Snowy Dyson"Jaybee, ano na 'yong mga special skills niyo?" I asked excitedly.
Lumapit naman silang anim, except kay Sanjeev. Ang KJ talaga n’on.
"Ako na ang mauuna!" presenta ni Shiro the batugan. "Sige, ano ang special skills mo?" I asked.
"Kaya kong magmahal nang walang hinihintay na kapalit." Pagkatapos niyang sabihin iyon. Umiyak ito sa aking balikat.
"Hoy, Shiro!" saway ko. Nagulat kasi ako sa kanya.
"Tangina, Shiro! Para-paraan ka." Bigla siyang hinila ni Vernon palayo sa akin. Natumba naman ito sa upuan. Ayon, plakda siya.
"Ako, Snowy. May special skills din ako." Nawalan na yata ako nang gana sa special skills nila.
"Kaya kong matulog nang nakanganga at dilat ang mata!" sabi ni Vernon.
Hinila naman siya ni Dan the "mysterious one".
"Snowy! Ako kaya kong dalhin ka sa langit, kama lang ang gamit!" pahabol pa ng manyak na si Axerdon. Sabay-sabay siyang kinaltukan ng lima, maliban ulit kay Sanjeev.
"Gusto mong magka blackeye gamit lang ang kamay?" naiinis na sabi ni Shiro.
"Jerks!" sigaw ko sa isip ko.
"Totoong may skills kami, Snowy." Nilingon ko naman si Rojie. Ang pinakamatinong kausap sa kanilang pito.
"Anu-ano ang mga iyon?" tanong ko kay Rojie.
May kinuha siya sa loob ng kanyang pantalon. "Huy, anong gagawin mo?!" shock na tanong ko. Akmang bubuksan kasi sana niya ang zipper ng kanyang pantalon. Mukhang mababahiran pa yata ng makamundong bagay ang paningin ko.
"Don't worry, Snowy." Nanlaki ang mata ko. May kinuha siyang maliit na kulay itim na bagay sa kanyang zipper. Iwinasiwas niya iyon. Biglang naging mahaba iyon at naging latigo! Napanganga ako sa nangyari. Paano ginawa ni Rojie iyon?
"Boo!"
"Pasikat si Nerd!"
"Asus! Wala 'yang werpa niyang galing sa bulok niyang brief!" sigaw ng mga siraulo.
"Tingnan mo ito, Snowy." This time si Vernon naman ang lumapit.
Pumunta siya sa likuran ko at tinakpan niya muna ang aking tenga gamit ang kamay niya bago sumigaw nang malakas.
"Aaaaaah!"
Sa sobrang lakas n'on nagsiliparan ang mga gamit. Nagmistulang nasalanta ng bagyo ang buong sala.
"Bwiset ka, Vernon! Ikaw magligpit niyan!" reklamo ng batugan na si Shiro.
"Para kang baklang nasigaw!" komento naman ni Axerdon kay Vernon.
Hindi talaga sila supportive pagdating sa isa't isa. Tested and proven ko na.
Si Dan naman ay nagpapalutang ng mga bagay gamit ang kanyang isip.
Si Jaybee, mayroong shield. Gamit nito ang maliit na kawali tapos iyon ang pansangga niya.
Si Axerdon naman ay may kakayahang kontrolin ang apoy. Hot daw kasi siya. Kaya niya raw magpaliyab ng bahay gamit lang ang hotness niya. Akala ko nga, ipo-ipo talaga ang power niya, eh! Masyado kasing mahangin.
"Eh, ano naman 'yong kay Prince Sanjeev?" tanong ko.
"Siya ang magiting na mandirigma ng Forestia. Ang pinakamalakas sa aming pito," paliwanag ni Rojie.
BINABASA MO ANG
Snowy and the Seven Knights of Forestia
RandomTahimik at maayos ang buhay ni Snowy Dyson kung hindi lang ipinakilala sa kanya ng kanyang daddy ang madrasta niya. Dahil sa isang pangyayari ay napilitang umalis si Snowy. At natagpuan niya na lang ang sarili sa lugar kung saan may isdang nagsu-sw...