"Guys? I have bad news and good news. " Steph said pagkapasok ng room. Gusto kong matawa dahil bigla na lang siya pumunta sa harap at nagsalita.
Umayos naman ang mga kaklase ko at nakinig kay Steph. By the way, Steph is our class president.
"Ano gusto niyo unahin ko? Good or bad new? " She asked us.
"Syempre do'n na tayo sa good! "Sigaw ni Joshua. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko at sumang-ayon sa kanya.
"Okay sige sa good news tayo. " Medyo natatawang sabi ni Steph. "The Seniors Night will be held next month... August 22 to be exact. "
"Ha? Seniors Night? "
"Bakit ang aga naman? "
"Oo nga? "
"Diba dapat next year pa 'yon? "
"Okay lang 'yon, Guys! "
"Mas maaga, mas masaya! "
Napuno ng ingay ang room namin dahil sa mga opinyon ng classmates ko. Nanatili naman kaming tahimik ni Bella at hinihintay ang susunod na sasabihin ni Steph.
Every year kasi t'wing malapit na ang recognition tska lang gaganapin ang mga gan'on. Maybe February or March. Pero nagbago na siguro ngayon dahil Seniors na kami. Hindi na rin siguro namin kasabay ang Juniors dahil nga nakahiwalay na kami sa kanila.
"Shut up, Guys! We can't do anything about it. Sa ayaw at gusto niyo tuloy na raw next month ang Seniors Night. Just prepare yourself." then Steph smiled.
"E ano naman 'yong bad news? " this time si Yesha naman ang nagtanong.
"Ayon na rin!Diba bad and good naman 'yon? " Natatawang sabi ni Steph bago pumunta sa tabi namin.
Natawa na lang din ang mga kaklase ko."Siraulo ka talaga! " natatawang sabi naman ni Bella.
"Bad news naman kasi para sa'kin 'yon. Diba nga wala si Mommy? Walang mag-aayos sa'kin. Sa gown din pa'no diba? " Nakasimangot na sabi ni Steph.
Nasa business trip kasi ang Mama ni Steph. 3 months do'n ang Mama niya and sa September pa ang uwi nito.
"Pwede naman tayo sabay bumili ng gown e." Nakangitin sabi ni Bella. "Diba Skylar? "
Ngumiti naman ako at tumango. "May kakilala rin si Mama na pwedeng mag-ayos sa'tin. "
Ngumiti na rin si Steph. Maya maya lang din ay dumating na ang teacher namin, si Miss Sanchez. Binati niya kami at binati rin namin siya.
"Get one yellow pad of paper. "
"Miss? "
"Po? Bakit?"
"May test po? "
"Pero wala naman po kayong sinabi Miss na may test. "
Tanong ng mga kaklase ko. Kahit ako ay nagulat din at gusto mag react pero nanatili na lang akong tahimik. Wala naman siya kasing sinabi na magtetest kami ngayon kaya halos lahat kami ay nagulat.
"Hindi naman kasi test ang gagawin nyo. Short quiz lang. At kung nakinig talaga kayo sa mga lesson natin this past few days kaya niyong sagutan 'to. So maglabas na kayo ng papel. "
Marami pa rin ang nagreklamo pero hindi na ito pinansin ni Miss Sanchez. Kaya wala kaming choice kung hindi ang maglabas ng papel. Nawalan ako sa mood kaya nanghingi na lang ako ng papel kay Bella. Nakapalumbaba ako habang hinihintay na mag-umpisa 'yong quiz.
"Number one... "
Hanggang sa nayari. Mabuti na lang at natandaan ko 'yong iba. Pero halos sumakit ang ulo ko kakaisip sa mga hindi ko alam. Buti na lang ay nandya'n si Steph at Bella. Hindi rin naman kami napansin ni Miss Sanchez. Minsan, hindi ko alam kung aware ba 'yong mga teacher na nagkokopyahan ang mga students niya or alam nila pero hinahayaan na lang nila tayo kasi alam nila ang pakiramdam na 'yon. Dahil napagdaanan din nila.
YOU ARE READING
If You're Not The One
Teen Fiction"Even if you're not the one for me...I still want you to be my the one. " - Written by: Shy Aquino