Halos hindi ako makatulog kagabi. Siguro dahil sa kakaisip. Hindi ko naman kasi talaga inisip na mag rereply siya. Hindi na rin naman siya nakapag reply kagabi ulit. Hindi ko na alam kung bakit. Sinabi ko na okay lang dahil naintindihan naman namin. Pero hindi na ako nakatanggap ng reply.
"Ma, nakauwi na po sila? "Bungad ko kay Mama pagkababa ko galing sa kusina.Pagkagising ko kasi ay wala na rito sila Steph at Bella. Maaga silang umuwi para makapag gayak din papasok.
"Oo. Pinapasabi na lang na umuwi na sila. Sige na,kumain ka na. " Sabi ni Mama habang hinahanda 'yong kakainin ko.
Umupo ako sa upuan at sinimulan kumain. Binilisan ko kumain dahil kailangan maaga kami pumasok. Dahil ngayon gaganapin 'yong botohan para sa magiging mga officers ng Seniors ngayon. Sumali kasi kami nila Bella at Steph sa comelec. Kami ang mag-aayos ng mga boto.
"Ma, alis na po ako! " Humalik ako sa pisngi ni Mama at lumabas.
"Oh konti pa lang nakakain mo! " Narinig kong sigaw ni Mama.
"Busog na po ako! " Sigaw ko rin pabalik.
Pagdating ko sa school ay dumiretso na ako sa office dahil 'yon ang sabi sa amin.
"Skylar! Here!" Narinig kong sigaw ni Bella pagkapasok ko ng office. Nasa gawing dulo sila ni Steph nakaupo. Pumunta ko do'n at umupo sa tabi ni Steph.Itong Room na 'to ay ginawang office para sa mga officers ng school.
"Andito na ba lahat ng kasali sa comelec? " I asked. Pakiramdam ko kasi ako na lang ang wala dahil parang kumpleto na kami.
Kaunti lang ang comelec ngayong taon. Dahil mga Seniors lang naman ang boboto. Hindi kasali ang mga Juniors dahil nakahiwalay na kami sa kanila. May five strand lang ang mayroon dito sa school namin. Ilan lang din ang section. Ito ang mga strand.STEM, nandito ang mga gustong mag engineer,doctors at iba pa. ABM,dito naman ang mga magagaling sa math. Dito 'yong mga taong gustong magkaroon ng business. Mga taong magagaling sa business. GAS, sa strand naman na 'to ay ang mga undecided. Pero pwede rin ang education sa strand na ito.TECH VOC, ang mga course dito ay cookery, welding at iba pa. At ang HUMSS na kinakabilangan namin. Sa strand na 'to ay ang mga gusto namang mag teacher, lawyer, psychologist at iba.Gusto ko maging isang guro kaya nandito ako sa strand na 'to.
"Oo yata? Bago ka kasing dumating sabi ni Eya five minutes na lang before magstart. " Napalingon ako kay Steph ng magsalita siya. Si Eya,siya ang president ng Seniors. Pero mapapalitan na siya dahil magtatapos na sila next year.
Maya maya lang ay pumasok na nga si Eya na may hawak na notebook.
"Good morning.So before we start,ididiscuss ko muna ang mga dapat gawin. " Inilapag ni Eya ang hawak niyang notebook sa lamesa sa tabi niya. May kinuha siyang kalahati ng bond paper na may mga guhit. "Eto ang ibibigay niyo sa mga students. Dito nila isusulat ang mga iboboto nila. Make sure na may pirma nila sa baba, okay? " Sumagot ang lahat pero tumango lang ako. Sunod niyang kinuha ay ang box. Doon ilalagay ang mga papel na ginamit ng students kapag nakaboto na. May isang bond paper din para sa attendance ng mga students na boboto.
Naipaliwanag na niya ang mga gagawin. Sunod niyang sinabi ay mga magkakasama sa room. Nalaman ko na hindi pwede mamili ng kasama dahil naayos na raw niya 'yon. Boys and girls ang magkasama. Sino kaya yung kapartner ko?
Paunti-unti na ang tao sa room dahil kapag nababanggit ang pangalan nila ay umaalis na sila.
"Shiela and Eric, sa GAS Apple kayo." Eya said then inabot kay Eric 'yong mga gagamitin.
"Stephanie and Sean, STEM Pineapple ."
"Isabella and Kenji, HUMSS Blue berry. "
Hindi muna tumayo sila Steph and Bella dahil magkakasunod lang naman kami.
"Oh bakit may bura dito? " Eya asked herself.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong bura?
"Next is Samantha and Drei, TECH VOC Orange. "
Nang hindi nabanggit ang pangalan ko ay tumayo na silang dalawa dahil naghihintay na 'yong partner nila sa labas.
"Bakit di pa natatawag pangalan mo? " Tanong ni Steph habang tumatayo sa upuan niya. "Nagpalista ka naman diba? " Dagdag pa niya.
Naguguluhan naman akong tumango. Sabay kaming tatlo na nagpalista. Ako pa nga ang nagsabi kay Eya na sasali kami sa Comelec.
"Mauna na kami. Hintayin mo na lang. "
Tumango na lang ako at ginawa 'yong sinabi niya. Hanggang sa ako na lang ang natira. Lumapit na agad ako kay Eya na nakatingin sa notebook niya.
"Eya,hindi ba ko nakalista? " I asker her.
She looked at me with her confused eyes. "Nakalista. Nagtataka lang ako bakit ka napunta sa pinakalast? Ang pagkakatanda ko kasi ay magkakasunod kayo nila Steph. "
Tumango ako."Kaya nga e. Sino partner ko? "
Inabot niya sa akin 'yong mga gamit. Hindi ko na pinansin 'yong tingin niya at hinihintay na lang na sabihin niya kung sino 'yong partner ko.
Huminga siya ng malalim. "Si Rush. "
Napahawak ako ng mahigpit sa hawak kong gamit.
Si Rush? Paano?!
"Late na ba ko?" Napalingon kami ni Eya sa kakapasok lang na si Rush. Nakatingin siya sa buong room na wala ng tao. "Late na nga. " Mahina niyang sabi na sapat lang para marinig namin ni Eya habang nakahawak sa batok.
Shit! Ang cute niya!
Umiwas ako ng tingin ng dumapo ang tingin niya sa amin. Lumapit si Rush papunta sa amin.
"Rush pinakialam mo ba 'tong notebook ko? " Tanong ni Eya.
Napatingin ako kay Eya. Hindi kaya... pero hindi. Imposible naman na siya ang nagbura ng pangalan ko. Kaya napunta ako sa huli. Kung sakali man,si Drei sana ang kapartner ko at siya naman ay si Samantha.
"Bakit ko papakialaman yang notebook mo? " Tanong rin ni Rush.
Bumagsak ang balikat ko. Sabi na e, imposible.
"Hay sige! Sa HUMSS Strawberry kayong dalawa. Dalian niyo at late na kayo! " Pagkasabi ni Eya ay naglakad na siya palabas.
Gusto ko sana siya pigilan pero hindi ko pwede gawin 'yon. Ngayon kami na lang dalawa ni Rush ang naiwan dito sa office.
"Hi Partner! " Dahan dahan akong lumingon kay Rush. Nakangiti siya.
Shit! I don't know what to do. Bakit niyo kami iniwan dito sa office?
Tumango ako at ngumuti na lang para hindi masyadong halata.
"Uhm... let's go? " Sabi ko at tumingin sa pinto bago ulit tumingin sa kanya.
He chuckled. Kinuha niya 'yong hawak kong gamit. "Ako na maghahawak nito,Partner."
At nauna na siya lumabas habang ako ay naiwan pa rin sa office.
This is crazy! Skylar, umayos ka please!
YOU ARE READING
If You're Not The One
Novela Juvenil"Even if you're not the one for me...I still want you to be my the one. " - Written by: Shy Aquino