mo ako patutulugin? You already occupy that bed."
"Puwede tayong mag-share dito."
"Hindi ako sanay na may katabi sa pagtulog."
Napangisi ito. "I don't believe you, Ampy." Iba ang ibinabadya ng ngiti ni Piolo.
Noon naalala ni Amparo ang akusasyon nito sa kanya. Inisip nito na ang lahat ng lalaking na-link sa pangalan niya ay nagkaroon ng malalim na kaugnayan sa kanya. Gayunpaman ay hahayaan na lamang niya ang binata sa maling iniisip sa kanya. After all, hindi naman mahalaga sa kanya ang impresyon nito.
"Damn it, Ampy! Come here! Pareho lang tayong dapat magpahinga." His voice was rough with exasperation.
Mapang-akit ang hakbang niya habang papalapit sa kama. Magkahinang ang kanilang mga mata. Hanggang sa sumampa siya sa kama. Naglagay siya ng kaunting distansiya kay Piolo.
Bagama't malaki ang higaan, hindi maiwasan na magdikit ang kanilang mga katawan.
Magkatalikuran sila. Malalim na ang gabi, ngunit kapwa hindi sila makatulog.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #4 - PICOLO aka PIOLO
RomanceLabinlimang taon si Amparo nang maramdaman ang unang pag-ibig at matikman ang unang halik. Si Piolo ang kanyang hinangaan, sinamba at pinangarap na makasama habambuhay. Pero mayaman ang lalaki at ayaw ng matapobreng mama nito sa kanya. At nasaktan a...