Kabanata 14

469 37 7
                                    

Danielle

Pagkasabi niya n'on ay umalis na siya lulan ng kaniyang motor. Naiwan naman akong nakatunganga roon.

Gusto niya ako?

Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman ang patuloy na pagbilis ng tibok ng puso ko.

Sht, bakit parang nata-tae ako na kini-kilig na ewan?

Para akong gaga sa labas ng 711.

Seryoso ba siya, o epekto lang ng beer?

Sht talaga. Tumayo ako at napag desisyonang umuwi na. Sa bahay ko nalang 'to iisipin.

Sht, bakit ba kinikilig ako?

Kauwi ko sa bahay ay dumeretso na ako sa kuwarto. Nagpagulong-gulong lang ako sa kama.

Hindi naman ako iyong nag confess, pero kinakabahan akong makita siya.

Kinabukasan ay dire-diretso lang ako sa pagpasok sa classroom. Nasa may gate si Leo pero hindi ko siya binati o nilingon man lang. Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan ko siyang malagpasan.

Bakit ko ba kasi siya iniiwasan? Hindi ko naman siya gusto, diba?

Umiling-iling lang ako at pumasok na sa classroom. Bahala na mamaya.

Nang mag recess na ay nakita kong papalapit si Leo rito sa classroom ko. Agad akong nagtago sa ilalim ng lamesa ko.

"Nas'an si Teacher niyo?" narinig kong tanong ni Leo.

"Umalis po yata kuya guard," sagot ng isa sa kanila.

"Ah, sige. Pakisabi nalang na dumaan ako," sabi niya. Nakahinga naman ako nang maluwag. Tumayo na ako at napa-atras nang makita si Leo sa harap ko.

"Sabi ko na nga ba't iniiwasan mo 'ko, e," inis niyang sabi. Napangiwi ako.

"H-hindi ah! May ano kasi, may nahulog sa ilalim ng lamesa ko, pinulot ko lang," pagpapaliwanag ko na nagpakunot sa noo niya.

"Sa tingin mo ba e maloloko mo ako?" inis niya pa ring sabi.

"E, totoo naman!" giit ko pa.

Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa lamesa ko dahilan para mapaatras ako.

"Bakit mo ba ako iniiwasan, ha?" tanong niyang muli.

Ibubuka ko pa lamang ang bibig ko nang tumunog ang bell. Nginitian ko siya.

"Paano ba 'yan, Leo? Tapos na ang recess. Kailangan mo ng lumabas," sabi ko. Tinignan niya ako nang masama bago lumabas.

Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ba ako kinakabahan? Dahil ba nalaman ko na gusto niya 'ko?

Hinintay kong bumalik sa normal ang paghinga ko bago pinagpatuloy ang klase. Nang maglunch na ay nanatili lang ako sa classroom. Ayoko talaga siyang makita, hindi na lang ako kakain.

Sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa. 2 hours ang lunch break kaya makakatulog ako nang matagal-tagal. Hinihila na ako ng antok nang may tumuktok sa lamesa ko. Inangat ko ang ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Leo sa harapan ko. Napaupo ako nang tuwid.

"H-hi, Leo," sabi ko sabay ngiti.

Pilit na ngiti. Nakakunot ang noo niya nang may pinatong siya na plastic sa lamesa ko.

"A-ano 'to?"

Sandali nga. Bakit ba nauutal ako?

"Gagawin mo talaga ang lahat para lang iwasan ako? Hindi mo naman kailangan gawin 'yon, e. Sabihin mo lang kung ayaw mo akong makita. Edi ako na mismo ang iiwas. Hindi iyong parang diring-diri ka sa 'kin," inis niyang sabi.

Sasagot pa sana ako nang tumalikod na siya at umalis.

Sinipat ko ang plastic na dala niya. Pagkain?

Nang mag-uwian na ay hindi na ako nagtagal sa classroom. Sumabay na ako sa mga bata para hindi niya ako mapansin. Successful naman at nakauwi ako nang hindi niya alam.

Bakit ko ba kasi siya iniiwasan, ha?

Agad akong nagbihis at sinimulan nang gawin ang mga paper works ko. Abala ako sa pagta-trabaho nang maalala kong pinapa-text nga pala ni Ma'am Feli iyong schedule niya. Inabot ko ang cell phone ko at binuksan ito nang mapansing may isang text.

From: Leo

Kita tayo sa 711. Bahala ka kung pupunta ka. Maghihintay ako.

"Sus. Bahala ka diyan," sabi ko nalang at pinatong muli ang cell phone ko sa lamesa.

Bahala siyang mamuti ang mata roon kahihintay.

"Ano ba kasing kailangan mo?" inis kong tanong sabay upo sa harap niya.

"Bakit mo ba kasi ako iniiwasan, ha?"

Bakit pa ba kasi ako pumunta? E alam ko namang iyon lang ang pakay niya.

"Hindi nga sabi kita iniiwasan, e," pagpupumilit ko.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Huwag ka ngang ambisyosa. Akala mo ba ginusto kong magustuhan ka? Hindi, 'no. Kung puwede ko lang pigilan, matagal ko nang ginawa," inis niyang sabi.

Mas lalo kong sinamaan ang tingin ko.

Grabe naman 'to! Gan'on na ba 'ko kapangit to the point na gusto niya ng i-unlike ako?

"Bakit mo ba kasi ako iniiwasan, ha? Nandidiri ka ba sa 'kin dahil pangit ako, may anak na, at mukhang adik? O dahil hindi ako kagaya mo na nakapagtapos ng kolehiyo? O baka naman dahil may criminal record ako?" sunod-sunod niyang tanong.

"Alam mo, Leo, never akong nandiri sa 'yo. At never kitang j-in-udge dahil lang sa mga flaws mo. Well, n'ong una siyempre hindi ko maiwasang isipin na mukha ka talagang adik at magaspang ang ugali mo. Pero mabango este, mabuti kang tao. At hindi masama ang pagiging single-dad," pagpapaliwanag ko.

Nakita ko namang medyo umaliwalas ang mukha niya.

"E, bakit mo nga ako iniiwasan?" tanong niyang muli.

Natahimik ako dahil maski ako, hindi ko alam kung bakit.

"Bakit ba kasi?!" sigaw niya. Nagulat ako kung kaya't bigla akong napasagot.

"Gusto rin kasi kita, pakyu!" 

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon