Kimmy's Note: It's good to be back! Naniniwala talaga ako dun sa kasabihan na, "You will always go back to where your heart belongs." At nandito ang puso ko. Hehe. Belated Happy New Year everyone!
---
MARGARET
"Eh, Yang, wag na lang kaya tayo tumuloy? One hour late na rin naman tayo oh? Malapit na nga rin mag-8:30..." Hawak ko si Yang sa braso habang nakatingin ako sa cellphone ko. Hinatid kami ng driver nila sa subdivision hanggang sa Princesses' Corner at ngayon nga e andun na kami sa labas pero nagpipigil pa akong pumasok. Sa sobrang bagal kumilos ni Yang, super late na kami sa supposed to be e 7:00 na first set ng BaC. Hindi lang yun. Sobrang kinakabahan talaga ako kasi first time ko naman talagang lumabas nang ganito at first time rin siyempre na makita ako ni Poy nang nakaganito. Second feeling is naiilang ako dahil sa mga tingin ng mga taong nasa labas. Takte! AKO LANG 'TO! Hinding-hindi ko na talaga gagawing designer at make-up artist ko itong babaeng to. Kung anu anong ginagawa sa akin, ayan tuloy... HAAAY. I'M NOT USED TO THIS! Ibalik niyo si Margaret Ynares!
"Ano ka ba, Maj?" P.S. Naadapt niya na rin ang nickname ko. Hay. "Pagkatapos ng lahat-lahat ng pinagdaanan natin at ng pagmimake over ko sayo, tapos hindi lang tayo tutuloy? Lah! Halika na!" At hinila niya na ako.
"Eh pinagtitinginan tayo ng mga tao!"
"Bukod kasi sa maganda ako, e mas maganda ka." Nakuha niya pa talaga akong bolahin. Tsk! Naman oh!
Wala na akong nagawa nang makapasok na kaming dalawa sa loob. Mas maraming tao, mas maraming titingin sa amin. Todo naman ang pagtatago ko sa likod niya. Hindi Bread and Circuses ang kasalukuyang tumutugtog pero parang kasisimula lang nung isang band. Nagsalita si Yang sa tenga ko. "Hanapin natin si Insan!"
"Saan?" Sagot ko rin sa tenga niya.
"Sa backstage! Basta somewhere!"
Dumaan kami sa mismong bar kung saan maraming mga lalaki dahil dun nagseserve ng drinks. Maraming tao kaya kailangan naming sumiksik.
"Hi, Miss!" Nagulat pa ako nang may humawak sa braso ko mula dun sa mga nakaupong mga lalaki sa bar. Agad akong umiwas at humawak na lang ako sa balikat ni Yang. Nakakatakot palang magevolve. "Yang! Uwi na tayo!"
"Wait lang! Let's find Insan first! Just don't mind them. Maganda ka lang kasi talaga." At nginitian niya ako ng malapad at parang nanunukso. Argh! Nakakatakot maging maganda! >.<
"Paul!"
Napatingin ako sa harapan at nakita kong palabas nga sila Paul from the backstage. Ganito talaga ang gawain nila after their first set... luminga-linga ako. But I didn't see him.
BINABASA MO ANG
I'll Carry You Home
RomanceOrdinary story ng isang babaeng nagmamahal at isang lalaking nangangailangan ng pag-ibig.