Chapter 4

11 1 0
                                    

"Good morning, Mama!" Masayang bati ko kay Mama bago humalik sa kanyang pisngi.

Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng lamesa. Kinuha ko rin ang hawak niyang ulam dahil hindi na siya nakaalis sa kanyang pwesto. Akala ko may ginagawa siya pero nang mapatingin ako ay naguguluhan siyang nakatingin sa'kin.

Lumapit ako sa may salamin namin dito sa kusina. Wala namang dumi 'yong mukha ko. Pero bakit gan'on na lang kung makatingin si Mama?

"Are you okay, Ma? Bakit po ganyan kayo makatingin? "

"Ako dapat nagtatanong sayo niyan. Okay ka lang ba,Quinn?" Mama.

Naguguluhan akong tumingin kay Mama. Of course!I'm okay. Bakit naman ako hindi magiging okay? Ang sarap nga ng tulog ko kagabi e.

"Opo naman. Bakit niyo po natanong? "Tanong ko habang umuupo.

"Para kasing ang saya saya mo. Nakakapanibago lang. " Mama

"Lagi naman po akong masaya, Ma. "
I said.

"Pero iba ngayon e. Parang may something. " Mama

Actually, sinabi rin sa'kin kahapon nila Steph at Bella 'yon. Parang nagbago raw ang mood ko. Hindi ko 'yon pinansin because I know to myself na that's normal. Pero naisip ko rin, maybe it's because of Rush. Kahit ilang oras o minuto lang kaming magkasama kahapon. Sobrang sarap sa pakiramdam. Ang saya ko kasi nakasama ko siya.

"Alam mo,Ma? Gutom lang po 'yan." sabi ko at nilagyan ng pagkain yung plato niya. "Ayan... kumain ka na lang po. "

Pagkayari namin kumain ay nagpaalam na agad ako kay Mama na papasok na ko. Paglabas ko nang bahay ay walang nakaparadang tricycle. Siguro dahil masyadong maaga pa. Kaya no choice ako kung hindi ang maglakad hanggang kanto. Bago ako maglakad ay kinuha ko ang cellphone ko at isinaksak 'yong earphones. Nakatodo rin ang volume. Nabasa ko dati sa page, na when you're not in the mood or what so ever. Just put your earphones in your ears then music on. You'll feel like you're in a another world. Kaya kapag may problema ako gan'on ang ginagawa ko. At kumakalma naman ako.

Pero trip ko lang talaga ngayon. Inumpisahan ko na maglakad kasabay ng pagplay ng music sa tainga ko.

"I don't know
But I think I may be fallin' for you
Dropping so quickly
Maybe I should keep this to myself
Waiting 'til I know you better
I am trying, not to tell you
But I want to,
I'm scared of what you'll say
And so I'm hiding what I'm feeling"

Mahinang sinasabayan ko pa 'yong kanta habang naglalakad. After few minutes ay nakarating na ko sa kanto. Tumayo ako sa gilid at naghintay ng tricycle.

"I've been spending all my time
Just thinking about ya
I don't know what to do
I think I'm fallin' for you
I've been waiting all my life
And now I found ya
I don't know what to do
I think I'm fallin' for you
I'm fallin' for you"

"I'm fallin' for you... " Sabay ko sa dulo. Nagulat ako nang maramdaman kong may humawak ng ulo ko at ginulo ang buhok ko.Agad akong napalingon para tignan kung sino 'yon. Bumungad sa'kin ang nakangiting si Rush.

"As I'm standing here
And you hold my hand
Pull me towards you
And we start to dance
All around us
I see nobody
Here in silence
It's just you and me"

Inalis ko 'yong earphones sa tainga ko.
Napalingon ako sa pinanggalingan ko. Anong ginagawa ni Rush dito?

"Kanina pa kita tinatawag e. " Sabi ni Rush. Tumingin siya sa kalsada pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. "Kaya lumapit na ko. " dagdag pa niya.

If You're Not The OneWhere stories live. Discover now