Kabanata 1

939 51 11
                                    

Danielle

Nasa kalagitnaan ako ng pagtuturo nang tumunog ang bell, hudyat na recess na.

"Sige, mga bata. Puwede na kayong kumain." Pagkasabi ko noon ay nag kaniya-kaniya na ang mga bata sa pagpunta sa mga kaibigan nila para kumain. Kakain na rin sana ako nang makita ko si Andrei, naka-upo lang siya at nakatingin sa mga kaklase niya. Nilapitan ko siya.

"Andrei, hindi ka ba kakain?" tanong ko at umupo sa harap niya.

"Hindi po kasi ako nabigyan ni Tatay ng baon," malungkot niyang sabi.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Naubos daw po kasi ni Tatay 'yong sahod niya sa Red Horse. Pero, wala naman po akong nakitang pulang kabayo sa bakuran namin," sabi niya at nangalumbaba.

Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako, e. Sabagay, sa paraan palang ng pakikipag-usap ng tatay ni Andrei, halata mo nang pabaya.

"Sige, ganito nalang. May tinapay at zesto ako sa bag ko, ibibigay ko nalang sa 'yo. Pero sabihin mo kay Papa mo na dapat bukas may baon ka na." Ngumiti si Andrei sa akin at nagpasalamat.

Nang matapos na ang recess ay nagsimula na ulit ako sa pagtuturo hangga't sa matapos ang klase.

Nanatili pa ako sa silid-aralan hangga't sa wala ng estudyanteng natitira. Mabuti naman at sinundo na si Andrei sa tamang oras. Kawawa rin kasi 'yong mga bata kapag matagal silang naghihintay rito.

Nag-aabang ako ng jeep nang mapansin ko si Andrei sa harap ng isang convenient store.

Hindi pa siya nakaka-uwi? Hindi naman puwedeng wala siyang sundo dahil hindi naman pinapalabas ng guard 'yong mga walang kasamang guardian.

"Oh, Andrei. Bakit nandito ka pa?" tanong ko pag lapit ko sa kaniya.

"Nasa loob po 'yong sundo ko. Hintay lang daw po ako rito, may bibilhin lang daw po siya," sabi niya at tinuro ang loob ng convenient store.

"Sino bang sumundo sa'yo?" tanong ko ulit.

"Hindi ko po kilala, teacher, e. Sabi niya po, pinapasundo raw ako ni Papa sa kaniya." Napakunot-noo ako sa sagot niya.

Itatanong ko sana sa kaniya kung bakit siya sumama nang lumabas ang isang lalaki mula sa convenient store. Naka-cap, t-shirt, lumang shorts at tsinelas. Marami rin siyang tato. Hindi naman sa panghuhusga, pero mukhang wala siyang gagawing maganda.

"Halika na, boi," sabi niya kay Andrei.

"Ba-bye po." Akmang lalapit si Andrei sa mama nang hawakan ko ang kamay niya.

"Ako na ang maghahatid sa kaniya," sabi ko sa lalaki. Mahirap na, baka kidnapper pala 'tong mama na 'to.

"Miss, sino ka ba? Binilin siya sa 'kin ng tatay niya. Huwag ka nang maki-alam," sabi niya pa at akmang kukuhanin si Andrei.

"Teacher niya ako, ako na ang maghahatid," sabi ko habang nakataas ang kilay.

"E binilin nga siya sa 'kin ng tatay niya. Ang kulit naman," inis niyang sabi habang napapakamot sa ulo niya.

"Ni hindi ka nga kilala ng bata, e. Huwag mong asahang maniniwala ako sa 'yo. Ako na ang maghahatid," may pinalidad kong sabi.

Napabuntong hininga nalang siya.

"Putangina, bahala ka nga. Bad trip naman," inis niyang sabi at umalis na lulan ang isang pamilyar na motorsiklo.

Saan ko nga ba nakita 'yon? Ah, ewan.

"Kayo na pong maghahatid sa 'kin, teacher?" tanong ni Andrei. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

Tinanong ko siya kung saan ang bahay nila. Medyo malapit lang pala. Isang sakay lang ng jeep.

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon