Friday night, magkausap kami ni Rush sa messenger. We talked about random things. Hindi kami naubusan ng pag-uusapan dahil ang daldal din niya. And it's so weird for me dahil minsan namamalayan ko na lang na nakangiti na pala ako. Minsan kasi kapag may kausap ako sa phone ay walang reaction ang mukha ko. Kahit nagtype na ko ng "HAHAHA". Tatawa lang ako or ngingiti kapag nakakatawa ang pinag-uusapan namin ng kausap ko. But with Rush, I found myself smiling earlier when he asked me if I'm okay. Siguro nga gano'n yon kapag gusto mo ang isang tao.
Narinig ko ang pangalan ko na tinatawag ni Mama sa baba.
"Quinn, kain na tayo! "
"Opo bababa na. " sigaw ko rin pabalik.
I was typing a message for him nang biglang lumabas ang bagong message niya.
Pwede bang kunin ko number mo? Para mas makapag-usap tayo ng maayos.
Halos mabitawan ko ang phone ko. Hinihingi niya ang number ko. For me, my number is private. Hindi ko basta basta ibinibigay ang number ko. Sa mga kakilala ko lang. Pero si Rush naman 'to. Hindi siya basta basta lang.
Napabuntong hininga ako. Agad kong tinawagan si Bella and Steph. Ikwento ko sa kanila ang nangyari.
"MYGOSH! GUMAGAWA NA NG MOVES SI RUSH VINCENT FORD KAY QUINN SKYLAR ANDERSON! " Bella
"Ibigay mo na!" Steph
Hindi naman sila boto kay Rush sa lagay na yan?
"Walang masama doon. Wag nang mahiya! Ibigay mo na!" Bella
"Quinn, kakain na ano ba. " Narinig kong sigaw ni Mama sa baba.
"Sige mamaya na lang. " I said. Nagsalita pa sila pero pinatay ko na agad 'yong phone ko at bumaba na. Mamaya ko na lang ibibigay kay Rush 'yong number ko.
"Bakit ba ang tagal mo? " tanong ni Mama pagkababa ko.
"Kausap ko po kasi sila Bella,Ma." Sabi ko at inumpisahan na ang kumain.
Kami lang dalawa ni Mama ang magkasama dito sa bahay. Bata pa lang kasi ako wala na 'yong Papa ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko rin alam kung nasaan siya. Pero hindi na mahalaga yon. Yung iba naman naming kapamilya ay nasa ibang bansa. Kaya kami lang ang naiwan dito ni Mama.
"Oh kamusta naman ang school? " Tanong ni Mama habang kumakain kami.
"Ayon po nakatayo pa rin!" Biro ko at humalakhak pagkayari kong sabihin yon.
"Baliw ka talaga. " Umiiling na sabi ni Mama.
"Okay naman po kasi e. "Natatawa kong sabi. "Kapag bumagsak naman po ako agad kong sasabihin sa inyo e. "
"Nako subukan mo lang, Quin Skylar ha?! " Pagbabanta niya.
Tumawa lang ako at kumain na ulit. Pagkayari naman kumain ay tinulungan ko si Mama sa pag-uurong. Siya naman ang nagpupunas ng lamesa.
"Baka naman may nanliligaw na sayo doon?"
Halos mabitawan ko ang hinuhugasan kong baso dahil sa tanong ni Mama. Agad akong napatingin sa kanya. Lumingon siya sa'kin dahil napansin niya siguro na ang tagal ko sumagot.
"Oh? "
Agad akong umiwas ng tingin ng tinignan ako ni Mama sa mata.
"Wala po. Crush crush lang. " Sabi ko at tumawa.
Hindi na nagsalita si Mama. Bakit? Totoo naman 'yong sinabi ko. Wala naman talaga akong manliligaw.
Nang matapos ako ay agad akong umakyat sa taas. Pumunta muna ako sa banyo para maghilamos at mag toothbrush bago pumunta sa kwarto ko.
YOU ARE READING
If You're Not The One
Teen Fiction"Even if you're not the one for me...I still want you to be my the one. " - Written by: Shy Aquino