Simula

1.4K 57 17
                                    

Makulimlim ang langit ngunit ramdam mo pa rin ang init ng panahon. Natapos ang klase at paalis na ako ng silid-aralan nang madaanan ko si Andrei, isa sa aking mga estudyante.

"Andrei, wala pa ba 'yong sundo mo? Anong oras na, o," tanong ko sabay upo sa tabi niya.

"Wala pa po, teacher," sabi niya at parang paiyak na.

"May number ka ba ni Papa o Mama mo? Para matawagan na'tin sila."

"Memorize ko po number ni Papa, Teacher," sagot niya. Tumango ako at d-in-ial ang numerong sinabi niya.

Cannot be reached.

Tatlong beses akong tumawag bago may sumagot.

"Tangina naman. Sino ba 'to?" inis na saad ng nasa kabilang linya. Bagong gising yata?

"Hello po, Sir. Kayo po ba ang Papa ni Andrei?" tanong ko.

"Ano ngayon?" Napakagat labi ako. Medyo mainit din ang ulo ko ngayon dahil sa dami ng trabaho, huwag naman sana siyang sumabay pa.

"Uh, ipapaalala ko lang po. Mag iisang oras na pong naghihintay 'yong anak niyo rito. Baka lang naman po gusto niyo siyang sunduin?" malumanay pero sarkastikong sabi ko.

"Alam ko, hindi mo na kailangang sabihin sa 'kin," saad niya bago pinutol ang linya. Halos mapiga ko na 'yong cell phone ko sa sobrang gigil.

Kung hindi lang siya ama ng estudyante ko, at kung hindi lang ako teacher, baka namura ko na siya.

"Hintayin lang natin si Papa mo. Papunta na siguro siya ngayon," sabi ko kay Andrei.

Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating ang isang lumang motorsiklo. Lulan noon ay isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid-20s na. Naka t-shirt na puti, kupas na pantalon at tsinelas. Mayroon siyang malaking dragon na tato sa kanang braso at iilang maliliit na hikaw sa kaliwang tainga.

"Tay!" sigaw ni Andrei at nagmamadaling tumakbo papunta sa kaniya. Binuhat naman siya ng lalaki, na halata namang tatay ni Andrei.

Lumapit ako sa kanila.

"Good afternoon po. Ako po 'yong teacher ni Andrei," pagpapakilala ko sa sarili ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ano ngayon?" Ngumiti ako sa kaniya kahit gigil na gigil na talaga ako.

"Gusto ko lang pong sabihin na sana huwag nang maulit ito. Ama ka niya, responsibilidad mong sunduin siya sa tamang oras," sabi ko. Binaba niya si Andrei at bahagyang lumapit sa 'kin.

"Wala kang karapatang pag sabihan ako kung papaano ko dapat palakihin ang anak ko. Masyado kang maraming sinasabi," inis niyang sabi habang nakakunot ang noo.

Wow! Siya pa ang may lakas ng loob mainis, ha?

"Sir, ang sinasabi ko lang po-"

Naputol ang sasabihin ko nang isakay niya si Andrei sa harap ng motorsiklo at mabilis na pinaharurot ito.

Napanganga nalang ako habang pinagmamasdan silang umalis.

Wow! Edi wow!

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon