Kabanata 9

456 31 9
                                    

Danielle

"Ano ba kasing pumasok diyan sa kokote mo at pumunta ka pa rito?" inis na sabi ni Leo. Naka-jacket siya, pajama, medyas, at naka-face mask. Balot na balot, ah.

Nandito kami ngayon sa sala nila. May nakapatong na tuwalya sa balikat ko habang sine-sermonan niya ako.

"Tignan mo nga iyang sarili mo! Basang-basa ka. Butas ba iyang payong mo at nakalusot pa rin ang ulan?" inis niyang sabi. Napa-irap naman ako.

"E, nako-konsensiya lang naman ako kasi nagkasakit ka dahil sa 'k-"

"Sa tingin mo hindi ako makokonsensiya kapag nagkasakit ka dahil lang sa pagbisita mo rito? Anak ng tokwa, mag-isip ka nga minsan!"

Hala, bakit ba galit na galit siya?

"Sorry na nga, e. Uuwi na rin naman ako," sabi ko at tumayo.

"Sa tingin mo, makakauwi ka pa niyan?" inis niyang sabi sabay tingin sa labas ng bintana. Masiyadong malakas ang ulan.

Napabuntong-hininga ako at muling umupo.

"Huhupa naman siguro 'yang ulan bago mag gabi, ano?" tanong ko. Kinunutan niya lang ako ng noo bago siya pumasok sa kuwarto nila.

Napasandal naman ako at mas hinigpitan ang pag yakap sa tuwalya. Maya-maya pa ay lumabas siyang muli.

"Maligo ka muna. Oh," sabi niya at may hinagis na t-shirt at boxer.

"Malinis iyan. Pag tiyagaan mo na, kaysa naman magkasakit ka," dagdag niya pa bago pumasok muli sa kuwarto.

Tinuro naman sa 'kin ni Andrei kung nasaan ang banyo nila. Pumasok ako sa loob. Simentado rin naman ang banyo nila, naka-tiles pa nga ang sahig, e. Iyon nga lang, walang pintura. Pero maayos naman ang banyo nila kaya komportable naman. Atsaka, may safeguard at isang sachet ng palmolive roon kaya maayos naman akong nakaligo.

Nakasampay sa banyo nila iyong uniporme ko at iyong bra ko. Nabasa kasi. Mabuti nalang at hindi nabasa itong panty ko.

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Masiyadong malaki itong t-shirt niya. Hanggang siko ko ang manggas, at natatakpan na rin ng t-shirt itong boxers niya. Mabuti nalang colored at makapal 'yong t-shirt niya kung hindi, babakat talaga itong dibdib ko.

Hindi kasi ako katangkaran. 5 flat ang height ko, tapos si Leo, 6 footer yata kaya naman halata talaga ang pagiging maliit ko kapag magkatabi kami. Sakto lang din ang katawan ko. Hindi payat, hindi rin mataba. Ewan ko ba kay Leo kung bakit lagi akong sinasabihang payatot. Hanggang balikat ang itim at tuwid na buhok. Katamtaman ang kulay ng balat, hindi morena, hindi rin gan'on kaputi.

Pero infairness, mabango itong t-shirt niya, ha.

Lumabas ako ng banyo at bumalik sa sala. Kasabay ng pag-upo ko sa sala ay ang paglabas ni Leo sa kusina. Pinatong niya sa lamesa ang dala niyang tasa na may lamang kape.

"3-in-1 lang iyan, kung maarte ka at hindi ka umiinom ng ganiyan, sabihin mo sa 'kin. Ako na ang iinom, sayang naman," inis niyang sabi sabay upo sa sofa na nasa harapan ko.

"3-in-1 lang din naman ang kape ko sa bahay, 'no," sabi ko at kinuha ang tasa.

"Edi wow," sabi niya lang at humiga sa sofa tsaka pumikit.

"Uy, huwag ka diyan matulog. Baka mas lalong lumala iyang sakit mo. Doon ka na sa kuwarto mo," sabi ko sabay higop sa kape.

Dumilat siya at tinignan ako ng masama. Magsasalita pa sana siya ngunit bigla siyang napatigil. Napansin kong napatingin siya sa damit niya na suot-suot ko.

"Huwag kang mag-alala, wala akong putok. Tsaka, lalabhan ko naman 'to bago ko isauli sa 'yo," sabi ko sabay irap.

Porque ba mabango siya, iisipin niya nang may putok ako? Hmp.

"Tss. S-siguraduhin mo lang," sabi niya sabay iwas ng tingin. Pansin ko rin ang pamumula ng mukha niya.

"Uy, namumula ka. Balik ka na kaya sa kuwarto mo? Baka lalong lumala iyan-"

"Hindi ako namumula!" Napakislot naman ako sa bigla niyang pag-sigaw.

"O-okay," sabi ko nalang at tuluyang inubos ang kape.

"Lagay ko lang 'tong tasa sa lababo," paalam ko at tumayo na. Saglit niya akong sinulyapan ngunit agad din siyang nag iwas ng tingin. Napansin ko rin na mas lalong mamula ang pisngi niya.

"Uy, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko. Baka mamaya bigla nalang 'tong mag collapse rito.

"A-ano ba?! Akala ko ba pupunta kang kusina?!" inis niyang sabi. Nagkibit balikat nalang ako at pumunta sa kusina.

Anong problema n'on?

Pagbalik ko sa sala ay agad siyang tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ko. Inis niya 'kong nilingon.

"Magja-jakol, kingina!" sigaw niya bago tuluyang umalis. Naramdaman kong nag-iinit ang pisngi ko.

Napaka straight forward niya, nakakainis. Hindi niya ba kayang i-filter iyong bibig niya?

Nagising ako nang may tumapik sa 'kin. Si Andrei.

Umupo ako nang maayos bago nagkusot ng mata. Nakatulog pala ako.

"Teacher, dito po ba kayo matutulog?" tanong niya. Napakunot ang noo ko.

"Ha? Hindi, uuwi ako," sagot ko. Tumuro siya sa labas.

"E, gabi na po, Teacher," sabi niya pa. Sinulyapan ko ang labas ng bintana, madilim na nga at malakas pa rin ang ulan. Luminga-linga ako para maghanap ng orasan at nakita kong ala-siete y media na.

"Hala, paano ako makakauwi nito?" sabi ko sa sarili ko.

"Gusto niyo po sabihin ko kay tatay na ihatid kayo?" tanong niya pa. Umiling ako sa kaniya.

"Naku, hindi puwede, Andrei. May sakit kasi si papa mo," sagot ko. Tumango lang siya.

"Saan ba ang kuwarto ni papa mo? Puwede mo ba akong samahan?" Tumango ulit siya at hinila ako papunta sa second floor. Huminto kami sa harap ng isang lumang pinto. Kumatok si Andrei at ilang saglit lang ay binuksan ito ni Leo.

Gulat siyang napatingin sa 'kin.

"Nandito ka pa pala?" Alangin akong ngumiti.

"Nakatulog kasi ako. Tapos pag gising ko, madilim na sa labas. Pero, aalis na rin naman ako. Magpapaalam lang ako sa 'yo," sabi ko na ikina-kunot ng noo niya.

"Sige nga, sabihin mo. Sa paanong paraan ka makakauwi?" inis niyang sabi.

"Uh, mag-abang ng taxi?" sabi ko nalang. Napailing siya.

"Minsan talaga hindi ka nag-iisip, ano? Nakikita mo iyang ulan? Sa tingin mo may masasakyan ka pa sa labas?" inis niya pa ring sabi. Napabuntong hininga ako.

"E, anong gagawin ko?" tanong ko nalang. Nakaka-frustrate naman 'to.

"A-ayos lang naman kung dito ka matutulog," mahina niyang sabi. Napatingin ako sa kaniya.

"Dito?" tanong ko. Tinignan niya ako habang nakakunot ang noo.

"Kung ayaw mo, edi huwag. Kasalanan mo naman iyan kung bakit nagkakanda leche-leche ka. Bahala ka na-"

"Sige na, dito muna ako. Pero kapag humupa ang ulan ngayon gabi, uuwi na rin ako. Para hindi na rin ako maka-istorbo sa inyo," sabi ko nalang. Tumikhim siya bago nag salita.

"Doon ka nalang sa kuwarto ni Andrei matulog kung sakali. Malaki-laki naman ang papag niya, kasya kayo roon. Andrei, asikasuhin mo si teacher mo, ha?" Tumango naman si Andrei at hinila na ako papunta sa kuwarto niya.

Wow, ha. Para lang akong teen ager na nakikipag-overnight sa bahay ng tropa niya.

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon