Pasado ala-una na ng madaling-araw sa kanyang relo at hindi na hinintay ni Amparo na matapos ang party. Nagpaalam na siya kay Anton. Medyo tipsy na siya dahil sa ilang baso rin ng champagne ang naubos niya.
Isa pa, hindi niya matagalan ang nakikitang paglalambingan nina Piolo at Valerie.
Sa loob ng inokupahang silid ay inayos niya ang nagkalat na gamit.
Bitbit na niya ang case at bag nang marinig ang pagtunog ng doorbell. At nang buksan niya ang pinto, tumambad sa kanya ang pormal na anyo ni Piolo.
Nakatingin ang binata sa kanyang bag. Walang salitang kinuha nito ang mga iyon at tumalikod.
Nabigla siya sa ginawing iyon ni Piolo. "What the hell do you think you're doing?"
"Taking you home," walang anumang sagot nito. "Iyon naman talaga ang balak mo. Uuwi ka na, hindi ba?"
"Kaya kong umuwing mag-isa!" angil niya na napasunod na rin sa binata.
Matalim ang mga matang nilingon siya ni Piolo. Para namang matutunaw ang pakiramdam niya. Namalayan na lang niyang nasa labas na sila, sa malawak na garahe at naroon ang ilang kotse.
Tinungo nito ang asul na BMW at saka inilagay ang mga gamit niya sa backseat.
"Get in," makapangyarihang utos nito, sabay bukas ng pinto sa harap.
"Ayoko!" nakahalukipkip na pagmamatigas ni Amparo.
Ngumisi si Piolo. "Gusto mo pa yatang gamitan kita ng puwersa."
"Subukan mo," banta niya.
At sa panggilalas nga niya, walang salitang binuhat siya ng binata at marahas na ipinasok sa loob ng sasakyan.
"Bastard!"
Parang walang anumang lumigid ito sa kabila at naupo sa driver's seat. Binuhay nito ang makina at nagmaniobra. Ilang sandali pa'y palabas na sila ng villa.
Nagpupuyos naman ang dibdib ni Amparo sa inis. "Ano'ng ibig sabihin nito, Mr. Madrigal? Wala sa kontrata natin ang ganito!"
"Walang masama sa paghahatid ko sa iyo. After all, you're my talent now."
"Ah, ganoon? Gusto kong linawin—"
"Will you just shut up!" ungol nito na saglit na lumingon.
Napatda si Amparo, sandaling nawalan ng sasabihin.
"If you have something to say, not now, Ampy. I'm trying to keep my eyes on the damned road!"
"I don't give a damn! Stop this car!"
"Don't try my temper, Ampy," malamig na ganti nito.
"Are you threatening me?" sabi niya at hindi ipinahalatang apektado.
"For Christ's sake, Amparo, wear your seat belt!" bulyaw ni Piolo nang lumingon muli. His face was dark and determined.
Tumatakbo na sa mahigit isandaan kilometro ang pagmamaneho nito. Nasa madilim na highway na sila.
Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Piolo. Nang mga sandaling iyon, magkahalong thrill and excitement ang namamayani sa kanya.
Don't be an idiot, Ampy. Nangangarap ka ngayon ng isang romantikong gabi dahil kasama mo si Piolo! Besides, wala ka rin namang magagawa. Hawak niya ang sitwasyon. Bakit hindi mo na lang i-enjoy? Nagkaroon ng pagtatalo sa loob ng isip niya.
Namayani ang katahimikan sa pagitan nila.
Nakaramdam si Amparo ng pamimigat ng mga mata, epekto marahil ng nainom niyang champagne. Idagdag pa ang nasasamyo niyang masculine scent ni Piolo.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #4 - PICOLO aka PIOLO
Любовные романыLabinlimang taon si Amparo nang maramdaman ang unang pag-ibig at matikman ang unang halik. Si Piolo ang kanyang hinangaan, sinamba at pinangarap na makasama habambuhay. Pero mayaman ang lalaki at ayaw ng matapobreng mama nito sa kanya. At nasaktan a...