Kabanata 10

454 34 2
                                    

Danielle

Nasa kuwarto na ako ni Andrei ngayon. Ako lang ang naririto dahil bumaba siya kani-kanina lang. Nilibot ko ang paningin ko.

Hindi kalakihan itong kuwarto niya. Sa bagay, siya lang naman ang natutulog dito. May papag din siya na sa tingin ko ay maikukumpara mo na sa queen-size bed. Mayroon siyang maliit na dura-box, at mga laruan na nakakalat sa sahig. Medyo dry ang kuwarto niya kumpara sa tipikal na children's room.

Napabuntong hininga ako at humiga sa kama niya. Kinuha ko ang cell phone ko sa bag.

May text doon ang NDRRMC at sinasabing mayroong signal #3 na ulan dito sa Pampanga. Mayroon ding galing kay Ma'am Chi, co-teacher ko. Cancelled daw ang klase bukas.

Aabutan nalang ng bagyo, sa ibang bahay pa.

Maya-maya pa ay biglang may kumatok sa pinto. Bumangon ako para buksan ang pinto at nakitang naroroon si Leo.

"Oh," sabi niya sabay hagis ng pajama sa 'kin.

"Anong gagawin ko rito?" nagtatakang tanong ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Kainin mo," sarkastikong sabi niya. Sinamaan ko rin siya ng tingin.

"Malamang isuot mo. Nakaka-bobo naman iyang tanong mo," inis niyang sabi. Nagtataka ko siyang tinignan.

"Isuot mo nalang, pusang ina naman, o! H-hindi mo bagay iyang b-boxer ko," inis niyang sabi.

"Tsaka, bumaba ka na pagkatapos mo. Kakain na," dagdag niya sabay alis.

Nagkibit balikat nalang ako at sinara ang pinto tsaka ko ipinatong 'yong pajama na binigay niya. Agad na rin akong bumaba at dumeretso sa kusina.

Mayroon kahoy na lames sa gitna na napapalibutan ng apat na monoblocks. Magkatabi sina Andrei at Leo kung kaya't naupo nalang ako sa harapan nila.

Nasa hapag ang isang maliit na kaldero, tatlong piniritong itlog, at sardinas.

"K-kung ayaw mo ng ulam, huwag kang kumain," iritang sabi ni Leo. Tinignan ko siya.

"Bakit ba lagi kang pagalit mag salita? Hindi naman kita inaano," sabi ko at sumandok ng kanin.

"Tsaka, laki rin ako sa hirap, Leo. Hanggang ngayon naman. Kaya huwag mo kong ituring na parang matapobreng mayaman," sabi ko pa.

Nakatingin lang si Leo sa 'kin. At nang matauhan siya ay nag iwas siya ng tingin.

"A-ang dami mong sinasabi," bulong niya at sumandok na rin ng kanin.

"Teacher, kain po kayo nang marami, ha?" nakangiting sabi ni Andrei. Nginitian ko rin siya. Magaan talaga ang loob ko sa kaniya. Siguro, dahil na rin-

"Oh, ito ulam," mahinang sabi ni Leo sabay lagay ng itlog sa plato ko. Ngumiti lang ako. Tahimik kaming kumakain nang biglang masamid si Andrei. Agad naman siyang pinainom ng tubig ni Leo habang hinahagod ang likod niya.

"Dahan-dahan lang kasi, Andrei. Hindi ka naman namin uubusan," malumanay niyang sermon.

Ang sarap nilang tignan.

Napalingon si Leo sa gawi ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ano?!" inis niyang sabi.

Umiling lang ako at kumain muli. Bakit ba ang sungit niya pag dating sa'kin?

Maya-maya pa ay natapos na kaming kumain. Agad namang lumabas si Andrei, manonood daw ng cartoons sa sala.

"Ako nang maghuhugas ng mga plato," sabi ko at niligpit ang mga kinainan namin.

Tumango lang si Leo at sumunod kay Andrei.

"Andrei, mag toothbrush ka muna bago ka matulog!" sigaw ni Leo.

Napangiti nalang ako at nagsimula nang hugasan ang mga plato. Pagkatapos ko ay nagtungo rin ako sa sala. Mag isang naka-upo si Leo roon. Lumapit ako at umupo rin.

"Nasaan si Andrei?" tanong ko.

"Sa kuwarto niya," sabi niya lang habang nakatutok pa rin sa panonood ng action movie. Sinulyapan ko ang labas ng bintana.

Hindi pa rin ba huhupa ang ulan? Alas-nuebe na, o.

Napabuntong hininga ako bago sumandal.

"Kung gusto mo nang umuwi, umuwi ka. Hindi kita pinipilit na matulog dito," bigla niyang sabi. Napatingin ako sa kaniya.

"Bakit ba ang sungit-sungit mo sa 'kin? Wala naman akong ginagawang masama," sabi ko.

Saglit niya akong tinignan bago muling tinuon ang atensiyon sa panonood.

"Ganito lang talaga ako," sabi niya. Napabuntong hininga ako at piniling huwag nang makipag talo.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" nagaalalang tanong ko. Nagkibit balikat siya.

"Ayos na," sagot niya. Aakyat na sana ako nang may maalala ako.

"Nag text pala sa 'kin si Ma'am Chi, suspended daw ang klase bukas," sabi ko sabay ayos ng upo.

"Alam ko. Nag text din siya sa 'kin," sabi niya lang.

Oo nga pala, wala pa kaming number ng isa't isa. Not that it matters nor necessary, ewan.

Tuluyan na akong tumayo at nagpaalam sa kaniya na matutulog na. Mukhang hindi na titigil 'tong ulan, e. Pag dating ko sa kuwarto ni Andrei ay nakita ko siyang naka upo sa sahig. May mga libro na nakakalat sa harapan niya.

"Anong ginagawa mo, Andrei?" tanong ko pagka lapit ko sa kaniya. Saglit niya 'kong tinignan bago binalik ang atensiyon sa mga libro.

"Nag aaral po ako, teacher. Mababa po kasi iyong mga grades ko n'ong nag test kami," seryoso niyang sabi.

Naramdaman kong kumirot ang dibdib ko. Iniisip ko palang na wala siyang ina na gagabay sa kaniya, nakakalungkot na. Oo, nandiyan naman si Leo. Pero iba pa rin kasi kapag may nanay.

"Saan ka ba nahihirapan? Tuturuan kita," sabi ko sa kaniya.

Nginitian niya ako at tinuro kung ano ang mga hindi niya maintindihan.

Hindi mahirap turuan si Andrei. Madali siyang maka pick up. Iyon nga lang, medyo hirap siyang magbasa, pero marunong naman siya kahit papaano.

Maya-maya pa ay sinabi niyang inaantok na siya kung kaya't napag desisyonan naming matulog na. Nang nakahiga na kami sa kama ay hindi pa ako natulog agad.

"Teacher, gising pa po kayo?" narinig kong tanong ni Andrei.

"Hmm?"

"Teacher, may mama po ba kayo?" tanong niya. Tinanguan ko siya.

"Ano pong pakiramdam ng may nanay?" Bahagyang kumirot ang puso ko sa tanong niya.

"Masaya, Andrei. Pero nandiyan naman si tatay Leo mo, 'di ba?" sabi ko nalang para pagaanin ang loob niya.

"Hindi ko po kasi alam ang pakiramdam ng may nanay. Sabi po kasi ni tatay, namatay na si mama n'ong ipanganak ako," sabi niya.

"Teacher, puwede ko po ba kayong yakapin?" tanong niya. Hindi na ako sumagot at niyakap nalang siya.

It feel so good.

Maya-maya pa ay ramdam kong nakatulog na siya. Hindi rin nagtagal nang dalawin ako ng antok at tuluyan na ring nakatulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. May liwanag na sa labas at hindi na rin umuulan. Nilingunan ko ang cellphone ko, 5 am na pala.

Dahan-dahan akong bumangon para hindi magising si Andrei. Nag tungo ako sa banyo para maligo na. Maaga nalang akong gagayak para makauwi na rin ako.

Sinarado ko ang pinto ng cr. Buti nalang at tuyo na 'yong mga damit ko kahapon.

Nagsimula na akong maligo nang biglang bumukas ang pinto. Napalingon ako habang nanlalaki ang mga mata at nakita kong naroroon si Leo, gulat na nakatingin sa 'kin. Napaupo ako at hindi ko na alam kung papaano ko tatakpan ang katawan ko. Mukhang natauhan naman siya at agad lumabas sabay sara ng pinto.

"M-matuto ka ngang mag lock ng pinto!" dinig kong sigaw niya kasabay ng mga yabag papalayo.

Shit.

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon