Chapter 5

46 2 0
                                    


Snowy Dyson

Nandito kami ngayon sa sala. Tahimik lang na nakaupo si Sanjeev. Hindi man lang niya tinanong kung ocakes lang ba ako o may galos ba ako. Muntik na akong maniwala sa sinabi ng batugan na si Shiro na si Sanjeev nga ang nagpapahanap sa beauty ko. Ni hindi nga ako tapunan ng tingin ni Sanjeev, e!

Napadako ang tingin ko kay Vernon, ayon tulog pa rin. Siya nga kasi ang Sleeping Handsome namin dito.

Si Jaybee nilalaro ang buhok ko, habang kinakausap ang mga kuto. Charot! Ako talaga 'yong kinakausap niya. Pero deadma ko lang siya. Wala kasing kwenta 'yong mga pinagsasabi niya.

Si Shiro, prenteng nakaupo lang sa silya niya. Batugan nga naman siyang tunay. Pero na appreciate ko ang pagtayo niya para lang tawagin ako. Hindi kasi gawain ng mga tamad iyon.

Si Dan, hawak niya ang kanyang mystery book. Para siyang si Shaggy na nagso-solved ng mga misteryo. Kulang na lang si Scooby.

Si Rojie naman, hawak 'yong libro niya. Nagulat na lang ako nang bigla niya itong yakapin at halik-halikan. Yettie! In that moment, parang gusto kong maging libro.

Si Axerdon, busy ka-ka macho dance sa harapan ko. Feeling ko nang-aakit talaga ang Playboy na 'to.

And lastly, si Sanjeev. Wala siyang ginagawa. Nakaupo lang siya at nagspe-space out. Malalim ang kanyang iniisip at para bang bitbit niya lahat ng problema sa mundo.

"Sanjeev?" tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa gawi ko. Napakunot ang kanyang noo. Hinihintay ang sunod na sasabihin ko.

"Ahmm..."  Yettie! Nakalimutan ko pa yata ang sasabihin ko. Bakit kasi ang gwafu niya?

"What?" walang emosyon niyang tanong. Nakaramdam naman ako ng takot. Kinabog pa kasi ng boses niya ang mukha ni Chuckie doll! Baritono ang boses niya. As in! lalakeng-lalake!

"May gusto lang sana akong itanong."

"Itatanong mo ba kung may girlfriend ako? Ang sagot, wala! Kaya pwedi ka pang manligaw!" sulpot ni Axerdon.

"Hindi! Itatanong mo ba kung ilang oras ako natutulog sa isang araw? Ang sagot, every minute, every second of the day, I dream of you in the most special way. You're beside me all the time," sulpot naman ni Vernon. Hindi ko namalayang gising na pala ang isang 'to. Tulog lang ito kanina, ah?

"Ang itatanong ni Snowy, kung anu-ano ang mga ginagawa ko. Ang sagot, tantarantantaran! Wala!" sulpot naman ni Shiro. Walang duda! Tamad nga siya.

"Hindi, ang itatanong talaga ni Snowy kung bakit ang cute ko! Ang sagot, hindi na-imbento ang salitang cute kung hindi ako ipinanganak!"

In fairness, feeler mode ngayon si Jaybee. Pagbigyan ko 'to. Ito na lang yata ang nagpapasaya sa kanya.

"Ang itatanong niya, kung paano mai-reresolba ang problema ni Shaggy at kung paano nakakapagsalita si Scooby gayung isa lamang siyang aso," salita naman ni Dan.

"Shut up, you six!" sigaw ni Sanjeev. Lahat naman sila parang naputol ang dila. Natahimik sila. Takot nga yata sila kay Sanjeev.

"You," baling ni Sanjeev sa akin.

"M—me?" turo ko sa dibdib ko.

Ay! Yettie! Wala nga pala akong dibdib.

"Yes, what's your question?" he asked.

"Ahmm...b—bakit may mga extraordinary creatures dito sa Forestia?" tanong ko.

Nagtataka ako kung bakit may talktative fish, may walking big trees, may dancing flowers at kung anu-ano pa. Anong klaseng lugar ba ang napuntahan ko? Pumapak lang ako ng apple, nagka-instant pitong gwapo na 'ko with magical creatures pa!

"Based on your quest--"

“Huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo, Roj! Kung ayaw mong dumanak ang dugo rito sa Forestia!” sabat ni Vernon.

"Forestia is not your typical place. May mga magical creatures na nandito. Ang paniniwala, Goddess Aranyani created this place. She is the Goddess of the Forest."
Si Rojie na ang nagpaliwanag. Alam ko naman kasing hindi pala-salita si Sanjeev.

"Nakita niyo na ba si Aranyani?" curious na tanong ko sa kanilang pito.

"Wala pang sinuman ang nakakita sa kanya. Based on my study, isa siyang napakagandang diyosa. Napapalibutan ng dahon ang kanyang suot. Kumikinang siya at may busilak na kalooban."

Parang na curious ako sa kanya. Gusto ko siyang makita. Pero paano?

"At saka, Snowy. Hindi rin naman siya nagpapakita. Sabi ng mga fairies, may isang nakakita sa kanya, pero 'yon nga, hindi namin alam kung totoo ba 'yon. O kung sino nga ba 'yon," salita naman ni Axerdon.

"She created this place for us to be safe at para na rin mapangalagaan ang mga exotic creatures na natitira sa mundo," Dan said.

"Hoy Vernon! Mag-contribute ka naman ng kuwento rito! Tulog ka lang nang tulog diyan!" biglang sigaw ni Shiro.

"Hiyang-hiya ako sa 'yo, Batugan!" sigaw ni Vernon pabalik.

"Sige na nga," sabi niya. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa gilid ko. "Meron kaming itinatagong kakaya--" Hindi na naituloy ni Vernon ang sasabihin niya sana kasi bigla siyang kinaltukan ni Jaybee.

"Tado! Ako magku-kuwento sa kanya no'n!" sigaw ni Jaybee.

"Oh, edi, ikaw na! Saksak mo sa baga mo 'yong kwento mong bulok! Makatulog na nga lang," inis na turan ni Vernon.

"Joke lang! Nandito kami dahil may mission kaming pito. As you can see, kaming pito lang ang gwapo rito. 'Di ba peeps?" sabi ni Vernon sabay taas pa nito ng kamay.

"Kami lang ang gwapo, 'di ka kasama sa budget!" panira ni Axerdon.

"Tae ka! Panira ka ng kwento!" sigaw nito pabalik kay Axerdon.

"Going back to the story, kami nga lang ang guwapo rit--"

Bigla siyang tinulak ni Jaybee. "Ako na nga! Puro ka gwapo!"

"So, ayon nga, Snowy. Lahat kami rito may special skills," dagdag pa ni Jaybee.

Special skills? Ano kaya ang mga 'yon? Excited na akong malaman!


-DreamVev

Snowy and the Seven Knights of ForestiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon