Chapter 2

159 14 0
                                    


Snowy Dyson

Pauwi na ako sa bahay namin. Excited na rin akong makita si Eva; ang stepsister ko, kaya habang nasa pintuan pa lang ako. Tinatawag ko na ang pangalan ni Eva.

"Eva!" sigaw ko. May pagka eskandalosa rin kasi ako minsan. Nakita ko naman siyang pababa sa hagdan. Nakangiti na siya at mukhang wala na ring hiya like me!

"Snowy!" she exclaimed. Niyakap niya ako kaagad. I hugged her back. Ang sarap pala sa feeling ng may kapatid.

Kumalas na kami sa aming sister hug. Inilagay ko muna ang bag ko sa may sofa at saka ko siya hinila papuntang kwarto ko, but before kaming makaakyat sa kwarto, pinigilan kami ni Tita Evelyn.

"Where are you going?" mala-reynang tanong nito. May bitbit siyang salamin. Nagpapaganda siya habang panaka-nakang tumitingin sa 'min.

"Sa kwarto ko lang po, Tita Evelyn," sagot ko naman.

"Hmm...not until you finish doing household chores," nakangising sabi nito.

Yettie! Hindi lang pala ako si Snow White, ako na rin pala si Cinderella! How dare her! Sabi ko na nga ba, makapal ang apog nitong stepmother ko, eh!

"Pero tuta! Ay este-Tita-" She cut me off.

"Maglinis ka; maglampaso ng sahig, maghugas ng pinggan at magpunas ng mga alikabok! Intiendez?" nakataas kilay na utos niya.

"Ma, may mga katulong naman sila," pagtatanggol ni Eva sa 'kin. Mabuti pa si Eva. Sigurado akong sa tatay niya siya nagmana.

"Huwag kang makialam, Eva. Pumasok ka na sa kwarto mo. At ikaw naman, Snowy maglinis ka! Wala ang daddy mo rito, kaya wala ka nang magagawa."

Waaah! I'm dead! Sinusumpa ko talagang nakilala ko ang bruhildang 'to. Sa dinami-dami ng jojowain ni Daddy nakabingwit pa siya ng mangkukulam. Tae!

"Opo," pagpayag ko na lang. Oops! Hindi pala ako marunong sa mga gawaing bahay! Yettie!

"Magaling. Magsimula ka na. Marami ka pang gagawin. Good luck."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon. Hinila niya na si Eva. Haist! Ang malas ko yata ngayon. Iniwan na nga ako ng nanay ko, pati ba naman 'yong Stepmother ko pagmamalupitan din ako? Wow! What a wonderful world... Note the sarcasm.

Nagsimula na akong mag-vacuum ng mga dumi sa sahig. Kakapagod! Lechenez!

Next stop ko naman ay ang pagpupunas ng mga gamit. Kung nandito lang sana si Daddy, hindi niya hahayaang mangyari iyo. Amplastic naman ni Evelyn. Pakitang-tao! Humanda siya kapag nagsumbong ako sa daddy ko! Not now but soon. Ayoko munang dagdagan ang stress ni daddy baka tuluyan na siyang mapanot dahil sa mga problema.

Time check: 7:45

Hindi pa rin ako tapos. Konti na lang naman ang lilinisin ko. Ngayon ko lang din napansin na may mga dumi na ang suot kong uniform. Hindi man lang ako nabigyan ng chance na makapagbihis. How cruel! Walang-awa si Stepmudrabels.

"Snowy!!!" dumadagundong ang boses na tawag niya sa 'kin. Sigurado akong 'pag narinig 'yon ng mga ibon, siguradong magsisiliparan sila.

Napilitan naman akong tumakbo papunta sa kanya.

"Napakawalang kwenta mo talaga! Paghuhugas lang ng pinggan hindi mo pa alam?!"

Tinuro-turo niya ang noo kong pwedi nang pag-landingan ng eroplano.

"Tita, hindi ko naman sinasadyang mabasag."

"Hindi mo sinasadya?! Ang sabihin mo, tanga ka lang talaga! Tanga! Tanga!"

Tinulak-tulak niya ako palabas ng bahay namin.

"Tita, maawa naman po kayo, hindi ko na uulitin. Please," pagmamakaawa ko. Ngunit parang wala lamang siyang narinig. Galit na galit ito.

"Lumayas ka! Layas!"

"Hindi mo magagawa sa 'kin 'to Tita! Anak ako ng may-ari ng bahay na 'to! Wala kang karapatang palayasin ako sa mismong pamamahay ko!" sigaw ko na rin.

Ang sama-sama talaga niya.

"Aba! Lumalaban ka na, huh? Tingnan natin ang tapang mo!"

Nanlaki ang mata ko nang makitang nilabas niya ang salamin niya. May mukha sa loob ng salamin. Nakakatakot! Mukha ko na puno ng dugo at galos! Daig ko pa ang sumali sa Halloween Special. Kinabog ko pa ang mukha ni Chuckie Doll!

"Waaaaaah!"

Tumakbo ako ng tumakbo! Paano nangyari 'yon? Totoong mangkukulam nga ba talaga si Evelyn?

Kailangang makalayo ako sa lugar na 'yon.

Nanginginig ako sa takot. Bakit naging gano'n ang mukha ko? Bakit nag-iba sa salamin? Napayakap ako sa katawan ko. Takbo lang ako ng takbo. Not minding wherever my feet would take me.

Hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon. Basta may nakikita akong kalsada na walang masyadong sasakyan. Feeling ko tambayan 'to ng mga rapist!

"Daddy..."

Nanlalamig na rin ako dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala man lang akong masilungan dito.

*Peeeeep

Nanlaki ang mata ko nang makita ang paparating na ten wheeler truck! Ang masaklap pa! May matandang babae na naglalakad sa kalsada! Siguradong masasagasaan siya!

Hindi na ako nagdalawang-isip na tulungan ang matanda. Tumakbo ako papalapit sa kanya at saka tinulak siya para hindi siya mahagip.

"Aaaaah!" sigaw ko. Napa-trampuling sa kabilang kalsada ang matanda. Samantalang ako naman ay na-plakda sa semento.

Na wow mali ako! Bigka kasing lumiko sa kabilang kalsada 'yong truck kanina.

Yettie! Kawawa 'yong matanda! Agad akong tumayo naman para tulungan ang matandang babae.

"Nay, ayos lang ho ba kayo?" tanong ko.

"Ikaw kaya ang magtrampuling, Ineng?" pamimilosopo niya sa 'kin.

Na speechless ako do'n ah!

"Huwag kang mag-alala. Ayos lang naman ako. Buti na lang at nag Flanax ako."

Eh? Baliw 'tong si Lola.

"Hanga ako sa iyong katapangan. Bilang ganti sa iyong pagligtas sa akin, bibigyan kita nitong mansanas."

May kinuha siyang mansanas sa kanyang bra. Yettie! Bakit sa bra niya inilagay?

"Lola, bakit sa loob ng bra niyo inilagay 'yang apple?" tanong ko.

"Para petmalu! Waley kasi akong boobs, Ineng," sabi niya with matching peace sign.

"Ah." Napatango na lang ako. Flat pala si Lola. It's a tie pala kaming dalawa.

"Pero lola, paano naman po kayo? Baka magutom ho kayo," sabi ko naman. Sa totoo lang gutom na nga rin talaga ako. Kaso baka walang makain si lola.

"Huwag kang mag-alala sa 'kin. Marami akong dalang pagkain. Food is life."

Hanga na talaga ako kay lola.

"Salamat po," pagpapasalamat ko.

Tinanggap ko na rin ang mansanas na iniaabot niya. Mukha namang malinis kahit galing sa bra niya. I have no choice! Gutom na ako. Aarte pa ba ako?

Isang kagat, balat lahat.

Kumagat pa ulit ako ng isa. Bakit may iba akong nararamdaman? Nahihilo ako. Inaantok ako. Nakita ko pa ang matamis na ngiti ng matandang babae, bago ako tuluyang nawalan ng malay.


-DreamVev

(Commander)

Snowy and the Seven Knights of ForestiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon