"Sorry nga pala hindi na ko nakapagreply kagabi. " Rush said.
Naglalakad kami ngayon sa pathway papunta sa building ng Seniors. Buti na lang sa 1st floor lang ang room ng HUMSS Strawberry. Hindi na namin kailangan umakyat pa dahil hanggang 4th floor ito.
"Okay lang. Nakatulog na rin naman agad ako. " I lied. Dahil naghintay ako sa irereply niya kagabi. Hindi ko ng alam kung ilang oras akong nakatingin sa reply ko e. Nakatulog na sila Steph at Bella pero ako naghihintay pa rin.
"Section mo 'yon pupuntahan natin diba? " Napalingon ako sa tanong niya.
Oo nga pala. Nakalimutan ko na 'yong section namin 'yon dahil sa kanya.
"Ah oo. " Medyo natatawa kong sabi. Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o fake.
He smiled. "Wag kang mahiya sa'kin, Skye. "
Umiwas ako ng tingin. Skye? Gusto kong tanungin kung bakit 'yon ang tawag niya sa'kin.
"Hindi ako nahihiya!" What a liar!
"Okay sabi mo e" Natatawang sabi niya at ginulo ang buhok ko.
Napanganga ako dahil do'n at halos maiwan na niya ako sa paglalakad dahil bumagal ang lakad ko. Nakatingin lang ako sa kanya. He's taller than me. Siguro hanggang dibdib lang niya ako or balikat. Mabait rin siya sa lahat. Maybe that's one of the reason why I like him.
"Partner, bilisan mo! " Tawag niya sa akin kaya tumakbo na ako palapit sa kanya.
"Ang liit mo kasi kaya ang tagal mo. " Natatawang sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya. 'Yong ngiting labas lahat ngipin niya, 'yong ngiting lalong nagpapacute sa kanya. His smile. It is my favorite.
Pagdating namin sa room namin ay nagtuturo si Miss Dela Cruz. Nagkatinginan kami. Pero ako ang agad umiwas. Hindi ko talaga kaya ang makipagtitigan sa kanya ng matagal. May nabasa ako sa isang page, gan'on daw talaga kapag gusto mo ang isang tao.
"Ako na. " He said bago lumapit sa pintuan. "Good morning,Miss. Kami po 'yong pinadalang comelec sa section na 'to. "
"Sige pumasok na kayo Mr.Ford. " Tumayo siya sa upuan niya at pinapasok kami.
"Oh Ms.Anderson, kayo pala ang magkasama nitong si Mr.Ford. " Sabi ni Miss Dela Cruz pagkapasok ko.
"Ayieeee! " Biro ng mga kaklase ko.
Sinamaan ko sila ng tingin. Hindi naman nila alam na gusto ko si Rush kaya hindi ko alam kung bakit gumaganyan sila. Mga mema din e.
Napatingin ako kay Rush na nakatingin na pala sa'kin. He's smiling again. Can you stop, Rush?
Napailing na lang ako at ipinaliwanag sa mga kaklase ko kung ano 'yong gagawin. Habang si Rush naman ang nagsusulat ng mga pangalan sa white board na iboboto ng mga students.
"Maliwanag ba, guys? Dapat alam niyo na 'to kasi since elementary pa lang ay ginagawa na natin 'to."
Sumagot naman sila. Inumpisahan ko na sila bigyan ng mga papel na pagsusulatan ng boto nila.
"Uy bagay kayo ni Rush" Joana said
"Kaya nga! Hay Fafa Rush,ang gwapo mo talaga! " Kinikilig na sabi naman ni Ica habang nakatingin kay Rush.
Napalingon naman ako kay Rush na nakasandal sa may gilid ng pinto. Yari na pala siya magsulat.Parang babae rin pala kung magsulat 'to.
Nanlaki ang mata ko nang tumingin si Rush sa gawi namin. Umiwas ako agad ng tingin.
"Nakita namin 'yon! "
"Kinikilig ako! Feeling ko ako tinignan niya! Wieeeh! "
"Tumigil nga kayong dalawa. Nakakahiya kayo ah! " Mahinang bawal ko sa kanila.
YOU ARE READING
If You're Not The One
Teen Fiction"Even if you're not the one for me...I still want you to be my the one. " - Written by: Shy Aquino