Syempre, dahil sa nangyari kagabi, hindi pa rin ako mapakali. Baka mangyari ulit ang nangyari. Baka sugurin na naman si Lester ng mga inggit na g*gong yon! Hindi magawang maka-angat kaya binababa nalang ang estado ng iba. Ganon na ba talaga ang strategy ng mga tao ngayon? Nakakainis naman.
Nalaman nalang namin na hapon pa bubuksan ang campus dahil hinahanda pa rin raw ang mga facilities para sa Campus Wave. Sobrang laki siguro na event nito. Imagine, two big City-wide events, gaganapin sa Campus namin! Lakas, diba?!
Pero balik muna tayo kay Lester. Hindi pa rin namin nalalaman kung sino ang mokong na 'yon dahil tulog pa rin si Lester. 8:00 AM na pero mahimbing pa rin raw ang tulog niya. Napuruhan eh, kaya siguro gusto munang magpahinga.
"Kumusta lessons niyo kahapon?" Tanong ni Eros sa akin.
"Wala namang nagbago. Yung tinuro niya lang naman na di ko makalimutan eh ang meaning ng DSLR." Sagot ko.
"Aaaah. Double Single Love Real Story? Love story? Romeo save me?" Pagbibiro niya.
"Tsk. Pero may homework na agad na binigay sakin Speed lang." Sabi niya.
"Buti pa siya, speed lang. Eh, kayo? Walang progress." Sabi ni Reiver.
"Hindi naman sa wala, pero palayo lang nang palayo." Sagot ni Eros.
"Eh, may umeepal eh." Dagdag pa niya.
Tinitingnan ko nalang sila habang pina-uusapan nila ang buhay ko.
"Sino? Resbakan na ba namin?" Tanong ni Reiver.
"Yung nagtuturo sa kanya." Sagot ni Eros.
"Tadhana na yan, brad. Binigyan ka ng kaaway para magising ka sa katotohanang pwedeng maagaw sayo si Rheign in any given time." Sambit ni Kiro.
"Ah. Talaga?" Tanong ko.
"Talagang-talaga." Sagot ni Kiro.
"Mga hijo, gising na si Lester, pero masama pa rin ang pakiramdam niya. Sabi niya, mauna nalang muna kayo." Sabi ng kasambahay nila Lester.
"Pwede po ba namin siyang makausap?" Tanong ni Kiro.
"Pwede naman. Pumasok lang kayo sa kwarto niya." Kasambahay.
Inayos na namin ang aming mga higaan at pumasok na sa kwarto ni Lester.
"Lester? Okay ka na ba?" Tanong ni Kiro.
"Hindi pa gaano eh."
Halata sa boses niyang mabigat pa rin ang kanyang pakiramdam. Maraming pasa ang makikita sa balat niya.
"Pero mauna na muna kayo. Ako na ang bahala sa sarili ko." Lester.
"Sige, basta magpagaling ka muna. Wag ka munang pumunta sa rehearsals mamaya, okay?" Bilin ni Kiro.
"Yes, boss." Sagot ni Lester.
Nag-usap silang dalawa ni Reiver kaya lumabas na muna kami.
Lumabas na kami sa bahay nila Lester at pumasok na sasakyan ko.
"ANG INIT!" Reklamo ni Reiver.
"Hot ko kasi eh. Pasensiya." Sagot ni Eros.
"Hindi. Patikim yan kung san ka papunta." Sagot ni Kiro.
"Ano?" Tanong niya.
"Ang ibig kong sabihin, mainit kasi hot ang magiging kasintahan mo." Pagbibiro ni Kiro.
BINABASA MO ANG
That One Shot
Teen FictionWhat if a simple click would lead you to love? What if a simple shot would cause your heart to beat once more? What if a camera would capture all your happiness with him? Would you take another shot with him? Would you? - ❝That One Shot❞
