FROILAN
There were really room for first times. Tae! Hindi ko akalain na magiging applicable para sa akin 'yang kasabihan na yan! Ang baduy e. Pero nandito ako ngayon sa harapan ng bahay ng babaeng nagpagulo sa gabi at sa isip ko kahit hindi niya naman alam at sinasadya. At unang beses to! Unang beses kong mawala sa katinuan at bigla na lang manuntok ng tao just because I didn't like the way they look at her and approach her. Hindi ko alam, pero hindi ko gusto e. Kaya hindi ko napigilan yung sarili ko. Unang beses ko ring sumunod sa isang babae dahil alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko... magulo kasi talaga e! Anak naman talaga ni Sadako oo! >.<
*flashback*
"Dyahe pare! Tinawag ko pa mandin siyang 'wonderful lady' tapos si Margaret Ynares pala yon?!" Tumawa ng malakas si Paul at umiling. "Unbelievable!"
Inapakan ko yung upos ng sigarilyo saka ko siya tiningnan. Nandito kami ngayon sa likod ng bar at katatapos lang ng second set namin. Masiyado akong bothered kaya ilang beses akong nagkamali. Binawasan na lang tuloy namin yung set at ako na ang nagyaya na magcigarette break. Kailangan ko ng outlet para dito sa gulo ng utak ko e. Kailangang mawala sa isip ko si Maj, and everything that happened earlier.
"Pero alam mo pare, ibang klase ka e! Nakakita ka lang ng maganda, binabakuran mo na agad! Umamin ka nga? Girlfriend mo yun no?" Si Josef. Tawanan. Pero hindi ako nakisali. Masiyado akong seryoso.
"Just shut it." Malaman na nila kung malaman. Ako rin naman ang may kasalanan. Puwede naman akong magpanggap kanina na hindi ko siya kilala, pero wala e. Siguro sila Paul hindi siya nakilala pero ako, unang tingin ko pa lang, alam ko agad na si Maj yun. Kahit hindi niya pa kasama si Yang.
Sa totoo lang, whatever Yang did to her worked bigtime. Everything complemented to emphasize her looks and features that everybody in the subdivision failed to see because they already judged her in the first place. At considering na nakakasama ko pa siya sa iisang bahay. At napatunayan ko na hindi naman siya mangkukulam o kapatid ni Sadako tulad ng sinasabi nila. Medyo over the top nga ang pananamit niya but there was something more to Margaret beneath her style. Hell! Sa dyologs niyang yun, narealize ko pa talaga to?? >.<
But I didn't want her to be like that when everybody could see. I didn't want the idea of putting her into fashion dresses and heels, having her hair down, removing her glasses and applying all those make up on her face. SIGE, MAGANDA NA SIYA -_- Pero ayoko pa rin. Lalo yung tingin sa kanya ng mga lalaki sa bar kanina. Naiirita ako at kumukulo yung dugo ko. >.<
Damn it! Hindi ako sanay nang ganito! I walked passed them. "Let's get this over with." Uuwi na ako.
*end of flashback*
Alas-diyes na at hindi na ako sumamang tumambay kila Paul. Nang magpasundo na si Yang, diretso uwi na rin ako kahit todo asar sila sa akin. >.<
Eventually, I found out that her house was just beside mine. Nadulas siya kaninang umaga nung nag-aalmusal kami at heto ako ngayon na parang tanga dahil kakatok lang naman ako pero kanina ko pa hindi magawa. Tae yan! ITO NA NGA! -_-
Bumukas yung pintuan at siya yung tumambad sa akin. Nakabihis na siya pero hindi niya pa natatanggal yung contacts niya at yung buhok niya e hindi na katulad dati dahil may bangs na siya ngayon. Wala na rin yung make-up niya.
Matagal kaming nakatingin lang sa isa't isa. I was looking down to her and she was looking up to me. There was something about her watery eyes and look that was tugging in my heart - "Pinaiyak mo yan!"
Takte! Para naman akong nagpaiyak ng bata e! Nakakaguilty! >.< Tsaka bakit naman siya iiyak? Para naman siyang tanga, para yun lang e! Tsaka oo! Maganda siya! Kung yun ang iniiyak niya! Hindi ko lang nasabi kanina kasi nga badtrip na ako dun sa bar >.< Hindi siya puwedeng umiyak sa harapan ko ngayon! Baka hindi lang dalawang lalaki ang masuntok ko.. tsk. HOY! SINONG NAGPAIYAK DITO?? TSAKA BAKIT PARANG NAKOKONSENSIYA AKO?? >.<
Dugdug. Dugdug.
What the...? Ano yun?? O_O
Umiwas ako ng tingin at hinila na siya palabas ng bahay. "Bakit dito ka umuwi? Hindi dito ang bahay mo!"
"P-poy! Saglit! Dito ang bahay ko - "
"Halika na! Umuwi na tayo!" At habang hawak ko siya sa kamay, naglakad na kami papunta sa bahay ko.
BINABASA MO ANG
I'll Carry You Home
RomansaOrdinary story ng isang babaeng nagmamahal at isang lalaking nangangailangan ng pag-ibig.