IV

1.6K 23 0
                                    

Den's POV

 

Days passed and busy siya kay Mika.Naku naku.Kailan kaya yung babawi siya?Hmp.Kaasar.

"Dunde.Bati na tayo"kanina pa 'to kulit ng kulit sa akin.Andito kaming lahat sa MOA.Gala-gala.After 2 days may laban kami sa La Salle eh.

"Dunde!Please?Bibili kita ng ice cream"hindi ko siya pinapansin at lakad lang ako ng lakad.Bahala siya diyan.Nafeel ko namang iniwan niya ako kaya naglakad-lakad na lang ulit ako.Tss.Akala ko pa naman hahabulin niya ako at hindi siya mapapagod.

"Ayan!Hindi papansinin tas pag wala na saka hahanapin"

 

"Aish.Para ka namang kabute Bebe Marge"

 

"Hihi.Anyare dun?"

 

"Malay ko.Bahala siya"

 

"LQ?Joke.Sige,puntahan ko si Jirah.Babye!"

 

Umalis na siya at ano pa nga ba?Naglakad-lakad na naman ako hanggang sa may makita akong hindi ko inaasahan.

Aly's POV

 

Habang sinusundan ko si Dunde eh biglang nahagip ng mata ko si Bebelab.Nakatalikod siya.Malapit na ako ng biglang lumapit si Kiefer sa kaniya.

"Mikang.Let's go"sinundan ko sila kahit na feeling ko sasabog na ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko.Nagpunta sila sa may skating rink at tinuruan niyang mag skating si Bebelab.Ang saya-saya nila.Lumayo ako ng konti at tinawagan si Bebelab.Medyo patapos na din naman kasi sila.

calling Mika...

>>Hello?

 

<<Bebelab,kita tayo sa may tabi ng skating rink.Isama mo si Kiefer.

 

Pagkatapos nun ay inendcall ko na.Sht lang.Agad naman silang dumating.

"Bebelab"yayakapin niya sana ako pero umiwas ako

"Kayo na?"tanong ko na siyang ikinagulat nilang dalawa.Halata naman eh.Magdedeny pa sila.

 

"Bebelab,sorry"ayan na,nag-umpisa nang mag-unahan sa pag-agos ang mga luha ko

"Aly.Sorry"

 

"Potek!Puro sorry na lang?Tss.Magsama kayong dalawa!"tumakbo na ako papunta sa parking lot

*beeeeeeeep*

 

Den's POV

 

"ALYYYYYYY!!!"sigaw ko at agad tumakbo sa kaniya para hilahin siya at nagpagulong-gulong kami at napunta sa isang open space.Itinulak ko siya at nakahiga kaming dalawa habang nakikita ang paglubog ng araw.

"S-s-salamat"umiiyak parin siya.Alam ko at nakita ko ang buong pangyayari.Masasaktan talaga siya,ilang years sila ni Mika and ganun ganun na lang yun?

"Hindi ko masasabing okay lang yan.Kasi hindi naman talaga okay.Iiyak mo lang.Andito lang ako"sabi ko sa kaniya,hinawakan niya ang kamay ko and it gives me chills

"Ang sakit.Ang sakit sakit.Hindi ko akalain na magagawa niya sa akin yun"

 

"Mahal na mahal ko siya------"sandali siyang natigil at pinunasan ang mga luha niya.Tapos biglang tumawa.Hala.Baliw na siya?

"Hoy,baliw ka na ba?"

 

"Naisip ko lang.Bakit pa ako mag-eemote kung kaya ko namang tanggapin at mag move on?Hindi man ganun kadali pero susubukan ko"hinila niya ako patayo

"Kaya mo yan.Andito lang ako"sabi ko tas bigla niya akong niyakap

"Tara.Let's enjoy this night!"sabay hila sa akin papasok ulit ng MoA.

Ibang-iba siya sa mga taong pagkatapos lokohin eh tatawa na lang at magsasaya.Parang ang dali lang mag move on para sa kaniya pero kung susumahin mo?Mahirap.Sobrang hirap at alam kong nahihirapan siya.

Iba ka,Alyssa.Ikaw na!

Dumiretso kami sa MoA at nangtrip ng mga tao.Loko 'to eh.

Magdadala ng gamit sa counter tas after mapunch eh hihilahin ako at tatakbo kaya kalaban namin mga guards.

Meron din namang bibili kami kunwari ng ice cream pero after nun eh tatakbuhan din namin.Tss.

At heto na!Aalis na kami ng MoA.Nagdrive na siya.Iniwan na kasi nila kami kaya kami na lang ni Aly.

"Aly,sana pag-alis natin sa MoA.Makalimutan mo na din yung sakit"sabi ko sa kaniya,ngumiti lang siya at tumango.Sana.Sana.Sana makalimutan mo na siya.At ibaling ang atensyon sa iba.

Her Gangster Side (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon