CHAPTER III: Lost What?!

17 1 0
                                        

"EROS! WAG!" Tumakbo ako sa gawi niya. Susuntukin na sana niya ang bintana ng driver's seat. Umiiyak siya. Napaupo siya sa semento, sa harap ng pinto driver's seat.

"Ano ba kasing nangyari? Bat ka ba kasi nagkaganyan?!" Tinulungan ko siyang makatayo. 

Hindi pa rin siya umiimik. Pinasok ko na siya sa backseat ng kotse niya at binigyan ko ng twalya na nasa box lang sa harap ng passenger's seat. 

"Ano muna kasi ang nangyari?" Tanong ko sa kanya.

"Dude. Naglayas na namin si Ate Thalia."

"Why? Nag-away na naman ba kayo?"

"We did. But I thought we're good. I guess not."

Natahimik ako nang di o alam anong sasabihin at gagawin. 

"Alam mo naman kung gaano siya ka-sensitive. She even tried to take her own life last time. Ayokong mangyari yun ulit. At ngayon, ako pa ang dahilan." 

"Let's go somewhere. Tatawagan ko sila para-" Sabi ko.

"Wag na." Sagot niya.

"Kami na nga lang dalawa. Iiwan niya pa ako." Natahimik nalang ako dahil di ko alam anong sasabihin.

"Babalik rin siya. Don't worry." Sabi ko naman.

Hindi na siya umimik. Si Eros, iniwan na ng kanilang mga magulang. Kaya sila nalang ng kanyang ate ang magkatuwang. Nakakalungkot mang isipin pero yon ang realidad para sa kanya. 

Kaya niya rin nahiligan ang musika, dahil ito lang ang paraan para matuwa siya. Tulad ko.

Pumunta na kasi sa Sherkey's para kumain. Kasing lungkot ng gabi si Eros. Di parin nawawala ang ulan. Parang nakakasabay rin.

Mahahalata pa rin ang lungkot ni Eros. Kaya sinubukan kong pagaanin ang nararamdaman niya.

"Alam mo, maswerte ang ate mo sayo." Sabi ko.

"Mas maswerte ako sa kanya. Napakalaking responsibilidad ang iniwan ni Mama at Papa sa kanya, at nagagawa niya ito nang maayos. Hindi niya ako iniwan."

"Ikaw na ang may sabing hindi ka niya iiwan, hindi ba? Magtiwala ka sa ate mo. Mahal ka non. Babalik siya." Ako.

"Sana nga." Sabi niya.

"Wag na muna natin 'tong pag-usapan. Ang banda, ang kanta. Yun muna ang pagtuunan natin ng pansin." Eros.

"Sige. Ano nga yung kantang pinag-usapan natin?" Ako.

"She Looks So Perfect. Sino ba tong perfect na to?" Tanong niya.

"Doesn't matter." Sagot ko naman.

TIningnan niya lang ako na para bang naghihintay ng sagot.

"Rheign." Sagot ko.

"Siya pa rin talaga?" Tanong niya.

"Ever since. Alam mo yan." Ako.

"Edi ligawan mo na siya," Siya.

"Sana nga ganon kadali yon." Sa totoo lang, sinubukan ko naman na talagang ligawan siya eh! Pero wala, parang hindi talaga kami pwede para sa isa't-isa. Ayaw kong mawala ang pagkakaibigan namin dahil lang sa gusto ko siya. Napaka-selfish naman non.

"Tsss. Di ba nakausap mo siya kanina don sa Click Booth?" Tanong niya.

"Oo. Di ko alam na sumasali na pala siya sa mga ganon. Matagal-tagal na rin kasi kaming di nag-usap. Medyo marami rin siyang iniisip." Ako.

That One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon