Magandang umaga! Ako nga pala sa Brix! Kung di mo pa ako lubusang kilala, ako ay isang masayahing binata na nag-aaral sa isang prestehiyosong paaralan. Musika ang aking naging katuwang habang nong akong nabubuhay pa.
Bago pa mahuli ang lahat, gusto ko lang sanang ipaabot mo ang sulat na to sa pamilya at kaibigan ko, imposible na rin kasi na ako pa ang magpa-abot dahil sa kalagayan ko ngayon. Pasensiya sa abala ah? Ito na ang sulat.
"Dad, maraming salamat. Nagpapasalamat ako dahil di ko inaakalang ipagkakatiwala mo sa 'kin ang pinaka iniingatan mong bagay, ang kompanya. Napakalaking responsibilidad ang ipinagkaloob mo sa 'kin. Pero dad, sorry. Sorry kung di ko na yon magagawa. Di ko kasi alam na mangyayari. Dad, sorry. Mahal na mahal ko kayo ni Mom."
"Mom, I love you. Kahit di niyo 'ko tunay na anak, pinaramdam niyo sa akin pano magmahal ang isang tunay na magulang. Mahal na mahal ko kayo ni Dad. Pasensiya nga pala Mom ah? Di kasi talaga ako interesado sa mga camera na yan. Alam mo naman ma, mahal na mahal ko ang musika. Pero ma, kung nandyan pa ako, susundin ko kayo. Kung nandyan pa ako, babawi ako sa kabutihang pinakita niyo sa sakin. Kung nandyan pa ako, gagawin ko lahat yan. Pero Mom, malayo na tayo. Pasensiya. Mahal na mahal kita Mom."
"Rheign, mamimiss kita. Alam mo naman kung gaano kita kagusto. Naiintidihan ko naman kung ba't di moko sinagot. Pero Rheign, in another life, please be my girl. I don't want to lose you again. Rheign, pasensiya kung di na ako nakapaghintay. Nong araw na sinabi mong hintayin kita, yun na pala ang huling araw na masasabi mo yun. Nong araw na sinabi kong mag-ingat ka, yun na pala ang huling araw na mayayakap kita. Hinigpitan ko pa sana. Promise. I'll come back. I love you."
"Eros! Ggo ka, bro! Mamimiss ko kakapalan ng mukha niyo! Tutugtog pa rin kayo ah? Yung bagong member, hasain niyo yon. Magaling yun! Nakikita ko nga ang sarili ko sa kanya eh. Gwapo na, magaling pa. Wag na wag niyong bubuwagin ang banda ah? Kung ayaw niyong sumunod dito sa 'kin. Pero oks lang, dito na tayo magkantahan. Ano? Tara? Susunduin ko na ba kayo? Biro lang. Bro, take care of the band. I'll miss all of you."
"Pa, namimiss na kita. Bakit ka raw umalis? Bakit ka pumunta sa abroad ulit? Pa, wag mo namang iwan sila kuya. Mahal na mahal ka nila eh. Alam kong mahirap mawalan ng mahal sa buhay pero pano naman sila? Pa, bumalik ka na. Naghihintay sila. Naghihintay ako. Pa, sa araw na darating, gusto kitang mayakap muli. Pero Pa, pasensiya dahil di ko na ata magagawa yon. Mahal na mahal ko kayo ni Mama, Pa."
"Ma, magkikita na tayo! Di pa man kita nakita kahit kailan pero alam kong ginagabayan mo kami araw-araw. Medyo nakakalungkot lang ang mga pangyayari, pero sa huli, magkakasama pa rin tayo. Gagabayan natin sila Papa at kuya dito ah? Hintayin moko diyan, Ma. Malapit na po ako. I love you, Ma."
"Tita? Di ko po kayo lubusang kilala pero salamat po sa pagiging isang nanay para sa 'king mga kapatid. Sana po maging matiwasay na ang buhay niyo. Alagaan niyo po si Papa, ah?"
"Nexus, bat mo ba kasi ginawa to? Ang daming tanong na kailangan ng sagot. Ang daming pangyayari ang nagdulot sa 'kin ng takot. Alam mo ba?! Galit ako sayo pero wala na akong magagawa. Tanggap ko na. Nexus, wag na wag mong sasaktan si Rheign. Mahal na mahal ko yon. Treat her right. Treat her better."
"Lexus, natutuwa akong nakilala kita. Natutuwa akong makita kang muli. Kahit wala na ako, ipagpatuloy mo ang gusto mo ah? Yung plano nating studio, gawin mo pa rin ah? Ang galing mo naman kasi talagang kumuha ng larawan. Alam kong magiging isang tanyag kang photographer. Tiwala lang. Lexus, pasensiya kung di ko nalaman agad. Ang dami na palang signs pero ang tanga ko na di yon pansinin. Sorry, Lexus. Bro, who would have thought that it would all start with just a click; with a camera; with that one shot?"
April 14, 2021
A day where all of them were wearing black. Di ko kayang makita ang malungkot nilang labi, ang luhang pumapatak at ang panghihinayang sa kanilang mga mukha.
Kung pwede ko lang sana silang yakapin muli, gagawin ko.
Kung pwede ko lang sanang ibalik ang kamay ng orasan, gagawin ko.
Kung pwede ko lang gawin to, gagawin ko.Pero hindi eh. Hindi na pwede.
Huling habilin ko lang. Yung camera ko, ibigay mo kay Lexus. Sabihin mo rin sa kanya na alagaan niya yan, mahal na mahal ko ang camerang yan at mahal na mahal ko rin ang kapatid ko.
Paalam.
Author's Note: This book will finally continue after a long hiatus.
Started: March, 2018
Finished: 2020

BINABASA MO ANG
That One Shot
Fiksi RemajaWhat if a simple click would lead you to love? What if a simple shot would cause your heart to beat once more? What if a camera would capture all your happiness with him? Would you take another shot with him? Would you? - ❝That One Shot❞