"Biology"
2nd quarter ng 2nd year High School.Year 2012. Hindi pa kami in a relationship nito ni babe. Hindi pa rin kami close pero may nagawa na kong kasalanan sa kanya.
Eto yata ang unang cheat ko sa kanya.
Literal na cheating.Nangopya kasi ako sa kanya nun sa periodical exam namin sa bio dahil wala talaga kong alam. Di ako nag-aral. At mahina talaga ako sa Science. Kaya 'yon,kumopya ako sa kanya nang wala siyang kaalam -alam.
Hehe.
ps. Kung 'di ako nangopya sa kanya nuon, baka bumagsak na ako sa science, mababawasan ang allowance ko, hindi rin ako papasamahin ni Daddy sa retreat, eh dun ako sa kanya umamin.
p.p.s. 6 years na nga pala kami ngayon
p.p.p.s. Hihi.
Chinito
FEU-IAS
2018
BINABASA MO ANG
A Boyfriend's Secret Files (An Epistolary Novel)
Mystery / ThrillerDon't tell this to my Girlfriend. Hehe. Mr. Chinito FEU-IAS 2018