Katatapos lang ng konsiyerto ni Piolo at masigabong palakpakan ang maririnig sa bawat panig ng malaking bulwagan ng isang pamosong hotel sa Paris.
Pagkatapos siyang humarap at yumukod sa mga naroon ay dire-diretso na siyang bumaba ng entablado para iwan ang masayang pagtitipon ng mayayamang nilalang sa bansang iyon.
Bago pa man siya tuluyang nakalabas ng bulwagan ay may nahagip ang kanyang mga mata. Para sa kanya, standout sa karamihan ang anyo ng babae. Napaka-stunning nito sa suot na black silk evening dress. Spaghetti-strapped iyon na naghahantad sa malakrema nitong kutis. Ang itim na itim na buhok ng babae ay ipinusod lang at hinayaang nakalugay ang ilang hibla sa magkabilang tainga.
She looks familiar, sa loob-loob ni Piolo. Hindi niya alam ay napatagal na ang pagkakatitig niya sa babae at sa kasama nitong Italyano.
Hindi sinasadyang napatingin sa gawi niya ang babae at nagtama ang kanilang mga mata. He managed to give her a smile, pero hindi iyon ginantihan ng babae.
Nainsulto si Piolo sa iginawing iyon ng babae. Kung hindi siya nagkakamali ay nanood ito sa kanyang konsiyerto at imposibleng hindi siya nakikilala.
Noon lang nangyari na hindi pinansin ng isang babae ang kanyang presensiya. At kung hindi siya nagkakamali, Pilipina ito. Kababayan niya.
Ipinagpaliban ni Piolo ang planong pag-uwi sa tinutuluyang flat. Sa isang mesa sa sulok ng bulwagan ay pumuwesto siya at nagpahatid ng maiinom na alak.
Sa loob ng maraming taon ay nasanay na si Piolo na nag-iisa, malayo sa kanyang pamilya, bihirang makipag-communicate sa dalawang kapatid. Pero nitong mga huling buwan ay dinalaw siya ng matinding pagkasabik na muling makita ang pinanggalingang bayan.
Ah, nagsasawa na ako sa buhay na ang laging kaulayaw ay tiklado ng piano at alak. Nababagot na ako sa papuri at palakpak ng mga tao. I want something new in my life... In-straight niya ang laman ng maliit na baso. Gumuhit sa lalamunan niya ang pait ng alak.
Mula sa kinaroroonan ay bahagya niyang natatanaw ang babae. Patuloy ito sa pakikipagkuwentuhan sa kaharap na lalaki.
Kinawayan ni Piolo ang nakaunipormeng butler. "Do you know her? That woman in black," bulong niya sa butler.
Tumingin ito sa direksiyong tinukoy niya. "Yes, Sir. She's Ampy."
Parang narinig na niya ang pangalang iyon.
"I'm sure she looks familiar to you. She's a Filipina and the goddess of catwalk."
Napatango-tango siya. Sa estadong ginagalawan niya ay hindi lang iisang beses niyang narinig ang pangalang iyon, bagaman hindi pa niya ito nakikita nang personal. Ngayon pa lang.
Now, I know, sa loob-loob ni Piolo. She's an icon when it comes to international modelling.
Wala siyang interes sa panonood ng mga fashion shows. Kaya bale-wala sa kanya kung ang babae man ay katulad din niyang ipinagmamalaki ng bansang Pilipinas dahil sa angking talento at kahusayan. Pero nang gabing iyon ay nagbago ang lahat sa kanya.
Muli siyang humingi ng alak habang walang kaalis-alis ang tingin sa direksiyon ni Ampy. Habang nakatitig sa babae ay tuksong sumagi sa kanya ang alaala ng nakaraan.
Hell! Imposibleng siya. Ipinilig ni Piolo ang kanyang ulo para palisin ang ideyang nais magbangon sa isip.
Oo nga at may resemblance ang babae sa babaeng kilala niya ay imposibleng magkatotoo ang iniisip niya.
Baka may pamilya na siya, may mga anak at kontento na sa buhay sa probinsiyang kinaroroonan niya.
Medyo tipsy na si Piolo nang iwan ang lugar na iyon. Mabilis siyang umuwi sa tinutuluyang flat.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #4 - PICOLO aka PIOLO
RomanceLabinlimang taon si Amparo nang maramdaman ang unang pag-ibig at matikman ang unang halik. Si Piolo ang kanyang hinangaan, sinamba at pinangarap na makasama habambuhay. Pero mayaman ang lalaki at ayaw ng matapobreng mama nito sa kanya. At nasaktan a...