Chapter One

18.7K 147 5
                                    

"HOLY shit..." nakangiwing sambit ni Travis nang makita niya ang nangingitim na pasa sa paligid ng kaliwang mata ng kapatid niyang si Paolo. Sunod-sunod siyang pumalatak.

"Okay lang ako, Kuya," bale-wala namang saad ni Paolo at muling isinuot ang shades upang itago ang pasa. Itinutok nito ang atensiyon sa varsity team na kasalukuyang naglalaro. Nasa pinakamataas na parte sila ng covered gym ng kanilang eskuwelahan. Habang nasa klase siya kanina para sa review niya ay nakatanggap siya ng text message mula rito. Ilang araw na itong hindi umuuwi at kanina lamang nagparamdam.

His brother was a junior from engineering department. At kung gaano kabango ang reputasyon niya bilang panganay na Lorenzana ay ganoon naman kalaki ang sakit ng ulo ng mga magulang niya dahil sa pagiging pasaway ni Paolo. At ngayon nga ay naroon siya at kinakastigo na naman ito.

"Sa ngayon ay okay ka pa. Pero sa susunod ay hindi lang 'yan ang aabutin mo kung hindi mo pa titigilan ang kalokohan mo," sermon ni Travis.

Bumuntong-hininga ito. "Hindi ko ikamamatay ito."

He snorted sharply. Masyado nang nalululong sa barkada si Paolo. Hindi nito maililihim iyon sa kanya. Nalaman din niya na panay ang sali nito sa mga illegal drag racing. At hindi man sabihin ng kapatid ay alam niyang madalas ang pagpapagawa nito ng reports at research paper sa mga estudyanteng nagpapabayad dahil wala na itong oras mag-aral.

"Tinutulungan naman kita, hindi ba?"

"Oo nga. Pero hindi naman kita puwedeng abalahin sa lahat ng oras. Kulang na ang katawan mo sa dami ng ginagawa mo, dadagdagan ko pa."

"I can adjust my time. Sabihin mo lang sa akin ang problema," mariing sabi ni Travis.

He smiled as if he was hurt. "At kapag nalaman ni Daddy ay sasabihin na naman niya na umaasa ako sa 'yo at ginugulo pa kita. Hindi ka pa ba nagsasawa sa mga sermon niya? Pareho lang tayong napapahamak kapag tinutulungan mo ako."

Muli siyang nagbuga ng hininga. He understood his brother very well. Hindi madaling maging anak ni Judge Gerardo Lorenzana. Ang ama nila ay kinikilalang mahusay na hukom sa bansa at pag-aari nito ang pinakamalaki at pinakasikat na law firm sa bansa, ang G.N. Lorenzana and Associates. Ang ina naman nila ay isa ring abogada. Tumigil lang ito sa pag-practice ng propesyon dahil ibinuhos na lang ang panahon sa pagiging ina at asawa.

Dahil sa propesyon at sa inaalagaang pangalan ay naging istrikto ang kanilang ama. He was very demanding both as a man and a father. Tanging ang mommy lang nila ang pinakikinggan nito at minsan lang iyon mangyari.

Dahil sa pagiging anak ni Judge Gerardo Lorenzana, inaasahan ng lahat na susunod siya sa yapak ng kanyang ama. Nang magtapos siya ng BS Economics ay kumuha siya ng Law. At ngayon ay pinaghahandaan na niya ang Bar examination.

"Huwag mo nang gawing dahilan 'yon. Kaya ko si Daddy. At hindi mo ako mapipigilang pakialaman ka."

"At pagkatapos ano? Wala namang magbabago, Kuya. Galit pa rin sa akin si Daddy," sagot ni Paolo.

"Alam mo kung bakit siya nagagalit sa 'yo."

"Dahil ayaw ko sa gusto niya."

Hindi magkasundo ang mga ito dahil ayaw ni Paolo na maging hukom o kahit ang maging abogado. Paolo wanted to fly abroad to practice his skills in information technology. He loved computer programming.

He sighed. "Kausapin mo siya nang maayos at ipaunawa mo sa kanya ang gusto mo. Alam kong mauunawaan ka niya. Pero huwag ganito, Paolo. Huwag mong daanin sa pagrerebelde."

Tanging iling ang isinagot nito.

"Sino'ng gumawa niyan sa 'yo? Nakita ko minsan na kausap mo ang grupo nina Saree Herrera. Nabalitaan ko na siya ang gumagawa ng mga term papers dito. Sakit din ng ulo ng eskuwelahang ito ang isang 'yon."

Way To Your Heart (Published Under PHR, 2010)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon