LEXTER POV.
Ano ba yan! Bat ko ginawa yun? Huhuhu. Kainis. Ang bilis ng tibok ng puso ko kahapon!
Simula non. Di na nagpakita sakin si Roxanne, hanggang ngayon. Hayys. Bat ko kase ginawa yun. Shit!
Papunta ako ngayon sa puntod ni Daddy. Every saturday, lagi kong binibisita si Daddy.
"Hi Dad. Kamusta po? Hayys. Alam mo Dad? Miss na kita, ilang years na kitang di nakikita. May third eye naman ako pero bakit dika po nagpapakita sakin?" Naiiyak nanaman ako. Hayys. Dad. I miss you, SO MUCH. "Dad? Alam kong nakikita nyoko kahit di kayo nagpapakita sakin. Alam nyo po, si Roxanne, hinalikan ko sa pisnge, wala e. Nadala ko sa kagandahan nya. Pero bat ganon Dad? Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko." Sabi ko habang umiiyak na. Tsaka, dipa ko ready. Sa isa pang multo? Hayys. Sana kung tao siya... Posible. Pero, isa siyang multo..
"Lexter.." teka? Pamilyar to ah? S- si Roxanne ba 'to? >.<
Humarap ako. Tama, si Rox nga.
"Sorry.." sabay yuko nya. Bat siya nagsosorry? D- diba d- dapat a- ako?
"B- bakit?" Nauutal kong sabi.
Bat ba ko nauutal? Kainis naman oh. "Sorry dahil, hindi ako nagpakita sayo simula kahapon. Sorry kase---" diko na siya pinatapos.
Nilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya. "Shhhh. Ako ang dapat magsorry Roxanne." Bigla namang bumagsak yung luha nya. Shit! Naiiyak na din ako. Bat ganito itong nararamdaman ko? "Sorry dahil hinalikan kita, kahit na sa pisnge lang" Natawa naman siya. Pinunasan ko yung luha nya.
Nagulat ako nang bigla niya kong niyakap. !@#$
"S- sorry. Diko sinasadya" pag papaumanhin niya. Hayys. Diko matiis tong stupid girl ghost nato.
Hinila ko siya papalapit sakin tsaka ko siya niyakap. Hinalikan ko yung noo nya.
"Simula ngayon, noo mo nalang yung tsatsansingan ko ng halik. " sabay halakhak ko. Pinalo naman niya ko sa dibdib ko sabay tawa.
"Tsansing karin e. Hahaha." Sabi ko.
"Baliw." Sagot nya.
Thanks Dad. Kasasabi ko palang sainyo na di na nagpapakita sakin si Roxanne, eh dinala mo siya agad dito. Iloveyou Dad.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Sa tuwing kasama ko siya, kahit kailan lang kami nagkakilala, eh feeling ko ay matagal na. Na kapag kasama ko siya, diko na pansin yung mga nasa paligid ko. Maski si Ryle diko na napapansin, nalulungkot nga ako e.
Posible nga bang mainlove ako sa isang MULTO lamang?
Hayys. Hindi. Hindi mangyayari yon. Kumbaga, friend lang ang turing ko sakanya. Tama, kaibigan lang. Kaya ganon ang pakiramdam ko dahil siya lang ang kaibigan kong babae. Tama.
"Let's go? Umuulan na." Bigla nyang sabi.
"Let's go." Sabi ko. Sumakay nakami sa kotse kasama ang driver ko.
"Manong, pahatid nalang po sa mall. Dun nalang po ako maglu- lunch" sabi ko. Then, tatawagan ko si Ryle para makabawi man lang ako sa pagsusungit ko dun sa bestfriend ko.
"Kakain tayo? *○* " biglang tanong ni Roxanne. Pfft. Parang nagniningning yung mata niya. Hahaha.
"Ah. Sige po. Sasabihin ko nalang po kay Ma'am Venice."
"Oo Rox. Kakain tayo. Hahaha" sabi ko.
"Yie! Thankyou! Busog nanaman nyan ako. Wahahahaha." Pfft.
"Sino pong kausap nyo Sir?" Biglang tanong ni manong.
"Ah. Si Roxanne po. Friend ko." Sabi ko.
"Multo? Wow Sir. Buti kinakausap nyo yung mga multo? Dati rati eh isnob mo sila." Si manong talaga ang daldal -,-
"Hahaha. Ikaw talaga manong. Wala e, kakaiba siya." Sabi ko sabay tingin kay Roxanne na nakatingin sa labas.
Nakalimutan ko palang tawagan si Ryle.
*dialled Ryle's number*
[Hello Lex!]
{Punta ka sa mall malapit sa Cemetery. Alam mo naman siguro yun no? Kakain tayo. 11:30 dapat nandito kana.}
[Libre mo bro?]
{No choices, sige.}
[Yie! Iloveyou bro!]
{Heh! Bye na.}
Nakarating narin kami sa wakas.
Habang naglalakad lakad kami e matagal pa bago mag 11:30...
"Si Ryle yon?" Tanong ni Roxanne.
"Yhup. Why?"
"P- piling ko, m-may mangyayaring hindi maganda kay Ryle" sabi nya nang nauutal.
"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.
"M-may nakita ko. Ewan koba. Biglang pumasok sa isip ko si Ryle. Nakita ko siyang D- DUGUAN." Naiiyak nyang sabi "tawagan mo!" Umiiyak na siya ngayon. Shit! Ano bang pinagsasabi nya?
"Just call him!" Pasigaw nyang sabi.
Nanginginig akong habang dinadial ang number ni Ryle.
Pero, patay ang phone nya.
"Naka p-patay" sabi ko.
"Shit! Wala sanang mangyaring masama." Diko talaga siya maintindihan.
"Pano? Ano bang nakita mo?" Tanong ko sakanya habang pinupunasan yung luha mo.
"Habang n-naglalakad k-kase tayo, bigla kong may nakita sa isip kong... lalaking duguan. Malabo, hindi ko nakikita yung itsura but, yung katawan i see. And, k-kakatawan nya si Ryle!" Pagpapaliwanag nya habang umiiyak. Shit! Sana naman hindi totoo yun.
"Sa t-tingin mo t-totoo yon?"
"I don't know. Sana hindi." Sabi na nang nakayuko. Diko alam kung bakit ganon kalungkot si Roxanne. Samantalang kailan lang din sila nagkakilala and di sila close.
Bigla akong nakaramdam ng selos. Pero, bakit ganon? Friend lang ang turing ko pero nagseselos ako. Erase erase erase!
"N- nakita mo ba kung saang lugar yon?" Pumikit siya. Naiinis ako. Sana walang mangyaring masama kay Ryle. Sana hindi totoo yung sinasabi ni Roxanne. Sana nagkakamali lang siya.
"Hindi. Hindi ko alam yung lugar nayon. Pero, nakita ko kung nasan siya."
"Let's go." Nagtaxi nalang kami.
"Sir, san po kayo?"
Tinignan ko si Roxanne.
"Kahit saan. Ikutin natin yung lugar nyo."
"Kahit saan manong. Basta magdrive nalang kayo." Tumango naman siya. Nagsimula nang magdrive si manong.
Nagpalinga linga si Roxanne. Pero kahit saan siya mapatingin ay umiiling siya.
Kinakabahan nako.
"Ayun! Y- yung ba- bakanteng lotte don. D- diretsuhin natin."
Totoo nga siguro. Pero sana wala kaming matagpuang Ryle dun. Sana nasa bahay siya. Sana ligtas siya.
♡ Don't forget to Vote, Comment and Share. Kamsahamnida. ♡ =*
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With A Ghost
Teen FictionPaano nalang kung ma-inlove ka sa isang Multo ng hindi mo inaasahan? Ano ang iyong gagawin? Lalayuan mo ba? O pababayaan mo siyang lumapit sayo upang ika'y maging masaya? Masaya ka nga bang inlove ka sakanya ngunit alam mo naman na wala ka talagang...