CHAPTER FOUR

9.8K 196 2
                                    


"How long have you known James Burani?" untag ni Piolo na nagpabalik kay Amparo sa kasalukuyang sitwasyon nila ng lalaki.

Pakiramdam niya ay tumagos sa kanyang katawan ang titig nito. "'You know him too?"

Hindi nito pinansin ang tanong niya. "Answer me, Ampy."

Itinaas niya ang mukha at tumayo. Tila naglalakad sa rampa na tinungo niya ang personal ref sa isang sulok. Mula roon ay naglabas siya ng bottled juice.

Walang salita ng pag-aalok at basta na lang niya inilapag sa harapan ni Piolo ang isang botelya. Nakaupo ito sa isang settee at muli siyang bumalik sa puwesto, kaharap nito.

"I think I have the right not to answer your question," sarkastiko niyang sabi.

"Tell me, are you programmed to only have affairs with men who belong to other women?"

Nalilitong natitigan niya si Piolo. "I don't know what you're talking about."

Sandali itong nanahimik, pagkuwa'y marahas na huminga. "James Burani, the man you are currently having an affair with, just happens to be married to someone else."

Nag-init ang mga pisngi ni Amparo. "I don't have an affair with James. He's only a friend. Besides, ano ba'ng pakialam mo?" Halos magliyab ang mga mata niya sa galit. "Wala ka ring ipinag-iba sa mama mo."

Sukat sa sinabi niya ay nagtagis ang mga bagang nito. Naggalawan ang mga muscles nito sa mukha.

For a moment, natakot siya sa nakitang galit sa mga mata ni Piolo. Inayos niya ang sarili at tumayo, pagkuwa'y tinungo ang pinto.

"Lampas ka na sa sampung minuto—"

Hindi siya nakahuma nang sa isang iglap ay nakalapit ito at nagmistulang gutom na leon na pumader sa kanya sa likod ng solidong pinto.

"Ano'ng sinabi mo?"

"Shit! You're hurting me!" daing ni Amparo na halos madurog ang kanyang mga buto sa tindi ng pagkakayakap sa kanya.

At hindi siya nalalayo sa taas ni Piolo, kaya naman samyo ng bawat isa sa kanila ang mainit nilang mga hininga.

"Hindi ako katulad ng mama ko, Amparo," galit nitong sambit. "At kung iniisip mong pakikialam ang ginagawa ko, siguro nga. Ang kaibahan ko kay Mama, nakikialam ako hindi sa ikasasama ng isang tao kundi sa kabutihan nito. Concerned lang ako sa iyo. Sayang ang career mo, ang pangalan mo. Hindi mo na kailangang sumabit pa sa tulad ni Burani para lang magkamal ng maraming pera."

Naningkit ang mga mata ni Amparo. Umakyat na yata ang dugo sa kanyang ulo. "You bastard—" Ngunit hindi na niya nadugtungan ang sinasabi dahil tinakpan na ni Piolo ng mga labi nito ang kanyang bibig.

Sa umpisa'y nanlaban siya, itinikom nang mariin ang mga labi, ngunit nang maramdaman ang mga kamay nito na humahaplos sa kanyang dibdib ay nanghina siya.

Naramdaman niya na lalong lumalalim ang mga halik ni Piolo. Natagpuan niya ang sariling tumutugon, gumaganti sa kaparehong intensidad.

No doubt, he's an excellent kisser now! Hindi tulad noon... At kumirot ang puso niya sa ideyang pumasok sa isip. Hindi na marahil mabilang kung ilang babae na ang napagsanayan nito. At sa estado nito, walang dudang mga babae na ang lumalapit dito para lang handugan ng "pagmamahal".

Alam ni Amparo na nagkaroon ng epekto sa binata ang pagtugon niya sa halik nito. Mabilis itong kumawala at bakas ang pang-uuyam sa anyo.

"No wonder, you are now a good kisser, Ampy. Experience is the best teacher or shall I say: practice makes perfect." Huminga ito nang malalim at bale-walang dumukot sa bulsa ng suot na slacks at naglabas ng panyo para punasan ang mga labing may bakas pa ng lipstick niya.

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #4  - PICOLO aka PIOLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon