"Hi? Ikaw ba ang bagong lipat?" Tanong ng isang babae sakin.
"Opo. Hi!" Pagkaway ko sa kanya.
"Hello! Ako nga pala si Rheign. Siya naman si Lester." Pagpapakilala niya sa kanyang sarili at sa kanyang kaibigan.
"Ikaw? Anong pangalan mo?" Tanong niya.
"Mat-Brix. Brix ang pangalan ko." Nakalimutan ko. Bago na pala ang pangalan ko!
"Halika rito, Brix! Maglaro tayo!" Hinawakan niya ang kamay ko at umupo kami sa isang bench. Ito lang yung bench na hindi gaanong mainit dahil sa puno.
Nakangiti lang ako, pero Bester? Mukhang malungkot.
"Rheign. Ano nga ulit pangalan niya? Bester?" Tanong ko sa kanya. Di ko kasi natandaan eh.
"Lester! Hali ka nga dito! Ba't ka sad?" Tanong niya kay Lester.
"Hindi ako sad! Hmp!" Sabi niya at umalis agad siya.
Naglaro naman si Lester kasama ang iba pa niyang kaibigan. Maganda naman pala sa lugar na to!
Malapit lang kasi to sa school namin kaya pinayagan kami ni Teacher na pumunta dito at magplay!
"Bakit kayo lumipat dito, Brix?" Tanong ni Rheign sa akin.
"Ah! Kasi sabi ni Mom, mas maganda raw dito kaya lumipat na kami dito." Sagot ko naman.
"Tara! Play na tayo!" Rheign.
"Anong laro ba?" Tanong ko sa kanya.
"Bato! Bato! Pick! Tapos kung talo ka, kailangan mong sagutin ang tanong with honesty" Sabi ni Rheign.
"Sige ba!" Sagot ko.
"Bato! Bato! Pick!" Sabay naming sambit!
"Talo ka! Ako magtatanong sayo! San ka galing noon?" Tanong niya sa akin.
"Sa..."
Biglang nagbago ang paligid. Biglang nagbago ang lahat, pati ang mga kasama ko. Hindi ko alam kung bakit, pero nandito pa rin kami sa upuan.
"Rheign?" Tanong ko sa kanya.
"Uy. Di mo pa sinasagot yung tanong ko." Rheign.
"Ha? Anong tanong?" Ako.
"Sino ba yung babaeng nagugustuhan mo?" Tanong niya.
"Ano? Hindi ba ang tanong mo kanina ay..." Nagtataka ako sa sinasabi ko.
"Ano?" Muli niyang tanong.
"Wala, wala. Wala akong nagugustuhan." Sagot ko.
"Eh, pano si Lana?" Tanong niya.
"Kaibigan ko nga lang yon, 'di ba?" Sagot ko naman sa kanya.
"Oo nga at hinihintay ka niya." Sabi niya at tumuro sa tao taong nasa likod ko.
Si Lana.
"Brix? Tara na? Gawin na natin yung project." Sabi niya.
"Siya ba partner mo? Akala ko..." Sabi ni Rheign.
"Ah, oo! Siya ang partner ko, Rheign. Bakit?" Lana.
"Sorry, Lana. Si..." Di ko na natapos ang sasabihin ko sa kanya dahil inunahan na niya ako.
"Tara?" At naglakad na kami palayo kay Rheign.
Naglakad ako nang naglakad, inaakalang kasama ko pa rin si Lana. Pero mag-isa nalang pala ako.
BINABASA MO ANG
That One Shot
Dla nastolatkówWhat if a simple click would lead you to love? What if a simple shot would cause your heart to beat once more? What if a camera would capture all your happiness with him? Would you take another shot with him? Would you? - ❝That One Shot❞