Chapter 3

70 2 2
                                    

Kimmy's Note: Hindi ko mapigilang idedicate kay Ate Ales itong chapter na to kasi habang pinuproofread ko to, multitasking ang peg ko. Binabasa ko yung NTBG, inaayos to, at pinoplot ko yung isa ko pang naisip na story. Haha. So hello kay Ate Alesana Marie! Another IDOL! :))) At hello kay bebe ko Leng, na naunahan na ako sa pagbabasa sa NTBG. :3 WAAAAA! Madaya! Haha. Labyu! ;)

 

---

 

FROILAN

 

Katataas ko pa lang ng mga paa ko sa lamesa upang magsimulang manood ng TV at eventually ay makatulugan yun dahil na rin sa pagod ko nang marinig ko ang nakakarinding tunog ng door bell. Nakakarindi siya para sa akin ngayon dahil sino ba ang may karapatang guluhin ako ngayong kailangang-kailangan ko ng pahinga? Napatingin ako sa wall clock. Alas-dos ng madaling araw!!! Minumulto ba ako?!! O.O

 

Siyempre gig ulit sa bar nila Ate Princess , yung nakatatandang kapatid ni Paul. Maaga na nga ang alas-dos para sa normal na uwi namin dahil kadalasan, magpapalipas na lang kami ng gabi oftentimes kila Paul. Yun kasi ang pinakamalapit na bahay pag nilakad mula sa bar. Sometimes, kila Ernest, the second house nearer but never in my house because mine was the farthest. Depende na lang kung sinisipag kaming maglakad at gusto naman naming maiba yung atmosphere. Paul, Ernest and I were the only members of Bread and Circuses who were living in the same subdivision.

 

We decided to go home to our respective houses for this night. Puwede na rin para makapagpahinga dahil ilang araw na kaming walang tulog kila Paul. Huh, kailangan ko pa rin namang alagaan tong kaguwapuhan ko, no? Mamaya wala nang tumangkilik sa BaC dahil wala nang pogi and mind you, ako ang pinakaguwapo sa aming lima. Aba! Di puwede yun! Hehehe! Joke! *yabang modes activated* >:D

 

Naulit na naman yung door bell. Argh! Hindi ko alam kung sisigawan ko na lang yung tao o ano, pero nakakahiya naman. Baka may magising pa akong kapitbahay. The door bell should not repeat itself for the 3rd time. Whether I liked it or not, I had to go and see that person whoever the heck that person was who was irritatingly wasting and disturbing my precious times for myself. >___________<

 

“Sandali lang!” I headed for the door. “Ano ba yu – “

 

“You have to date me or else your father would get to know the real address of your house in this subdivision.”

 

“WHAT?”

 

Confirmed. Minumulto nga ako! Takte. Kung hindi ko siya kilala at kahit papaano ay naimmune ang mga mata ko kaninang umaga sa awkward at face to face na pagkikita namin, baka nanigas na ako sa kinatatayuan ko at puwede nang maging episode sa The Ring yung mangyayari.

 

Walang improvement ang itsura niya simula nung magkaroon kami ng “encounter” kaninang umaga. Actually, kahit gabi na, parang mas lumala pa nga. O siguro dahil gabi na kaya parang mas lumala? Pero whatever. The concern now was, are we going to talk about the “date” thing again? I already said no! No, I wouldn’t date her and I would not pretend to be her boyfriend!

 

“Or maybe that’s not enough.” Parang ginugunting na yero yung boses niya sa pandinig ko. Nakakapeste! She browsed something on her DSLR camera before she spoke again. “Maybe I still need to post these photos in the internet for a better effect.” At nakita ko ang mga pinakasuklam-suklam kong mga litrato na kuha pa noong high school days ko! Ugh! The Froilan Ayala back then! NO WAAAAY! Sigurado at garantisadong wala na nga talagang susuporta sa BaC kapag kumalat ang lahat nang to sa internet. TAE! Where the heck did she get these pictures??? Muli kong tiningnan ang mga litrato sa camera at ang seryosong mukha ng kaharap ko. Peste talaga! Sobrang dami ko na atang atraso kay Papa God kaya ganito na ang nangyayari sa buhay ko! Waaaa! Sorry na Papa God! (*/\*)

I'll Carry You HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon