Snowy Dyson
PABALIK-BALIK si Daddy habang naglalakad sa harapan ko. Ewan ko ba kung bakit parang kinakabahan siya ngayon. This is not his usual self.
"Anak, may ipapakilala pala ako sa 'yo." Sa wakas ay nagsalita na rin siya.
Sino naman kaya ang ipapakilala sa 'kin ni Daddy? Waaah! Baka gwapo? Ay! Umandar na naman kahalayan ng utak ko. "Sino po?" tanong ko naman. Ngumiti lang si Daddy at saka nagkibit-balikat. Ay! May pa-suspense effect.
Naghintay lang kami ng mga ilang minuto.
"I think she's here!" biglang sigaw ni Daddy. Nakikita ko rin kung paano nagningning ang mga mata niya. Naging aligaga na rin siya. Ano kaya ang problema nito?
Nagmamadali siyang lumabas para siguro pagbuksan kung sino man ang bisita niya. Pagbalik niya, may kasama na itong babae na sa tantiya ako ay ka-edad lang niya. Lumapit ang babae sa gawi ko. At saka nagbeso sa 'kin. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.
"Snow, siya si Tita Evelyn mo. Sana magkasundo kayo," pagpapakilala ni Daddy.
What?! Malakas ang kutob ko na siya ang magiging stepmother ko. Pero, paano naman si Mommy? Ngayon ko lang din napansin ang babaeng nasa likod ni Evelyn. Nakayuko lang ito na para bang nahihiya. Kasing-edad ko lang ang babae. Maganda ito at hindi nagpapahuli sa katangkaran.
"Ahmmm...anong pangalan mo?" tanong ko sa babae.
"Eva, ang pangalan ko," sagot naman niya.
"Hi, ako nga pala si Snowy Dyson,"pagpapakilala ko naman. Hinila ko siya papunta sa kwarto ko. Matagal ko na rin kasing pangarap na magkaroon ng kapatid. Kaso iniwan na kami ni mommy. Hindi ko alam ang dahilan. Basta na lang siyang lumayas nang hindi nagpapaalam, kaya hindi na ako nasundan pa. Nagpaalam na ako kina Evelyn at kay Daddy.
"Eva, ito ang kwarto ko, pwedi tayong mag share dito kung gusto mo! May mga wonderpets collection din ako rito!" pagkukuwento ko sa kanya. Napakagat-labi lang siya at ngumiti ng bahagya.
"Huwag ka nang mahiya sa 'kin. Wala akong hiya, eh!" Natawa lang siya. Buti naman at parang nag lo-loosen up na rin siya.
"Gusto kitang maging kapatid, Eva. As you can see, wala akong kapatid. Malungkot ang mag-isa.”
"Gu--gusto rin kitang maging kapatid, Snow white," medyo nahihiyang sabi niya.
"Perfect! Simula ngayon magkapatid na tayo!" masiglang ani ko. Niyakap ko naman siya agad.
"Looks like, they are already good." Bumaling kami sa pintuan at nandoon sina Daddy at Tita Evelyn. Masayang nakatanaw sa 'min ni Eva.
"Snowy, anak, sila muna ang makakasama mo. May pupuntahan lang ako, aayusin ko lang 'yong business natin sa States."
Aalis si Daddy? Iiwan niya ako? Katulad lang din naman pala siya ni mommy.
"Don't worry, Princess. Babalik naman si Daddy, eh."
"Kailangan mo ba talagang umalis, Dad? Hindi ba puweding dito ka na lang?" malungkot na tanong ko.
"I have to go there, Princess. I'm sorry." Lumapit naman siya at saka hinalikan ako sa aking noo.
Yattie! Feeling ko lonely is the night na naman ang magiging themesong ko nito.
"Don't worry, Snowy. Kami na ang bahala sa 'yo habang wala ang Daddy mo," sulpot naman ni Evelyn. I smell something fishy. Parang hindi ko bet si Evelyn. Palagi kasing nakataas ang kilay nito pagdating sa akin. Tapos kapag kaharap si Dad, eh, ngingiti-ngiti.
"Thank you, Evelyn. I owe you for this," ani Daddy.
"Oh no, para ko na ring anak si Snowy. She's beautiful. Manang-mana sa 'yo, George."
Ala! Etchosera si mother! Galing mang-etchos, eh. Special skills mo ba 'yan?
"Ahmm...oo nga, kami na ang bahala sa 'yo, Snow."
"Thank you, sister!" I said. Mabuti na lang at nandiyan si Eva kahit na papaano.
~*~
"Uy! Langka!" sigaw ni Aurora. Ang best friend ko. Langka talaga ang call sign naming dalawa. Para unique!
"Langka!" sigaw ko rin pabalik. Patakbo siyang lumapit sa akin sabay yakap ng mahigpit. At hindi mawawala ang sakalan portion.
"Oh? Anong nangyari sa pakilala portion? Gwapo ba 'yong ipinakilala ng Daddy mo?" tanong niya. Ikinuwento ko kasi sa kanya ang tungkol do'n.
"Anong gwapo? Yattie! Na wews mali ako! Future mother in law ko pala ang ipapakilala niya! With my new sister!" Masigla ang boses ko sa sister na part.
"Uy! Nagseselos na ako huh! Ako lang dapat ang sister mo, eh!" parang bata niyang sabi.
"Tae ka! Sister pa rin kita. May dumagdag lang, 'noh! At saka love na love kaya kita!" pang-eetchos ko sa kanya.
"Aww... I love you, too!" she replied. Nagdesisyon na kaming pumasok na sa klase. Dapat mag-aral ng mabuti para sa economy!
Bigla namang sumakit ang ulo ko habang nag-le-lecture si Ma'am sa Math. Hindi Math ang dahilan ng pagsakit, ah. Basta, pakiramdam ko may masamang mangyayari. Masama ang kutob ko talaga. Hindi kaya! May Zombie na paparating?!
"Waaah!" naisigaw ko bigla.
"Zombie!" sigaw ko pa.
"Ms. Dyson! Can you please pay attention? Mukha ba akong zombie rito sa harap?" saway ni Ma'am Shiffon.
"Hahahahaha!" tawanan naman ng mga kaklase kong abnormal. Ako lang yata ang matino sa amin, eh! Charot!
"Sorry po, Ma'am," hingi ko ng paumanhin. Yattie! Nakakahiya! Okay lang 'yon. Maganda pa rin naman ako. That's for sure.
"Psstt...Langka..." sitsit ni Aurora sa 'kin.
Binalingan ko naman siya. At nagtanong ng bakit. "Anong zombie, pinagsasabi mo kanina?" pigil tawa niyang tanong.
"Wala. Sinapian lang ako ng kabaliwan ko," sagot ko naman sa kanya.
Nag-thumbs up lang siya at bumalik na sa pakikinig ng lesson. Nasabi ko na bang magaling siya sa Math? As in! Math genius ang langkang 'yan. Ako naman sa P.E lang magaling. At sa kabaliwan na rin. Pagkatapos ng klase namin ay nagpaalam na ako kay Aurora na mauna nang umuwi. Babawi na lang ako sa kanya bukas.
-DreamVev
SNOWY AND THE SEVEN KNIGHTS OF FORESTIA
is the new title!!!
BINABASA MO ANG
Snowy and the Seven Knights of Forestia
RastgeleTahimik at maayos ang buhay ni Snowy Dyson kung hindi lang ipinakilala sa kanya ng kanyang daddy ang madrasta niya. Dahil sa isang pangyayari ay napilitang umalis si Snowy. At natagpuan niya na lang ang sarili sa lugar kung saan may isdang nagsu-sw...