Chapter Ten

10.7K 249 24
                                    

Eighteen months later

IPINARADA ni Saree ang kanyang pulang Cadillac CTS na iniregalo ng daddy niya noong graduation niya sa college. Para daw hindi na siya mahirapang mag-commute tuwing pupunta sa rehearsal niya sa Ballet Philippines. Nakuha siya bilang company apprentice kaya nang matapos sa kolehiyo ay ginawa na niyang propesyon ang ballet.

She decided to pursue what she wanted. Simple at tahimik na siyang namumuhay kasama ng daddy niya. Tuluyan na niyang kinalimutan ang yugto ng kanyang buhay kung saan muntik na niyang masira ang mga pangarap niya. She said good-bye to her faults and promised to be better. She was stronger now. Mas kaya na niyang tanggapin ang bawat bagong nangyayari sa kanyang buhay. Bagaman hanggang ngayon ay nanatili pa rin ang inalagaan niyang pag-ibig para sa iisang lalaki. Sumasagi pa rin ito sa kanyang isipan at lihim na nahihiling na sana ay iniisip din siya nito.

Kagagaling lang ni Saree sa complex dahil kinausap siya ni Director Abelan. Masayang ibinalita nito na isa siya sa mga gustong ipadala sa Russian Academy of Ballet upang lalong mahasa ang galing niya at para na rin sa mga bagong techniques. It was really good news. Matagal na niyang gustong makapag-aral sa ibang bansa upang lalong mapaghusay ang pagsasayaw. She even dreamed of travelling abroad to perform. Magandang pagkakataon ang ibinigay sa kanya. Hindi pa man niya siguradong mapapapayag niya ang kanyang daddy ay ibabalita na rin niya ito.

Dala ang kanyang bag ay pumasok si Saree sa loob ng bahay at doon ay nakasalubong niya si Loida.

"Hi! Si Daddy?"

"Nasa terrace. May kausap na bisita." Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Ate Saree, ang guwapo ng bisita ng daddy mo. Siguro kilala mo 'yon kasi narinig ko kanina na binanggit niya ang pangalan mo."

"Huh?" Kumunot ang kanyang noo. Lumipad ang mga mata niya sa gawi ng terrace kahit hindi naman niya nakikita kung sino ang naroon.

"Oo. Puntahan mo kaya? 'Tapos, mamaya sabihin mo sa akin ang pangalan niya. Mukhang nakita ko na ang Prince Charming ko," kinikilig pa nitong saad bago siya iniwan.

Nahihiwagaan na pinagmasdan niya si Loida habang malalim na pinag-iisipan kung sino ang bisita ng daddy niya. Umiiling na umakyat na lang si Saree sa hagdan patungo sa kuwarto para magpalit ng pambahay. Muli siyang bumaba nang makapagbihis. Nasa gitna na siya ng hagdan nang matigil ang kanyang paghakbang nang makita ang kausap ng daddy niya. Her world stopped for a moment. Wala sa loob na napahawak siya sa dibdib niya. Ramdam na ramdam niya ang pagtambol ng kanyang puso. Napakapit siya sa railing habang titig na titig sa lalaki sa ibaba. Tila nanigas ang kanyang mga paa at hindi nagawang maihakbang.

Travis looked dignified even in jeans and a simple plain blue T-shirt. His hair was shorter. Nakapamulsa ito habang nakikipag-usap sa daddy niya. Napansin agad ni Saree na namayat ito ngunit lalo lamang niyong ipinakita ang taglay nitong kaguwapuhan. Pero ano ang ginagawa nito sa bahay nila? Bakit bigla itong nagpakita?

Sadya yatang mapaglaro ang tadhana dahil biglang nag-angat ng tingin ni Travis at nakita siya. Sa pagkagulat ay bigla siyang napahakbang pataas, hindi niya natantiya ang kanyang hakbang kaya nawalan siya ng balanse.

"Saree!" pasigaw na sambit ni Travis. Tumakbo ito palapit sa kanya. Kasunod nito ang daddy niya.

Maluha-luha siya habang paupong nakakapit sa balustre ng hagdan. Napangiwi siya dahil sumadsad ang kanyang pang-upo. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya at hindi siya tuluyang nahulog.

"Anak, okay ka lang?" buong pag-aalalang tanong ng daddy niya at tinulungan siyang makatayo. Si Travis ay nakaalalay ngunit hindi siya hinahawakan.

Way To Your Heart (Published Under PHR, 2010)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon