NAPANGIWI si Saree nang pabagsak siyang humiga sa sahig ng gym, hingal na hingal. Alam niyang mamaya ay mangingitim ang kanyang mga daliri sa paa at mananakit ang kanyang katawan. Nakasuot siya ng itim na tights at itim ding off-shoulder cotton top na ipinatong sa kanyang body sweater. Ang ballet shoes na suot niya ay luma na at manipis na ang unahan. Limang taon na yata ang nakalipas mula nang bilhin niya iyon.
Napangiwi siya sa sakit. Tumagilid si Saree ng higa at sa pagkilos na iyon ay nakita niya ang nakaladlad niyang tutu. Nakapatong iyon sa sports bag niya.
Hinintay muna niyang matapos ang practice ng varsity team upang doon siya mag-rehearse. Tinanggap niya ang hamon ni Andrea. Kung inaakala ng dalaga na basta na lamang niya tatanggapin ang mga insulto nito ay nagkakamali ito. She was definitely not a loser. Idagdag pa na hantaran nitong ipinakita sa kanya na tila wala siyang karapatang lumapit o maging malapit kay Travis.
Hirap siyang tumayo uli upang lapitan ang gamit niya. Muli ay pasalampak siyang naupo at inilabas ang kanyang iPod. Sinaksakan niya iyon ng speaker. She pressed her iPod and searched for the proper music. Ngunit sa kamalas-malasan ay wala siyang mapili. Pulos mga rock songs ang naroroon. Ang mga samples naman niya ng routine music ay hindi na alam ni Saree kung nasaan. Sa pagkakatanda niya, hindi iyon napasama sa mga gamit niya noong lumipat siya sa bahay ng daddy niya pagkatapos mailibing ang kanyang mommy.
Nang wala nang magawa ay pinili na lamang niya ang magpatugtog habang nag-iisip ng routine. Nakita niya ang kanta ng Aerosmith na "Crazy" at pinindot ang play button.
Tumayo si Saree at hinarap ang malapad na gym floor. Inayos niya ang nagulong pagkakapusod ng kanyang buhok. She lifted her arms and kept her fingers almost touching to form an oval shape. Huminga siya nang malalim. She then lifted her one arm and swayed it. She ran some steps and made a grand jeté, a long horizontal jump start on one leg and land on the other. She did it forward and stretched both legs in midair. Ngunit napangiwi si Saree nang lumapat sa sahig ang kanyang mga paa dahil nanakit iyon. Hindi niya iyon pinansin at sinubukan uling gumawa ng sequence. Kahit pawisan at pagod na ay itinuloy pa rin niya ang pagsayaw habang malakas na tumutugtog ang isang rock song.
Sa huling ikot ni Saree ng triple pirouette na ginawa niya ay nakarinig siya ng palakpak kaya napatigil siya upang hanapin kung sino iyon. Her breathing immediately went abnormal when she saw Travis walking towards her.
"Bravo! Excellente!" nakangiti at buong paghangang papuri nito sa kanya. He was applauding while his eyes never left hers.
"A-ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Saree. Lihim na nagdiriwang ang kanyang puso sa pagdating nito. Hindi niya kayang ipaliwanag kung paanong tila nawala ang pagod niya nang makita ang binata.
"May gusto lang akong ibalik sa 'yo. Nakalimutan mo kagabi. You must be really pissed off that you forgot about it." Mula sa bulsa ng suot nitong pantalon ay inilabas nito ang cell phone niya.
"Oh!" she gasped. Nahihiyang inabot niya iyon mula rito. Ni hindi niya iyon naalala hanggang kanina. Masyadong inokupa ng inis niya kay Andrea ang buong atensiyon niya.
"Nawala na sa isip ko. S-salamat." Iniwan niya si Travis para ilagay sa bag niya ang cell phone. Pinatay rin ni Saree ang kanyang iPod.
"Cool. Ballet with Aerosmith," anito kasabay ng isang mahinang tawa.
She made a face. "Nawala na kasi 'yong mga samples ko para sa mga routines. Matagal na kasi akong hindi sumasayaw."
"Talagang tatanggapin mo ang hamon ni Andrea?" seryosong tanong ni Travis.
Umahon ang galit ni Saree nang marinig ang pangalan ni Andrea. "That bitch! Kakainin niya ang lahat ng sinabi niya. At sisiguruhin kong isusuka pa niya."
BINABASA MO ANG
Way To Your Heart (Published Under PHR, 2010)
RomancePangalawa ang WTYH sa story ko. Itinuturing ko itong 'fruit' ng workshop ko sa PHR. Hihi. I was really inspired at that time. Marami akong natutunan sa isang buwan na workshop. Kaya sana ay magusutuhan ninyo ang story na ito. Pagpasensya na lang nin...