This is a work of Fiction. All names, places, events and business are just a product of the author's imagination. Any Resemblance to a Real person, events, places and businesses are purely coincidental.
Distribution of this work in any way ARE NOT ALLOWED without the consent of the author.
Copyright © 2014 jhoeyness_0715
All Rights Reserved.
JAYMEE POV
"OH SHIT!!"
Nasa pintuan palang ako ng room namin ng may biglang bumuhos na isang timbang pintura sa ulo ko. Hindi pa ko nasanay. TSK! Araw-araw na nila yang ginagawa sakin. Dapat nga masanay na ako kaso di ko talaga mapigilang magulat.
Dire-diretso lang ako sa upuan ko kahit puro pintura ang katawan ko. Kung magpapalit kasi agad ako masasayang lang yung bagong palit na damit ko kasi hanggang uwian nilang gagawin sakin yun.
Uupo na sana ako ng biglang..
"AAAHHH!" Sigaw ko.
"HAHAHAHAHA"
"Tingnan mo yung itsura nya nakakatuwa!"
"EPIC!! hahahaha"
Yan lang maririnig mo sa buong classroom.
Gusto nyo bang tanungin kung anong nangyari sakin? Pagkaupo ko lang naman sa upuan ko ay bigla itong nabuwal. Tinanggalan pala nila ng isang paa kaya, ang itsura ko?? napasalampak lang naman sa lapag.
Ang sakit ng pwet ko. T.T Naiiyak na ko. Pero dahil hindi naman ito ang unang beses na ginawa nila sakin to, kaya kong pigilan ang luha ko. Grabee lang.. wala mintis ang pangbubully nila sakin. Simula nung unang araw na pumasok ako dito sa university na ito. Immune na immune na ako.
Dahil sira ang upuan ko, nakatayo nalang ako sa pwesto ko hanggang dumating yung Prof namin. Tiningnan lang ako ng prof namin at naglesson na.
Isa pa to sa kinaiinis ko sa University na to. Bulagbulagan yung mga Professor sa mga pinaggagawa ng mga estudyante nila.
"Psst!"
Nakikinig lang ako sa prof namin kahit alam kong pasulyap sulyap sakin yung mga kaklase ko at pasimpleng tumatawa.
"Psst! Jaymee!"
Nilingon ko yung tumatawag sakin. Si Katelyn pala. Ang secret Bestfriend ko. bakit Secret Bestfriend? Kasi ayaw kong madamay sya sa pambubully ng mga classmates ko kaya naman pinilit ko syang wag lumapit sakin pag nandito kami sa University.
Pareho lang kaming Scholar ni Katelyn sa University na to. Simula Kinder Classmate ko na sya. Di naman sa pagmamayabang pero pareho namang may sari-sariling business ang pamilya namin. Pero mas pinili kong tumayo sa sarili kong paa kaya naman kahit anong pilit ng parents ko hindi ako humihingi ng tulong sa kanila para sa mga bayarin dito sa University. Pinilit kong maging Scholar para wala na akong alalahanin sa tuition fee ko. Para naman sa bayad sa upa ng Apartment ko at mga gastusin ko araw araw ay kinukuha ko sa sweldo ko bilang isang crew sa isang Fastfood. Tanging si Katelyn lang ang nakakaalam na anak mayaman ako. Paano naman kasi, kahit sabihin nya, walang maniniwala sa kanya dahil hindi naman talaga akong mukhang mayaman. Lage akong naka Reading glass na sobrang kapal. Tapos yung mga damit ko binili ko lang sa Divisoria kaya naman simple lang at cheap "daw" sabi ng mga kaklase ko.
kung tutuusin kaya kong ipaKick-Out sa University na to ang lahat ng nangbubully sakin. Isang tawag ko lang sa Daddy ko masosolusyunan nya agad. Di naman kami ang may ari ng university na to, masyado lang makapangyarihan ang Dad ko kaya naman kaya nyang gawin ang lahat.
Pero pinangako ko na sa sarili ko na hindi ako hihingi ng anumang tulong sa Parents ko kaya tinitiis ko lahat ng pambubully ng mga Classmates at Schoolmates ko.
"JAYMEE!" tawag ulit ni katelyn. Nakatulala na pala ako.
"Okay ka lang?" pabulong nyang tanong.
Tumango lang ako at tumingin ulit sa prof ko nag naglelecture pa rin.
"Okay Class! Dismissed! DON'T forget your assignment guys" at lumabas na yung prof namen.
Nag unahan ng lumabas ang classmates ko. At ako? eto hinahanda na yung sarili sa possibleng gawin na naman ng mga classmates ko paglabas ko ng room.
nasa pintuan na ako palabas ng biglang hindi ko na maiangat yung isa kong paa.
'ano na naman to!' bulong ko sa sarili ko.
Tiningnan ko yung kanang paa ko na ayaw maangat .
"TSK!" yan nalang ang nasabi ko nang makita kong may mighty bond pala sa tinapakan ng kanan kong paa. Tinanggal ko ang paa kosa pagkakasapatos at umupo sa sa harap nung sapatos ko na nakadikit pa rin sa sahig. Pinilit kong Hilain yung sapatos ko para matanggal sa pagkakadikit.
"Arghh!" la na akong nagawa kundi itapon yung sapatos ko na wala ng swelas. Kakahila ko kasi ay naiwan yung pinakailalim nung sapatos sa sahig.
Lumabas na ako ng tuluyan sa room namin ng tanging Medyas lang ang sapin sa kanan kong paa.
"Sobrang hirap mo ba talaga para hindi makabili ng matibay na sapatos?? hahahaha"
Sabi nang isa sa mga grupo ng babae na nagkukumpulan sa labas ng classroom namin.
"Tss!" sabi nung lalaking nakasandal sa pader sa hallway na nakatingin sakin.
Di ko pinansin lahat ng bulung bulungan (na rinig naman ng lahat) ng mga estudyante na nasa hallway. Nakayuko lang ako at tuloy tuloy sa paglalakad.
Pumasok lang ako sa mga sumunod kong mga subject at naghintay na matapos ang Araw kahit anu ano ang pinaggagawa sakin ng mga classmates ko ay di ko nalang pinansin. Nanatili lang akong walang kibo sa buong araw.
Tapos na ang last subject at uwian na. Uuwi muna ako sa Apartment para magpalit at maglinis ng katawan tsaka didiretso sa trabaho.
Hindi ko alam kung pano ko natanggal ang mga pintura at dumi sa katawan ko. basta ang alam ko Dalawang oras akong nasa banyo.
Nagbihis na ako ng uniform para sa trabaho. Dahil sagabal ang Reading glass ko at hindi pinapayagan sa fastfood ang mga crew na naka Reading glass ay nagcontact lens nalang ako ng transparent at naglagay ng kunting anik anik sa mukha.
Humarap ako sa salamin at napangiti. Kung pumasok kaya ako sa school na nakaganito? panigurado walang makakakilala sakin.
Buti nalang pag nakaduty ako sa trabaho ay walang nakakakilala sakin kahit may mga Schoolmates akong laging nasa fastfood na tinatrabahuan ko.
"Anong pong order nila sir?" tanung ko dun sa lalaking nakapila habang nakangiti.
Dahil sobrang daming tao ako nalang kumukuha ng Order nung iba at sinusulat sa Order slip para iaabot nalang nila sa counter at mabilis ang usad ng pila.
Tinitigan lang ako ng lalaki na nakakunot ang nuo.
"Have we met before?" tanung nung lalaki.
"kung lagi po kayong nakain dito, sigarado pong nagkita na po talaga tayo dati pa ^_^" nakangiti ko ulit na sagot sa lalaki.
"I see.. here's my order *bigay ng order*" -lalaki
"yun lang po sir? ayaw nyo pong itry yung bago pong promo namin?" -ako
"No, maybe next time" -lalaki
"okay po ^_^" sabi bigay sa kanya nung order slip at bumaling na ako dun sa next na nakapilang customer.
Napansin kong nakatingin pa rin sakin yung lalaki kanina. Sinulyapan ko sya at nginitian lang at nagpatuloy sa pagkuha ng order.
Natapos ang buong araw ko na nakakapagod. Pagkauwi ko sa apartment ay kumain agad ako ng mga tinake-out kong pagkain sa store at pagkatapos nagshower na at natulog.
kailangan ko na naman ng lakas para sa pagharap bukas sa school. Hayst..