Kabanata 2

737 41 9
                                    

Danielle

Sa wakas, sabado na. Araw sana ng pahinga ko pero ito, tambak ng gawain-bahay. Nangungupahan lang ako mag-isa. Malayo-layo kasi ang bahay namin sa eskwelahan kung saan ako nagtuturo.

Nakatigtig ako sa ga-bundok kong labahan at sa makalat kong sala.

Hindi ko alam pero hindi talaga ako 'yong klase ng tao na maayos sa bahay. In short, burara.

Okay! Magluluto muna ako ng almusal.

Pumasok ako sa kusina para mag luto ng almusal.

"Ano kayang puwedeng lutuin?" sabi ko sa sarili ko bago buksan ang ref.

Ayos, walang laman. Siguro, simulan ko muna sa pag go-grocery.

Naligo ako saglit bago kinuha ang wallet ko at lumabas na ng bahay. Pinatong ko muna saglit sa may bintana 'yong wallet ko para i-lock 'yong pinto bago umalis. Isang sakay lang ng jeep ay nasa palengke na 'ko. Pumasok ako sa isang grocery store, kumuha ng cart at nagsimula nang mamili.

Dairy products, canned goods, processed meats, junk foods, soda, chocolates-- damn, puro unhealthy foods 'tong pinapamili ko. Hayaan mo na, pantanggal stress lang.

Nang matapos na akong mamili ay pumunta na ako sa cashier para magbayad nang marinig ko ang pag-uusap ng costumer sa harap ko at ng cashier.

"Miss, puwede bang i-cancel mo nalang 'tong mga 'to? Naiwan ko kasi 'yong pitaka ko," malumanay na sabi ng lalaki.

"Hala, sir. Hindi po puwede, naka-punch na po kasi," sagot naman ng cashier.

"E, papaano 'yan? Wala talaga akong pera rito!"

"Sir, kailangan niyo pong bayaran 'yan."

Bahagya kong nalingunan ang mukha ng lalaki. Tatay ni Andrei 'to, ha.

"Sir, mag bayad na po kayo. Nakakahiya naman po sa mga costumer na nakapila," giit pa rin ng cashier.

"E, wala nga kasi akong dalang pera! Tangina naman!"

"Sir, kailangan niyo pong magbayad-"

"Ako na. Isali mo nalang 'yong pinamili ko sa pinamili niya," sabi ko.

Tumango lang 'yong cashier at nagsimula nang i-punch ang mga pinamili ko. Nilingon ako ng tatay ni Andrei.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo."

Wow, ha. Siya pa 'tong choosy ngayon? Hindi ko nalang siya pinansin.

"1,285 po lahat, Ma'am."
Tumango ako at kinuha ang wallet-- nasaan 'yong wallet ko? Kinapa ko 'yong bulsa ko. Shit, 'yong wallet ko? Alam ko dala ko 'yon kasi nga sumakay pa ako ng jeep-- foc hindi ako nakapag bayad sa jeep.

"Uh, naiwan ko 'yong wallet ko," nakangiwi kong sabi.

"E, tangina pala. Ang lakas ng loob mong mag presinta, wala ka rin palang pera."

"Um, Ma'am. Paano po 'tong pinamili niyo?"

What a nice way to start my day.

Sa huli, parehas kaming pinalabas ng grocery store nang walang dalang kahit ano. Puwede naman kasing ipa-cancel kahit naka-punch na, hindi lang alam n'ong cashier dahil bago palang siya. 'Yon nga lang, itong tatay ni Andrei mukhang gusto pa ng away, pinalabas tuloy kami.

"Tangina naman kasi, e. Masiyado kang pake-alamera," inis niyang sabi sabay hilot sa sintido niya.

"Wow, ha. Gusto ko lang namang makatulong," sagot ko.

"Nakatulong ka ba?" sabi niya at nagsimula nang maglakad.

Hindi ko naman kasi inaasahang ganito 'yong mangyaayari, e.

"Sorry na," sabi ko at sumunod sa kaniya. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Maya-maya pa ay bigla siyang huminto. At dahil wala ako sa sarili ko, nabunggo ko ang likod niya.

"Ano ba? Huwag mo nga kong sundan!" bulyaw niya pagka-harap sa 'kin.

Napahawak ako sa noo ko. Aray naman.

"Ano kasi..."

"Pucha naman, ano pa bang kailangan mo?" inis niyang tanong.

"Ang sungit mo naman," nag-aalangan kong sabi.

"Ano ba kasi 'yon?! Pabebe pa, e!" Halos magsalubong na ang kilay niya sa inis.

"E kasi, puwede bang makahiram ng pera? Naiwan ko nga kasi 'yong wallet ko," nakangiwi kong sabi. Tinignan niya ako nang masama.

"Ang kulit mo rin, 'no? E naiwan ko nga rin 'yong pitaka ko 'di ba?"
Kulang nalang ay irapan niya 'ko. Napabuntong-hininga ako.

"Sige, salamat nalang," bagsak-balikat kong sabi at sinimulan nang maglakad. Hindi pa ako nakakalayo nang paswitan ako ng tatay ni Andrei.

"Uh, may dala akong motor," sabi niya sabay iwas ng tingin. Agad naman akong lumapit sa kaniya.

"Talaga? Papasakayin mo 'ko?!"
Sa tingin ko ay nag niningning na ang mga mata ko ngayon.

"Kung ayaw mo, edi huwag! Hindi naman kita pinipilit, e," pasigaw niyang sabi at nagsimula nang maglakad.

"Hala, ano ka ba! Gusto ko, 'no."
sabi ko at sumunod na sa kaniya.

Huminto kami sa nakaparadang motor. Ito rin 'yong motor na dala niya noong sinundo niya si Andrei.

"Sakay na!" Napakislot ako sa sigaw niya at agad sumakay sa likod niya. Napakapit ako sa damit niya nang bigla niya pina-harurot ang motor.

"Dahan-dahan naman! Gusto ko pang makauwi nang buhay!" sigaw ko sa kaniya.

Nang aasar yata siya dahil mas lalo niyang binilisan ang pagmamaneho kung kaya't napadikit ako sa kaniya.

Infairness, ha. Kahit mukha siyang adik, mabango. May proper hygiene.

Tinuro ko sa kaniya 'yong daan papunta sa apartment ko. Ilang saglit lang ay nakarating din kami. Paano ba naman, napakabilis niyang magmaneho. Mahilo-hilo pa ako habang pababa sa motor niya.

"S-sige, dito nalang ako, Sir," sabi ko bago humarap sa kaniya.

"Salamat sa paghatid, Sir," inirapan niya ako.

"Leo nalang," sabi niya at ini-start ang motor niya.

"Salamat, Leo. Ako nga pala si Danielle," sabi ko at naglahad ng kamay. Tinignan niya lang ang kamay ko at umalis na.

Tignan mo 'to, ang bastos!

Pero bago pa ako tumalikod ay nakita kong kinaway niya ang kamay niya. Napangiti ako.

May tinatago rin naman pala siyang kabaitan. Mabango pa.

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon