CHAPTER I: Happy Birthday

74 5 0
                                    

BRIX's POINT-OF-VIEW

"We keep this love in a-"

"Itigil mo na nga yan. Ang pangit ng kantang yan." Pagbubulalas ko nang marining kong kumanta si Eros ng kantang kinamumuhian ko. Kahit malamig dito sa music room, nag-iinit ako sa inis pag naririnig ko ang kantang yan.

"Chill dude. It's just a song. Hahaha." Nang-aasar na banggit niya.

Sa totoo lang kasi, kahit anong may konek sa camera o photography, labas ako diyan. Wala akong angking galing sa bagay na yan. Pero wala naman akong magawa kasi sina Dad ay may-ari ng isang malaking kompanya ng photographers, videographers and multi-media arts na nagpoproduce ng napakagandang outputs. Imagen Co., that's the name of the company. Sigurado akong narinig mo na rin yan dahil sobrang sikat ng mga studios nila dito sa bansa.

At ako, pagod nang makarinig ng kahit anong bagay tungkol sa Imagen Co. na yon.

Kasi ako, ang gusto ko lang ay tumugtog nang tumugtog nang tumugtog. Music is my passion. Malay ko ba, pero maiiintindihan niyo rin ako pag kayo ang nasa katayuan ko.

Maghapon kaming tumugtog ng mga kabanda ko. Naging kaibigan ko rin sila dahil sa music. Kaya nong nakilala ko sila, natuwa ako at bumuo agad kami ng banda.

"Tara tug-" Bigla nalang may tumawag sa telepono ko, si Mom. Lumabas muna ako sa Music Room para sagutin ang tawag.

"Hello, Brix?"

"Yes, mom?"

"May iniwan ako sa kwarto mo, anak. Pag uwi mo, tingnan mo nalang, ha? Pasensiya na. Medyo busy kami ni Dad mo. Alam mo naman, may Grand Opening kami dito sa Baguio. Baka sa Sabado pa kami makauwi."

"I understand, Mom. Ingat po kayo diyan ni Dad."

"Yes, anak. I love you."

"I love you too, Mom."

Medyo nakakalungkot kasi di ko alam na aalis pala sila ngayon, biglaan naman ata? Ngayon pa talaga na- ah basta.

Papasok na sana ako nang biglang may tumawag sa 'kin. Tumatakbo papunta sa gawi ko.

"Brix." Isang lalaking mula sa Department ko lang rin. Palagi ko tong nakikita eh.

"Yeah?"

"Lexus." Nakipagkamay siya at tinanggap ko naman.

Napangiti nalang ako kasi wala na akong masabi. Akmang tatalikod na sana ako pero muli niya kong tinawag.

"Brix."

Napalingon ako sa kanya. Kawawa naman to, parang buong araw akong hinanap.

"Always take care, bro." Wika niya.

Napangiti nalang ako. "I will." Sagot ko naman. Weird, but okay?

Pumasok na ako na Music room at yung mga kabanda ko? Naglilinis na! Mga kupal.

"Oh?! Akala ko tutugtog pa tayo? Mamaya na tayo umalis." Sabi ko naman sa kanila. Ito lang naman kasi ang magagawa ko.

"Brix, look at your watch."

"8:46 PM." Sagot ko.

"Exactly. Tara na."

Inakbayan na ako ng mga kupal at lumabas na kami sa Music Room.

Nang lumabas na kami sa Music Room, ramdam ang lamig ng simoy ng hangin. Idagdag mo pa tong mga mukhang cool kong kasama, sobrang ginaw na.

"Brix. Happy Birthday." Malaking ngiti ang puminta sa labi ni Eros nong sinasabi niya yan.

That One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon