Chapter 4

47 1 0
                                    

MARGARET

I smiled on myself at the mirror. Isang oras pa bago mag-alas siyete ng gabi pero nakaligo at nakapagbihis na ako. This is one of the nights that I will go out because of something and this time, I’ll go out because of Poy. Okay, I just gave him that nickname. Ang cute kasi, bagay sa kanya. HAHAHA! \(^___^)/

Last night, he finally agreed to my offer. Finally, The Froilan Ayala is dating me! Parang nananaginip ako nung sinabi niya yung magic words kagabi, parang hindi ako makapaniwala. But, I know, napipilitan lang siya dahil ayaw niyang magkalat sa internet yung mga totoy pictures niya. He’s afraid that their fans would leave them, so he gave up on getting rid of me.

Tapos ngayong umaga, ginising ako ng body clock ko. I stood up from the sofa because I didn’t dare to sleep in his room. Nagluto ako, pero tanghali na, hindi pa rin siya gising. Nagising lang ata siya nung naamoy niya yung niluluto ko.

*flashback*

“Anong plano mo?”

“Anong plano?” nakakunot ang noong tanong niya. Noon ko narealize na siguro, itong 1 month dating session namin e hindi katulad nung inaasahan ko. He would not plan activities for us to do together. He would not even think of inviting me to eat outside or to watch his gigs at the local bar inside the subdivision. Alam ko ang tungkol dun dahil sa pagobserve ko rin sa kanya secretly. Pero alam ko wala talaga siyang balak sabihin yun sa akin. Napakagat ako ng labi at napapout. “Today is the first day of our one month dating session.” I said.

Of course, he knew about that. Pero parang natigilan pa rin siya. “E ewan ko.” And he continued eating.

Nag-iisip na ako nang mga sumunod na sandali. Then I exclaimed. “Alam ko na!”

*end of flashback*

I told him I’ll watch him play. Siyempre ayaw niyang pumayag at first, but what could he do? Wala namang makakaalam na kasama ko siya and I’m just there to watch. I had a good point, and after that, I smiled sweetly at him. Pang-asar lang. BWAHAHAHA. Thank God he didn’t ask me how I got to know about Bread and Circuses. Siguro inassume niya na sikat talaga sila, which was also true. They were indeed five of the sought-after bachelors on this part of the country. Ehem.

I had my usual get-up for the night – long sleeved flowing dress with cotton cloth, flats, my hair in a bun, and scarf to cover my head. Kahit na nakaharap at nakausap ko na siya ng kung ilang beses, kinakabahan pa rin ako. Lalo na at ngayon lang ako lalabas para magpakita sa maraming tao. I hope that when I see him in the crowd, I’ll be normal again. I’ll be relaxed again.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng bahay nang 15 minutes na lang bago magseven o’ clock ng gabi. Bukod sa hindi ako mapakali at para akong sinisilihan sa aking kinauupuan, chance ko na rin yun para makakuha ng magandang puwesto sa bar. Malapit lang ang bar, mararating iyon ng mga 5 to 10 minutes ng naglalakad kung mula sa bahay at sa bilis kong maglakad, wala pa atang limang minuto yun. Dahil nagmamadali pa ako kanina, nakalimutan ko si Mighty DSLR. Hay! Simula nang pinagtigil ko muna sila Lucas at Caloy, wala nang nagpapaalala sa akin ng mga bagay-bagay. Simula rin nang mawala sila Mommy at Daddy… it was all just yesterday…

I'll Carry You HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon