LEXTER POV.
Sana wala ngayon sa hospital si Ryle. Kung hindi sana siya nabugbog nang sobra. Na nakita nalang namin na nakahandusay sa roon. Na hindi man lang namin nakita kung sino ang may sala...
Sana, sana diko na inaya si Roxanne magmall nang sa ganon e, hindi kona inaya rin sumunod si Ryle. Si Ryle na, hindi ko alam kung kailan magigising... na comatose siya..
THIRD PERSON POV.
Nasa isang room sila Lexter habang hinihintay ang Ina ni Ryle. Si Lexter na parang wala sa sarili, na sinisisi niya si Roxanne. Sinisisi niya na si Roxanne ang may kasalanan kung bakit nasa hospital si Ryle.
"Kasalanan mo 'to Roxanne. Kung di dahil sayo. Hindi sana siya nandito." Wala sa sariling sabi ni Lexter. Ang tanging naiisip lang niya ngayon ay ang kapakanan ni Ryle.
"Ha? Anong sinasabi mo Lexter?" Naguguluhang sabi ni Roxanne.
"Anong sinasabi ko? Hmm. Kasalanan mo 'to, this is all your fault. Sana hindi nalang tayo nagpuntang mall para hindi na siya lumabas ng bahay. Na sana hindi nalang kita inaya na lumabas. Na sana... hindi nalang kita na kilala." Labis na nasaktan si Roxanne sa huling sinabi ni Lexter. Hindi siya naniniwala. Dahil nga sa wala sa sarili si Lexter dahil iniisip niya ang kapakanan ni Ryle. Kaya binabalewala nalang niya.
Pero kahit binabalewala na lamang ni Roxanne, hindi parin niya mapigilang hindi maiyak.
"N- no. L- lexter. Please, alam kong w- wala ka s- sa sarili mo. M- magpahinga ka m- muna. Le---" hindi na natapos ang sasabihin ni Roxanne dahil inihagis ni Lexter ang upuan sa tabi ni Roxanne.
"Hindi ka ba nakakaintindi?! Get out of this room! At.. at wag ka na ulit magparamdam sakin.." napahagulgol na si Roxanne sa sinabi ni Lexter. Dahil sobra na, at yun ang kagustuhan ni Lexter, bigla nalang siyang naglaho...
Nagulat si Lexter nang bigla nalang naglaho si Roxanne samantalang hindi naman niya kayang maglaho noon, pero isinantabi nalang niya iyon. Wala siyang panahon para isipin yun.
LEXTER POV.
Kelan kaya gigising si Ryle?
Okay na rin sigurong wala si Roxanne. Pero may part na inis dahil sa sinabi ko kanina. Pero wala, nangyari na.
"R- ryle?" Biglang dumating si Tita. Umiiyak. Alam nya na rin yung nangyari.
"A- ahh. T- tita, maiwan ko na po muna kayo." Hindi siya sumagot pero umalis nako.
Nagpunta ko sa park malapit sa school. Magpapahangin lang.
Naiinis ako! B- bakit kasi kailangan pang mangyari kay Ryle yon? Wala namang kaaway yung tao.
*kring kring*
Bibili ako ng cotton candy. Bawas lungkot.
"Ate pabili po." Sabi ko kay ate. Muka siyang kasing edad ni mama. Pero parang mas matanda si ate. Napatitig naman siya sakin. Problema ni ate?
"Ah. Ate?" Sabi ko habang niwwave yung kamay ko.
"A- ah i- ilan iho?" Tanong ni ate.
"Isang stick lang ho." Sagot ko. Sana man lang mabawasan tong nararamdaman ko.
Inabot saken ni ate yung cotton candy. Inabot ko rin yung 20 pesos.
"Mawalang galang na iho. Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Geez. Bat tinatanong ni Ate? Sasabihin ko ba? Pero muka namang mabait si Ate. Para ko na ring Nanay kung sakali.
"Lexter Sy po." Sabi ko. Nagnod naman siya.
Umupo ulit ako sa swing habang kumakain ng cotton candy. Nakakalungkot isipin na dapat kasama ko ngayon si Ryle habang kumakain. Takaw pa naman non. Hahahaha.
Namiss ko na yung kahinaan ng brain nya. Hahaha.Ngayon ko lang napansin habang nakangiti ako e, may tumutulo na palang luha. Hahaha. Wala e, masakit.
I'm not as strong as everyone thinks I am..
"Grabe yang emote mo. Tumigil ka nga." Biglang sulpot nung babae. Yung classmate ko. Airah ata name nya? Aish, whatever.
"Badtrip ako. Wag mo nang gatungan." Sabi ko. Mang iinis nanaman 'to.
"Ay, ang harsh mo naman Lex. Dadamayan lang naman kita sana." Bat ganon? Medyo gumaan yung loob ko. Shit.
Wag kang magpadala dyan sa babae nayan Lex..
"Bahala ka. Kung yan ang gusto mo." Sabi ko.
"Thankyou..." sagot nya. "For what?" Tanong ko.
"Thankyou, kasi pinansin mo ko. Alam mo bang ang tagal kong hinintay na pansinin mo 'ko? Alam kong ang babaw ko Lexter. And, kapag lumalapit ako sayo alam kong naiinis ka. But this time, nilapitan kita kase ang lungkot mo, gusto lang naman kitang damayan." Sabi nya habang nakayuko. Nakaramdam naman ako ng guilt.
"S- sorry.." sabi ko. "What do you mean?"
"Sorry kung lagi kitang sinusungitan. Di naman kasi ako friendly tulad ni R- ryle. Kaya siguro minsan nasusungitan kita." Sabi ko.
"Speaking of Ryle. Nasan siya?" T- teka. Sasabihin koba? Pero ngayon lang kami nagkasundo ni Airah.
"Hospital.." sagot ko habang nakatingala. Pinipigilan ko yung luha ko.
"Hospital? Anong ginagawa nya don?"
"Nacomma siya. Nabugbog." Diko na napigilan yubg nagbabadyang luha ko.
"W- what?" Concern siya.?
Nagnod ako. "Kaya pala umiiyak ka kanina." Dagdag pa niya
Umuwi na siya. Maggagabi na ri kasi. Pero ako nandito parin. Wala kong ganang umuwi.
"Kuya kuya!" Sabi ng humihilang bata sakin. Hays. Masakit na nga yung pakiramdam ko makikisama pato.
Nilingon ko yung bata. "Kuya, may naghahanap pong lalaki sainyo dun.." sabay turo dun sa nakajacket na lalaki pero nakatalikod siya. Familiar. "Magpunta daw po kayo dun, may sasabihin daw po." Sabay takbo ng bata...
Pupuntahan ko ba?
Baka importante. Sige pupuntahan ko.
Pero habang naglalakad ako, mabilis na nawala yung lalaki. Anyare don?
Kitang nag eemote ako para kay Ryle may panira pa nang awra dito.
May nakita kong picture na nakatalikod. Pero may sulat.
"Pakisabi nalang kung patay na siya." What? Anong pinagsasasabi nito? Sakanya ba galing 'to?
Tinignan ko yung picture.
S- shit!
SOMEONE'S POV.
"Are you sure?" Tanong ko dun sa mga tauhan ko.
"Yes boss. Bugbog sarado siya. Baka nga mamatay na yun." Sagot nya. I smirked.
Nagnod ako. Umalis naman siya sa harap ko.
"Una palang yan Lexter. Kulang pa yan sa mga kasalan mo. Nagsisimula palang ako." I whispered.
♡ Dont forget to Vote, Comment, and Share. Kamsahamnida ♡ =*
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With A Ghost
Dla nastolatkówPaano nalang kung ma-inlove ka sa isang Multo ng hindi mo inaasahan? Ano ang iyong gagawin? Lalayuan mo ba? O pababayaan mo siyang lumapit sayo upang ika'y maging masaya? Masaya ka nga bang inlove ka sakanya ngunit alam mo naman na wala ka talagang...