Chapter 2: Mr. Geek = Mr. Nice

247 8 0
                                    

In MATH, a positive integer that has been multiplied or divided by a negative. The result will always be negative.

Hi, I'm Armand Kirby de Leon Mendez. 17 years old. Studying at *tootoot* university and taking up the course, Bachelor of Science in Electronics Engineering. Yep! Tama ang narinig nyo. It's Engineering, medyo mahirap pero kayang kaya naman. Ang daddy at mommy ko, nasa states sila. Sila yung nagmamanage ng company namin dun. Dito, yung kuya ko. Yeah, may kapatid ako. Dalawa lang kami kaya ako bunso.

Brain plus Eyeglass equals GEEK.

Yan ang tingin nila sa'kin. Wala akong magagawa. Di ako makakapag-aral ng maayos kung wala ang eyeglass ko. Usually, I talk less. Kapag kinausap mo ko, dun lang ako magsasalita. Friendly naman ako pero pinipili ko lang ang mga magiging kaibigan ko. Chosey ba ako? Yep. It's a matter of giving your trust to others is not an easy thing. Hindi madali, lalo na sa mga taong naloko na. Hindi pa naman ako naloloko. I better learn from mistakes of others. Saka ayoko ng may naagrabyado. Kaya binibigyan ko ng leksyon ang mga gumagawa ng mali. Pero hindi ko sila kinoconfront. Sabihin na lang nating, I'm your karma. I'll do the credits for them. Katulad na lang nung isang pangyayari sa aming campus...

@campus

Naglakad lakad ako papasok ng aming campus. Wala namang nagbago hanggang sa nakita ko ang pangyayaring ito...

*splash*

binasa ba talaga nila yung babaeng yun?! Napalinga-linga ako sa paligid at wala masyadong tao.

Nagtago ako at pinanuod yung ginawa nila. Baka naman may rason kaya nila ginawa yun pero nakatago sila nang buhusan nila yung babae.

*splash*

grabe. Hindi ko na 'to mapapalampas. Binasa pa ulit nila. Kawawa yung babae.

Pero...

Bakit lumapit sila dun sa babae? at saka binigyan ng...duster? Pinagtripan talaga nila yung babae ah. Walang respesto. Di ako pumapatol sa babae pero this time, that rule will be broken.

*YES!*

tumalikod at natuwa pa sila. Tss. Akala nila walang nakakita?

Sinundan ko sila kung san sila papunta. At ayun! Pumasok sila sa cr kasama nung babaeng pinagtripan nila. Humanda yung tatlo paglabas nila.

Kumuha na 'ko ng isang timba na may lamang tubig. Nagtago ako sa anggulong di nila ako makikita pero siguradong mabubuhusan sila.

After 15mins. Antagal naman nilang lumabas.

May lumabas na sa pinto. Naka-duster? Yung babaeng natapunan! Grr. Humanda talaga yung tatlong yun.

May lumabas na sa pinto. Iba. Hindi sila.

Then a huge wave of people passed by the cr. Just kiddin' Hehe. Siguro mga sampu lang.

Tas may lumabas na ng pinto. Isang babae at sya yung isa sa mga gumawa ng mali dun sa babae! Nasaan na yung mga kasama nya? Sige. Dito ko na lang igaganti yung babaeng naagrabyado.

1-2-3-4--

*splash*

"waaaahh!!"

haha. Gotcha! Buti nga. Nagwawala syang parang bata. And karma's here. Buti nga. :P

binaba ko na yung hawak kong timba at lumabas na sa pinagtataguan ko. Naglalakad lang ako na kunwari napadaan lang ako, na kunwari di ko sya nakita.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Tas tumingin ulit ako sa cr. Nakayuko at nakaluhod na sya this time. No reactions. Nakatulala.

Nakakakonsensya naman. Wala akong paki kung hindi lang 'to babae eh. Kaso babae.

Lalapit na ba 'ko? Lalapit ba 'ko? Mag-sosorry ba 'ko?

Naglalakad na 'ko papalapit sa kanya. Napapaisip pa din ako kung mag-sosorry ba 'ko. Ano ba? Mag-sosorry ba 'ko?

Bahala na!!

A few steps more.

Four Letters Between IUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon