Are you ready buddies?
Pay attention! Buddies, kunting tiis nalang at mailalahad ko na rin sa inyo ang mga prompt ng competition.
Ngunit bago yan, nais ko munang ibahagi sa inyo ang mga gawa ng ating punong hurado.
Maaaring isa sa mga gawa niya ang maging daan upang kayo ay manalo. Siyasating maigi, tingnan ang kabuuan ng litrato tulad na lamang ng anggulo, kumbinasyon ng kulay, mga ginamit at iba pa.
Yan si judge, medyo fan pa siguro siya d'yan ng Encantadia. Kung kilala n'yo na siya mas better.
Pasensya na kailangan kong tanggalin ang pangalan, that's an order from the owner. Ngayon, parang lumipat na siya sa abs-cbn. Haha
Hindi perpekto ang ating punong hurado, pero siya ang magdidikta kung sino ang mananalo sa labang ito kaya nararapat lang na siya'y ating sundin.
Handa na ba kayong lumaban?
Narito ang mga batayan sa patimpalak na ito.
POLYCHROME CRITERIA
30% Relevance to the theme. Of course, merong mga prompt na ibibigay sa inyo at huwag kayong mawawala sa tema dahil sayang ang puntos.
20% Combination of color. Mahalaga ang kumbinasyon ng kulay kung saan, mas lalo pa nitong pinapaganda ang bawat sulok ng litrato.
10% Cleanliness. The photo should be clean enough. Kung gagamit kayo ng photo which is png type, just make sure na bagay po ito, klaro, at walang makikitang excess na mga markings, lines, colors na makakasira ng gawa ninyo.
10% Punctuality. Yes, merong puntos ang pagiging maagap buddies. Dapat before the deadline makapagpasa na kayo para makuha ang kumpletong puntos. Kung late kayo, sorry to say, hindi na tatanggapin ng judge ang gawa niyo kahit gaano pa yan kaganda.
10% Fonts. Dapat bagay sa photo ang fonts na ginamit as well as ang kulay.
10% Saturation. Dapat kontrolado ang brightness at contrast effect ng photo.
5% Prompt details. Kung ano ang nakalagay sa prompt, yun lang dapat ang gagawin unless, you're free to manipulate everything. Madalas tinitingnan dito ay ang genre.
5% Cover size, quality and password. 256 by 400, 512 by 800, 1024 by 1600. Siguraduhing naka 100% ang quality ng photo. Kung sa Ps (Photoshop) kayo mag-eedit, use 72 pixels and above (resolution).
Overall, 100%
Mga buddies, next page na po ang prize ng kompetisyon. But before you shift this chapter , ang password po ay @markmontina, follow n'yo po siya and you can ask some advice para sa gagawin n'yo, siya po ang judge.
Ang format po ng pagpasa ay sa next chapter din. Sana tulungan n'yo kaming palakihin pa ang kumpetisyong ito kaya, kindly tag your friends!
Ken ♡
BINABASA MO ANG
POLYCHROME GRAPHIC CONTEST
Non-FictionLet's try to cultivate, let us try to dig deeper than what we used to do. Ken ♡