"Siya 'yung crush mo diba?" Stephanie asked.
Napatingin ako sa tinitignan niya. He's looking at Rush. Napansin ko na sa akin na siya nakatingin pagkayari niya tumingin kay Rush kaya tumingin na rin ako sa kanya. It's like she's waiting for my answer.
I gave her a sweet smile.
Nandito kami ngayon sa Gym. Kayayari lang kasi namin magsulat nang Feature Writing. Hinihintay namin 'yong iba pa naming kaklase na hindi pa yari magsulat. Kaya naisipan namin manuod muna nang mga naglalaro dito sa Gym.
"You're not answering my question, Skylar. Why? Am I right or am I right? " Napatawa ako sa tanong ni Steph.
Hindi ko alam kung bakit tinatanong niya pa sa akin yon. E matagal naman na nilang alam yon ni Ysabella,bestfriend ko rin. Wala pa siya rito dahil nagsusulat pa siya nang Sports Writing.
" Yes,he is." Maikling sagot ko habang nakangiti.
Yes, he is my crush. Rush Vincent Ford. A Grade 12 STEM Student, volleyball player and very well known. He is one of the heartthrob in our campus. Marami ang nagkakagusto rito at isa na ako doon. But I have a limitations. Kapag crush lang, crush lang. Bawal lumagpas doon. Dahil kapag lumagpas doon ako lang ang masasaktan.
Hindi na rin naman ako umaasa na mapapansin niya. It's not what you think. Maraming nagsasabi na maganda ako pero hindi naman lahat ng maganda ay nagugustuhan ng gusto nila. Right? Masaya na ko na magkagusto sa kanya mula sa malayo.
"Why don't you confess your feelings for him? "
"Sira ka ba? " Natatawang tanong ko kay Steph.Pero hindi siya tumawa kagaya ko kaya alam ko na seryoso siya.
Umayos ako nang upo at muling tumingin kay Rush. "Because it is not that easy, Steph. He's famous. Kilala siya nang lahat. Ako? I'm just a simple girl. " Natawa ako sa huling sinabi ko. "At ang pag-amin ng nararamdaman ay hindi gaya ng pagkain na basta basta mo na lang isusubo. "
"First of all, ano naman kung simpleng babae ka? There's nothing wrong with that. Second,hindi pagkain si Rush. Third, aamin ka lang naman. Walang masama don. And the last one, balik ka sa third. " Steph.
Umiling ako. "Hindi pa rin madali, Steph. And he's not the one for me though."
Nakakatuwa si Steph. Lahat kasi ng bagay sa kanya ay positibo. Kahit gaano pa yan kaimposible,para sa kanya ay posible. 'Walang imposible!' Ayan ang lagi niyang sinasabi sa amin.
"You're just going to---"
"Mygosh! "
Hindi na naituloy ni Steph ang sasabihin niya dahil biglang sumulpot si Bella. Nginitian ko na lang si Steph.
"Kamusta?Yari na ba kayo? " I asked
"Hindi pa! Kailangan pa naming mag interview ng isang player tapos babalik kami ulit doon para magsulat. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana sa inyo na lang ako sumama. Edi sana yari na rin ako! Nakakainis! I'm so tired. "
"Ano pa ba ang gagawin niyo? " Tanong ko ulit.
Ipinakita niya sa amin ang hawak niyang papel na may nakasulat na isang tanong.
"Patingin! " Steph
Ibinigay naman ni Bella iyon kay Steph. Tumabi sakin si Bella at sumandal sa balikat ko. Mukhang pagod na talaga ang utak niya. I looked around. Lahat ng kasama ni Bella ay nagsisimula na mag interview. Napansin ni Bella na doon rin ako nakatingin. Umayos ito ng upo.
"Skylar?Can you do me a favor, please? "
Napatingin ako sa pagod na kaibigan ko. Tumango ako at ngumiti. Matitiis ko ba naman siya. "Sure. What is it? "
YOU ARE READING
If You're Not The One
Teen Fiction"Even if you're not the one for me...I still want you to be my the one. " - Written by: Shy Aquino