I'll Carry You Home

218 7 0
                                    

I'LL CARRY YOU HOME

Written by: SuperKimmyBee

Hindi makapaniwala si Froilan Ayala na kinakailangan niyang i-date FOR A MONTH si Margaret Ynares. Bukod sa hindi niya kailanman ginusto iyon at pinilit lang siya nito… wait, actually, blinack-mail siya nito, ang babaeng yun lang naman ang most mysterious, creepiest, at kapatid ni Sadako na sa kamalas-malasan ay nakatira din sa subdivision kung saan siya nakatira. Ganon na ba talaga siya kaguwapo? Sa tingin niya, sobrang dami niya nang kasalanan kay Papa God kaya napupunta siya sa ganitong sitwasyon. He didn’t even dream of this! Over his dead body! Paano na lang ang reputasyon niya bilang pinakaguwapong homeowner sa subdivision nila? (self-acclaimed po ito) Pero dahil nakasalalay ang “buhay” niya sa deal na yun, wala siyang nagawa kundi umoo dun sa mangkukulam na babaeng yun…

Na napatunayan niyang mangkukulam talaga. Hindi dahil sa itsura nito pero dahil pakiramdam niya, habang tumatagal niya itong nakikita at nakakasama, e ginagayuma na siya nito. Bigla na lang may naramdaman siyang hindi niya kailanman naisip na mararamdaman niya. The hell with these feelings!

I'll Carry You HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon