Kabanata 12

459 35 0
                                    

Danielle

"Siete! Dahan-dahan naman!" reklamo ni Leo habang dinadampian ko ng bulak na may betadine ang mga sugat niya.

"Arte mo naman! Ang lakas ng loob mong makipag away tapos betadine lang, takot ka," sagot ko at pinag patuloy ang pag gamot sa mga sugat niya.

"Sino bang nagpa-kidnap, ha?" sakastikong tanong niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Nandito kami sa sala ng apartment ko. Nakabalot siya ng tuwalya habang ginagamot ko. Ako naman ay nakapag bihis na.

"Bilisan mo para makauwi na ako," inip niyang sabi.

Hindi ko na siya pinansin at pinag patuloy ang ginagawa ko.

Matapos kong lagyan ng band-aid ang sugat niya ay napatigil ako. Napansin kong ilang pulgada lang ang agwat ng mukha namin. Napatitig ako sa mga mata niya at naramdaman kong palapit siya nang palapit sakin. Tuluyan akong napapikit nang bigla siyang bumahing. Napaatras ako at pinunasan ang mukha ko.

"Leo!" inis kong sigaw. Napakamot lang siya sa batok niya at tumayo na.

"A-aalis na nga 'ko," sabi niya at tumalikod na.

"Teka, iyong t-shirt mo!" sabi ko. D-in-ryer ko naman na iyon kaya tuyo na.

"S-sayo na, bahala ka," sabi nya lang at tuluyan nang lumabas ng pinto.

Napasandal ako sa sofa. Napatampal ako sa noo ko nang mapagtanto ko kung ano ang muntik nang mangyari.

Mag hahalikan ba kami?

Kinabukasan ay para akong lantang-gulay. Masakit ang ulo ko pati na rin ang puso ko. Wala akong ganang pumasok kung kaya't humilata lang ako sa kama buong maghapon.

Nasa kasarapan ako ng tulog ko nang may kumatok sa pinto. Hindi ko ito pinansin dahil mabigat talaga ang pakiramdam ko. Ayaw kong tumayo.

Maya-maya pa ay kumatok itong muli, mas malakas at tila balak sirain ang pintuan ko.

Inis akong bumangon ngunit muli akong napaupo nang magdilim ang paningin ko. Hinintay kong magbalik sa normal ang paningin ko bago tuluyang tumayo para buksan ang pinto.

Bahagya akong napakislot nang bumungad sa 'kin si Leo. Kinunutan ko siya ng noo.

"A-anong kailangan mo?" tanong ko.

"Hindi ako nandito para bisitahin ka, okay? Pinapatanong lang kasi ni Ma'am Grace kung bakit hindi ka raw pumasok," sagot niya sabay iwas ng tingin.

Hindi ko nga pala sila na-text. Napahilot ako sa sintido ko nang kumirot ito.

"Ah, medyo masama kasi ang pakiramdam ko," sagot ko. Mataman niya akong tinignan.

"Ayos ka lang ba?" mahinang tanong niya. Napa-irap tuloy ako.

"Masama nga ang pakiramdam ko, diba?" sarkastikong sabi ko dahilan para magsalubong ang kilay niya.

"S-sorry, tuloy ka muna," sabi ko sa kaniya.

Magsasalita pa sana siya nang umikot ang paningin ko at muntik nang masubsob kung hindi niya lang nahawakan ang braso ko.

"S-sorry," sabi kong muli.

Napailing siya at inalalayan ako papasok sa loob. Nang maka upo ako ay sinalat niya ang noo ko.

"May lagnat ka, hindi mo ba alam?" inis niyang tanong. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Nahawa yata ako sa 'yo n'ong um-aching ka, e," inis kong sabi. Sinamaan niya ako ng tingin.

"E, kung hindi mo ba naman ako muntik halik-" napatigil siya at umiwas ng tingin.

Naalala ko na naman tuloy iyong nangyari kahapon.

"Ah, diyan ka lang," sabi niya at dumeretso sa kusina.

Hindi ko na siya pinansin at humiga nalang sa sofa. Itutuloy ko nalang ang naudlot kong tulog.

Naalimpungatan ako nang may dumamping malamig na bagay sa noo ko. Pag dilat ko ay nakita ko si Leo, naka upo sa tabi ko. Inabutan niya ako ng panyo.

"Oh, punasa mo iyang sarili mo para bumaba ang lagnat mo," sabi niya. Inirapan ko lang siya at tinalikuran.

Gusto kong matulog, bahala siya.

Kinuha niya ang kamay ko at pilit pinahawak ang basang bimpo.

"Ano ba?! Ang kulit mo! Para rin naman sa iyo 'to," inis niyang sabi. Nilaglag ko lang sa sahig iyong bimpo at pumikit ulit.

Bakit ba kasi pinag buksan ko pa siya ng pinto, e?

"Anak ng tokwa naman, o," narinig kong sabi niya bago niya kinuha ang kamay ko at naramdaman ang paghagod ng basang bimpo. Napalingon ako sa kaniya.

"Umayos ka nga ng higa," inis niyang sabi. Sinunod ko naman siya.

"H-hindi ko 'to ginagawa kasi gusto ko, ha? Ayoko lang bagabagin ng konsensiya ko kapag may nangyaring-"  Hindi ko nalang siya pinansin at pumikit nang muli.

Nagising ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa 'kin. Dumilat ako at nakita si Leo.

"Ano na naman?" inis kong tanong.

Bakit ba hindi niya nalang ako pabayaang matulog?

"Kumain ka," inis niyang sabi sabay turo sa maliit na lamesa.

Lumingon ako rito at nakita ang isang mangkok ng instant noodles. Kumulo bigla ang sikmura ko.

Hndi pa nga pala ako nag a-almusal o tanghalian.

Inalalayan niya akong umupo.

"Kumain ka mag-isa. Hindi kita susubuan. Ginawa mo naman yata akong katulong," sabi niya.

Inirapan ko siya bago kinuha iyong mangkok at sinimulang kainin. Ilang saglit lang ay naubos ko ito.

Napasandal ako sa sofa dahil sa busog.

May inabot siya sa 'king supot. May laman itong gamot.

"Inumin mo," sabi niya sabay iwas ng tingin. Kinuha ko naman ito.

"Hala, sana hindi ka na bumili. Meron naman ako rito sa bahay," sabi ko.

"Aba malay ko ba?" inis niyang sabi.

Nagkibit-balikat na lamang ako at ininom ito.

Bahagya akong nagulat nang idampi niya ang likod ng palad niya sa noo ko. Napatingin siya sa'kin at agad na inalis ang kamay niya.

"Hindi na gan'on kataas ang lagnat mo," sabi niya lang at umiwas ng tingin.

"Sa susunod kasi mag te-text ka sa 'kin kung hindi ka papasok," sabi niya at tumingin sa 'kin.

"I-ibig kong sabihin, ipaalam mo sa mga teacher para hindi ako ang naaabala," dugtong niya.

"E, papaano naman kita ite-text, wala naman akong number mo," sagot ko. Natahimik siya saglit bago tumayo.

"Mauna na 'ko," sabi niya ngunit bago umalis ay inabot niya sa 'kin ang keypad na cellphone niya.

"Anong gagawin ko rito?" tanong ko.

"N-number mo," sabi niya lang at umiwas ng tingin.

Napailing ako bago t-in-ype ang numero ko. Inabot ko ito sa kaniya pagkatapos.

"H-hindi ko ito kinukuha dahil gusto ko, okay? Ayoko lang maulit ito na pupunta pa ako rito-"

"Sige na, akala ko ba mauuna ka na?" pagputol ko sa sasabihin niya. Bahagyang namula ang pisngi niya.

"S-sige," sabi niya at tuluyan nang lumabas.

Hinipo ko ang noo ko. Medyo ayos na naman ako. Napangiti ako nang maalala ko si Leo.

Kahit naman pala gan'on siya, may pake-alam pa rin siya sa iba.

Napahawak ako sa pisngi ko.

Bakit ba ako nangingiti, ha?

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon