Nagising ako nang may ngiti sa aking labi. Ang cute cute lang kasi ni Cloud. Ginising ba naman ako.
"Cloudie! Come to papa!" Sabi ko kay Cloud. Niyakap ko siya nang maihigpit. Ang cute talagang aso eh!
Pagkatapos kong magcute session kay Cloud. Agad na akong naligo at kumain. Kailangan ko kasing pumunta nang maaga sa campus para sa first subject ko. Basic Sciences. Pag umabsent pa ako don, malay ko nalang kung maiintindihan ko pa ang susunod na lesson.
Sumakay na ako sa sasakyan ko at pumunta na ako sa Campus.
Dali-dali akong pumanta sa building para hindi ako malate. Bukod kay Lester, puro future Engineers kami. Kaya magkasama kami sa core subjects. Bukod nalang sa specializations kasi don na kami nagkakahiwalay.
Bago mag-umpisa ang klase, nag-announce sa speaker namin na half day lang raw ang classes because we have to prepare for Campus Wave. Buti nalang at bibigyan kami ng oras. Kasi kung pwede ko lang hatiin katawan ko, gagawin ko. 1/4 para sa Click at 3/4 para sa banda.
Hindi ako tulad ng ibang mag-aaral na pag walang klase, party. Siyempre, gusto kong mag-LeaRN. Seryoso, ayoko namang sa pagtugtog ko lang ialay ang buhay ko. It's a passion that I have because it drives me away from reality. And this is the only memory I have with them.
Mabilis namang natapos ang half day classes kaya pumunta na agad ako sa music room para makapag-ensayo na. Sa bagay, sabi ni Lexus, tututuruan niya raw ako kung free time ko, eh hindi ako free ngayon eh kaya dito nalang muna ako.
Sinet-up ko na ang stage para pagdating nila, magsimula na agad kami. Ang problema kasi namin, minsan ay mabagal kaming kumilos kaya nasasayang ang oras. Buti nalang at mataas ang pasensiya ni Kiro, dahil kung hindi, wala na. Sabog na kaming banda.
"Gutom ka ba?" Pagpasok ni Lester sa music room nang mag-isa.
"Hindi mo sila kasama?" Tanong ko sa kanya.
"Brix... may nakikita ka bang 'di ko nakikita?" Lester.
"Oo... nasa likod mo." Sagot ko naman.
Tsk. Minsan parang may topak rin tong si Lester eh. Kaya natatakot rin kami sa kanya. Very unpredictable person. Pero kahit paano, very caring niya naman bilang kaibigan.
"Tsk. Kain ka na nga muna. Ito oh. Binili ko para sayo. Paborito mo." Sabay bigay ng container na may... LUMPIA!
"THANKS BRODA! You da best!" Sabi ko sa kanya. Sa totoo lang, kanina pa akong gutom. Hindi na ako kumain kaninang umaga eh. Dumiretso na ako dito sa campus.
"You da worst!" Sagot niya.
"Ay. Ganon?" Ako.
"Ito naman. Nagtatampo ka na agad. Akin na nga yang lumpia." Sabi niya.
"Di ka naman mabiro. Kakain na muna ako. Mukhang busog ka naman kaya ikaw nalang magpatuloy magset-up." Sabi ko sa kanya.
"Opo, Master." Tugon niya.
Kumain ako habang minamasdan siya. Napansin kong may pasa siya sa bisig. Tumayo ako at pinuntahan ko siya.
"Anong nangyari sa kamay mo? Patingin nga muna ako." Sabi ko sa kanya.
"Wala yan. Nadapa lang ako kahapon sa bahay. Di ko kasi napansin na may harang sa may kusina tapos ayon. Nadapa." Rason niya.
"Nadapa? Eh parang hinawakan yan nang mariin ah? Imposible namang nadapa ka kaya nangyari yan?" Sanbi ko sa kanya.
"Posible at nangyari na nga." Lester.
"Ano? Araw-araw kang nadadapa? Eh parang araw-araw may bago kang pasa sa katawan mo. 'Di mo man sabihin pero napapansin ko, Lester. Kung okay lang sayo, pwede mo bang sabihin?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
That One Shot
Ficção AdolescenteWhat if a simple click would lead you to love? What if a simple shot would cause your heart to beat once more? What if a camera would capture all your happiness with him? Would you take another shot with him? Would you? - ❝That One Shot❞